Chapter 18

560 31 2
                                    

"When did you plan this?"

Tanong ko kay Levi. Past midnight and we're still on top of this building eating something he also prepared for me.

"Last month pa."

Tipid na sagot niya at iniabot sa akin ang plato ko pagkatapos niyang hiwa hiwain ang steak na para sa akin.

Kumunot ang noo ko. Abala siya sa research at activities ng Council noon pero naisingit niya pang pagplanuhan ito.

"Busy ka ng mga panahon na 'yon."

Levi just smirked. Kinindatan ako nito.

"You know, there are things I'd do for love."

Napainom ako ng tubig sa sagot niya. I heard him laugh at me.

Nagtanong nga lang ulit ako nang may maalala.

"Alam nila Mamita?"

"Nagpaalam ako sa kaniya bago sila umalis."

Kaya pala ganoon nalang ang text nito kanina pati ang mga kinikilos nila Ate Lala.

"Kailan mo 'to ginawa kung ganon?"

Hirit ko pang tanong.

"Kanina lang pagkauwi sa school."

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala na kanina niya lang ito ginawa.

"Nagpatulong ako kay Rafael tsaka sa mga pinsan ko."

Natatawang sambit ni Levi na tinutukoy ang pangalawang kapatid at ang mga lalake kanina na mga pinsan niya pala.

No wonder they all look familiar. Their faces scream Zardeleja's blood.

"What's the catch?", natanong ko.

Base sa kuwento ni Levi, Rafael isn't someone you can just order around. May kapalit lagi kung hihingan mo ito ng tulong.

"Ako ang gumawa ng mga projects niya."

Kibit balikat ni Levi. Napailing iling ako. Ang dami na nitong ginagawa pero nagpresinta pa itong dagdagan iyon para lang tulungan siya ng kapatid para dito.

The things Levi would do for love, indeed.

Hindi ko alam kung bakit hindi na natanggal ang ngiti ko. Mistula akong nililipad sa alapaap.

Everything is truly strange. Hindi ako sanay. But the unfamiliarity of the feelings I have at the moment makes my heart warm.

Is this how love felt like?

Tumingin ako kay Levi na abala sa pag-aasikaso sa akin. Puno ng sinseridad ang bawat galaw na nito na hindi ko magawang pagdudahan o kwestyunin ang kaalaman na gusto niya ako.

Never in my wildest dreams did it cross my mind that he'll ever like me.

Wasn't it too fast? Kailan lang kami nag-usap at nagkakilala nang ganito.

I shook my head. I'm too happy to even overthink about what he feels.

Ngayon lang ako naging masaya ulit kaya't pinagbigyan ko ang sarili.

"How did you know my birthday?", tanong ko kapagkuwan.

Umangat saglit ang tingin niya sa akin pagkatapos niyang salinan ng tubig ang baso ko.

"I've always known your birthday, Raegan."

Tumaas ang kilay ko. Paano niya nga alam?

I never celebrated my birthday since my mom died.

Maybe he had seen the question in my eyes so he timidly smiled.

"I had a talk with Don Ric. Nabanggit niya lang sa akin. He also told me how you never wanted to celebrate your birthdays. I just pushed my luck."

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon