Chapter 321

475K 24.1K 36.1K
                                    

A/N: Bakit niyo hinihingi si Yuri? Hindi ba sila magkakatuluyan ni Jay? Hindi niyo nga alam kung si Keifer ba talaga at si Jay. Kasi kami talaga sa huli. Char.

Ako talaga yung red haired girl. Charot!

Enjoy guys. Sorry sa typo.

Chocolate

Jay-jay's POV

HINDI AKO PATAY GUTOM!!

Bakit ako matatakam? Chocolate lang naman yan. Makakabili ako niyan, hindi man ngayon pero sa nga susunod na pagkakataon.

"Alisin niyo nga yan sa harapan ko." Iritang utos ko.

"Don't you dare touch anything!" Sagot naman nitong isang tukmol.

Ako talaga napipikon na. Malapit-lapit na kong makasapak. Yun talaga mangarap ko, masapak ng maraming beses si Kei—kwanan. Yung mamaga muka niya hindi na siya makikilala ng mga kapatid niya.

Hinawakan ko ang isang box ng chocolate at kitang-kita ko ang pagliwanag ng muka ng mga patay gutom na Ulupong. Sinundan pa nila ang pag-galaw ng kamay ko.

Balak ko sanang ilipat ng lamesa pero napatigil ako ng pumasok ang teacher sa room. Agad na umayos ng upo ang mga luko, samantalang ako eto na mo-mroblema pa rin sa tambak ng chocolate.

"Start na tayo." Sabi ng teacher at hindi man lang pinansin ang sitwasyon ko.

Eh?

Wala talagang paki samin ang ibang teacher. Minsan tuloy pakiramdam ko pumapasok lang sila dahil yun ang kailangan. Ni-hindi nga sila nagtuturo mg maayos. Si Sir Alvin lang talaga ang nagmamahal samin.

Napilitan akong bitawan ang hawak at kuhanin ang notebook ko. Langhap na langhap ko pa rin ang amoy ng chocolate kaya mas lalo akong nahihirapan. Daig ko pa inalok ng milyong pera.

Hindi ako patay gutom!

Meserep lehet!

Napalunok ako ng mahagip ng paningin ko ang isang box na itim na may golden ribbon. Nakita ko to dati sa TV at ang sabi don, limited edition to at madalas sa mga royalty lang makikita. Iba ang lasa sa ibang chocolate dahil matagal ang proseso ng pag-gawa at walang preservatives added.

Hindi ako patay gutom!

Ang bango!

Napaubo ako ng sinubukan kong huminga ng malalim at malanghap ang amoy. Humahalimuyak talaga ang amoy ng chocolate. Nang-uudyok talagang kainin ko sila.

Hindi ako patay gutom!

Ang dami!

Taas noo akong nakatingin sa board pero ang mga mata ko kusang bumababa sa lamesa ko. Hindi nakaiwas sa paningin ko ang maliit na chocolate na may balot na ginto at nahiwalay sa lalagyan.

Hindi naman siguro niya mapapansin.

Isa lang. Masaya na ko sa maliit na to. Eto lang matikman ko ng hindi nila nalalaman, solve na solve na ko. Masayang-masaya na ko! Lalo na kapag hindi nalaman ng talipandas na Hari ng mga Ulupong na hindi ako nakatiis.

Pasimple kong tinulak ang notebook ko palapit. Kuwaring nakahawak ang dalawang kamay ko sa ibabaw non. Nakataas pa rin ang muka kong nakatingin sa board pero nasa baba pa rin ang mga mata.

Kaunti nalang.

Halos hindi na ko huminga magawa lang ng maayos ang balak ko. At nang mahawakan na ng isang kamay ko ang target, muntik na kong ngumiti ng malapad. Mabuti nalang at napigilan ko. Dapat walang makapansin.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon