Chapter 322

580K 24.6K 33.7K
                                    

A/N: babagal na ang bawat scene. Andito na kasi si Kepweng. Tapos si Yuri pala talaga pipiliin ni Jay-jay. Hahahaha

Enjoy!

Eating lunch

Jay-jay's POV

"Pahingi." Bulong ni Ci-N habang pilit inaabot ang kahon ng chocolate na nakuha ko.

"Ang dami kong iniwan kanina." Reklamo ko habang nilalayo ang hawak ko.

"Hindi ako nakakuha kanina." Sabi niya pero nakikita ko ang isang ngipin niyang may chocolate pa.

Tinuro ko ang bibig niya at pinaningkitan siya ng mata. "Eh ano yang nasa ngipin mo?"

"Tinga! Hindi ako nag-toothbrush." Palusot niya kahit halata namang marami din siyang nakuha.

Siya kaya ang katabi ko at pinaka-malapit sakin. Isang unatan lang nang kamay hakot na niya lahat. At isa pa, ang daming balot ng chocolate sa ilalim ng upuan niya. Natapakan na nga niya ang iba ng hindi namamalayan.

Narinig ko na ang tunog ng bell. Nag-papa-alala na lamunan time na. Mabilis kong tinago sa bag ko ang kahon ng chocolate. Nang makita kong sinisilip ng Batang Kumag yon, agad ko siyang binantaan ng suntok.

"Lunch, Jay?" Aya ni Yuri na nasa pagitan na namin ni Ci.

"Yes, libre mo." Sagot ko at tumawa naman siya.

Tinignan ko si Ci para sana ayain siya pero halatang wala siyang balak umalis sa pwesto niya.

"Hoy, hindi ka ba sasabay?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. "Wala pa yung pagkain."

"Baka bibili tayo."

Pinagmasdan niya ko na para bang nagtataka siya sa pinagsasa-sabi ko. Pinag-taasan ko siya ng kilay.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Bakit ka pa bibili? May pagkaing dadating." Sagot niya bago kamutin ang kilay.

Taka ko siyang tinignan. May pagkaing dadating? Literal bang may babato ng pagkain samin o kaya isasampal samin? Magpapa-ulan ba ng pagkain ang langit? Bago to!

Tinignan ko si Yuri sa pagba-baka sakali na may alam siya. Pero nakatingin din siya kay Ci na puno ng pagtataka.

Hanggang sa mapatingin nalang kami sa likod dahil sa ingay ng mga bakal na kuma-kaskas sa sahig. Barumbadong inaayos ng mga Ulupong ang mga lamesa.

"I-angat mo ang lamesa! Bobo!" Inis na sabi no Blaster kay Drew.

"Baka i-angat mo din! Mas bobo!" Sagot naman ni Drew.

"Naka-angat na! Pinaka-bobo!" Ganti naman ni Blaster.

"Kaya pala side ko lang naka-angat! Super bobo!" Hindi papatalong sagot ni Drew.

"Pareho kayong bobo! Mga putang'na niyo!" Sigaw ni Felix sa kanila.

"Ano to? Labanan ng mga bobo. Nagtalo pa kayo, pareho lang naman kayo ng banat ng utak." Mapang-asar na sabi ni Denzel.

Mahinang natawa ang mga katulong nila sa pag-iingay. Muntik pang mauwi sa suntukan ang away nila kundi lang gumitna si Felix at ambaan sila ng batok pareho.

Ano naman kaya ang ginagawa ng mga bobo?

Pinaglalapit-lapit nila ang mga lamesa nila sa likod at tinatabi naman ang mga upuan. Kaniya-kaniya sila ng ayos na akala mo may pinaghahandaang kaganapan.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon