Tigang 16

51 4 2
                                    

Dear Diary,

Sorry kung may 1 month kitang hindi nasulatan at nakumusta. Naging abala kasi ako sa pagpapapayat ko.

Di ka maniniwala Diary, 45 kilos na lang ako ngayon. Kaya naman feel na feel ko na ngayon magdress at iladlad ang kasexyhan ko. Nganga si Adonis sa tuwing dadaan ako sa harapan nya.

Alam mo bang panay na ang text nya ngayon sa akin. Pero alam mo hindi na ako kinikilig sa kanya. Narealized ko kasi na katawan ko lang ang habol nya hindi ang puso ko.

Di ba kapag mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo kahit ano pang anyo nya? Akala ko pa naman hindi tumitingin si Adonis sa panlabas na anyo. Kasi naman di ba mukhang hipon ang jowa nya.

Pero sabi nya sa chat sa akin, kaya daw nagustuhan nya si Hilda ay dahil daw maganda ang katawan, makinis, maputi at magaling daw sa boombastic!

Hayop na yun nakakaturn off. Kaya sabi ko sa kanya leave me alone. Kasi hindi ko na sya crush ngayon. Kahit masakit sa akin, kinalimutan ko agad ang pagtingin ko sa kanya. Biglaan yun Diary ha, hindi pa naman ako sanay sa biglaan. But I did it.

Alam mo kasi ang gaya nya ang lumalason sa isip at puso ng mga tao na walang forever. Paano magkakaforever e kung ang panlabas na anyo lang ang pinagbabasehan ng gaya ni Adonis di ba.

Naisip ko na what if tumaba ulit ako, e di iiwan na nya ako di ba? Kaya naman hindi ko hahayaan na gaya nya ang makadilig sa akin. Di bale ng hindi ako magkaboyfriend basta wag lang gaya nya. Matapos akong pagsawaan siguradong ibabasura ako ng damuhong yun, kaya goodbye Adonis na lang.

Tapos eto nga di ba nasasaktan ako dahil sa pag-give up ko sa pagmamahal ko kay Adonis. Kaya naman ang payo nina Tyang ay magbakasyon muna daw ako. Sabi nila pumunta daw ako kahit saan ko gusto.

Wala naman akong alam na magandang lugar kaya naman sumama na lang ako kina Sweetania pabalik sa Manila. Natapos na kasi ang mission nya sa akin na balik alindog kaya back to the City na sila. Tuwang-tuwa nga sya ng sinabi kong pasama sa kanila.

Pero kaya lalo akong naging abala pagdating sa Manila. Ito kasing si bestfriend ko wala ng ginawa kundi gumala nang gumala. Tapos palagi nya ako pinade-date sa mga kaibigan nyang Manilenyo. Kanina nga nakipagdate ako.

Pero nilayasan ko yung ka-date ko na yun, kasi naman napakakuripot, sabi ba naman 50/50 daw kami sa bayad sa kinain namin. Nakakaturn off. Kaya pagkabigay ko ng share ko nilayasan ko na. May sukli pa yun pero kanya na lang. Kaya mga 100 pesos lang ang binayaran ng loko. 

Wala namang kaso ang 50/50 di ba, kahit nga ako pa ang magbayad ng kinain namin. Pero pag first date naman, dapat pakitang gilas ka naman sa kadate, di ba? Well anyway, opinion ko lang naman yun. Ewan ko lang sa ibang babae kung hindi sila natuturn off sa ganong guy sa unang date nila.

Tapos alam mo ba kahapon may ka-date din ako, may goodness kung ano-ano ba naman ang inaalok sa akin na product. Gusto pa akong isali sa networking nya.

Tapos the other day, okay na sana yung guy. Kaso nga lang tinawagan ng mama nya. Alam mo ba sa takot sa mama nya iniwan ako basta basta sa restaurant. Bwisit talaga, puro sablay ang pinapadate sa akin nitong si Sweetania.

Tapos noong nakaraan may nakadate din ako. Ang kapintasan naman nya para syang cow kung kumain. I mean pag kumakain sya hindi nya sinasara ang bibig nya. He keeps slurping and smacking his lips when he is eating and drinking. Super lakas din ng sounds pag ngumunguya sya. He needs to learn how to chew quitely, right? Siguro sa iba it's fine but for me it's rude. Kaya sabi ko doon sa guy, wag na syang magtetext sa akin.

Bukas daw meron na namang ipapa-date si bff sa akin. Sabi ko ayoko na, awat na ako sa kalokohan nya.

Tapos kanina pagdating ko sa bahay naisipan kong iopen ang FB ko. Alam mo bang nag-chat ulit yung Romeo. Di sya nagsasawa mangumusta kahit seen ko lang sya.

Kaya naman kanina nag-reply na ako sa kanya. Sabi ko Hu u? Sagot nya naman, Si Romeo daw.

Alam kong si Romeo sya dahil yun ang pangalan nya sa Fb. Sa irita ko di ko na sya nireply ulit.

Tapos alam mo ba lahat ng photos ko na matataba sa FB ni-like nya. Kaya medyo kinilig ako. Kasi naman wala namang nagla-like ng mga pictures ko kundi si Sweetania lang at ako. Sabi ko nga noon kay Tyang at Tyong magfb na sila para madagdagan ang likers ko. Napagalitan lang ako ng kambal.

Pero alam mo parang natutukso na akong ientertain si Romeo. At take note ha, hindi pa nya nakikita ang picture ko na payat na ako pero yung matataba kong picture nakita na nya at nilike nga nya lahat. Sabi ni Sweetania kausapin ko na daw yun kasi chat lang naman daw.

Sa palagay mo Diary, dapat ko na ba syang kausapin ng hindi lang Hu u ang sinasabi ko? 

Siguro next time dadamihan ko na ang tanong ano. Kasi paano ko nga naman sya makikilala kung ayaw ko syang kausapin. 

Pero alam mo kaya naman ako nagdadalawang isip ientertain sya, kasi nga wala syang photos sa Facebook. Kaya natatakot ako. Naiisip ko rin na baka scammer lang yun.

Hay bahala na bukas.

Sige na Diary, bukas na ulit. Dito muna daw ako sa Manila hanggang makahanap ako ng aasawahin ko sabi nina Tyang. Ang lupit talaga ng mga yun. Inevict ako sa bahay nila dahil single ako.

Sana naman makahanap na ako ng mapapangasawa para makauwi na ako. Miss ko na kasi ang Lupaypay na aking bayang sinilangan. Pati sina Tyang miss ko na at ang mga chismosa sa labas ng bahay namin.

Babye na Diary,

Tigang—sa pagmamahal,

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon