Kabanata 35

227K 13.9K 38.1K
                                    

[Chapter 35]

MAHINANG pagpatak ng ulan ang aking naririnig mula sa labas ng bahay. Nang imulat ko ang aking mga mata, kasabay na kumawala roon ang aking luha. Mga alaalang muling nagbalik. Mga pangyayaring muling naulit.

Narito pa rin kami sa bahay ni Manang Milda. Napalingon ako sa tabi nang hawakan ni Sebastian ang kamay ko. Ako ang nakahiga ngayon sa kama. Nakaupo siya sa silya, namumutla at pilit na iniinda ang tama ng baril sa kaniyang kaliwang balikat. Sa pagkakataong iyon ay napagtanto ko na hindi pala talaga Sebastian ang pangalan niya.

"Bakit?" nag-aalang tanong ni Sebastian habang hawak nang mahigpit ang kamay ko. Sumisikip ang puso ko, tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko na puno ng pagsisisi, panghihinayang at kalungkutan. Agad akong bumangon at yumakap sa kaniya. Iniwasan kong masagi ang sugat niya sa balikat. Para akong batang umiiyak na ayaw kumawala sa magulang.

Tinapik ni Sebastian nang dahan-dahan ang likuran ko tulad nang palagi niyang ginagawa sa tuwing niyayakap niya ako pabalik. "Ipanatag mo ang iyong isip. Hindi ako mamamatay" wika niya upang pakalmahin ako sa pag-aakalang kaya ako umiiyak ngayon ay dahil muntik na siyang mamatay nang itakas niya ang tatay ni Niyong.

Wala siyang ideya na kaya ako umiiyak ngayon ay dahil gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Ako ang dahilan kung bakit siya nakulong sa loob ng kwentong ito at nakaranas ng kalungkutan. Ninakaw ko ang buhay at lahat ng pagmamay-ari niya.

Isinubsob ko na lang aking mukha sa dibdib niya. Ito na siguro ang totoong dahilan kung bakit ako nakakapasok sa loob ng nobelang ito. Dito talaga ako nabibilang. Si Sebastian ang totoong author ng Salamisim at ako ay isang karakter lamang.

Napatingin ako sa tatay ni Niyong at kay Manang Milda na nakatayo sa gilid at nakatingin sa amin. Ayon sa tatay ni Niyong, nawalan daw ako ng malay sa gubat nang hilahin ako roon ni Manang Milda kaya ako ngayon ang nakahiga sa kama.

Kinagabihan, tahimik lang kaming apat. Tulala sa sulok ang tatay ni Niyong. Abala naman si Manang Milda sa pagpapakulo ng mga halamang gamot. Nakahiga si Sebastian sa kama, nakaupo ako sa tabi niya habang tulalang nakatitig sa labas. Patuloy pa rin ang mahinang pagbagsak ng ulan.

"Nawa'y hindi magtungo rito ang mga guardia. Sukuan sana nila ang maputik at masukal na daan" wika ng tatay ni Niyong, ibig niya ring pagaanin ang sariling loob sa takot na matunton agad kami ng hukbo rito.

"Malakas ang agos ng ilog. Hindi sila makakatawid dito hangga't bumabagyo" saad ni Manang Milda nang hindi tumitingin sa amin. Hinahalo niya nang mabuti ang sari-saring halaman at nilalagay iyon sa mainit na palayok.

Napatingin ako kay Sebastian na mahimbing na natutulog ngayon. Kahit papaano panatag ang kalooban niya kapag natutulog siya. Hindi na siya dinadalaw ng bangungot. Mga masasamang panaginip na ako ang siyang dahilan.

Isinalin ni manang Milda ang halamang gamot sa maliit na tasa saka naglakad papalapit sa'min. Una niyang binigay ang isa sa tatay ni Niyong. Ang dalawa naman ay sa amin ni Sebastian. Umupo si Manang balita sa katapat na bakanteng silya.

"Kahanga-hanga ang katatagan ng lalaking ito. Nararapat lamang na mabuhay na siya nang payapa" wika ni manang Milda habang nakatingin kay Sebastian. Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa katotohanang kasalanan ko ang lahat ng ito.


KINABUKASAN, bago sumikat ang araw ay nagtungo ako sa simbahan upang makausap si Padre Emmanuel. Sa kusina niya ako dinala, nagtimpla siya ng kape para sa aming dalawa. Tulala ako sa kahoy na mesa. Amoy kapeng barako ang loob ng kusina. Kulay asul na ang liwanag na tumatagos mula sa maliit na bintana ng kusina.

Inilapag ni Padre Emmanuel ang tasa ng kape sa tapat ko saka tinuloy ang paghalo ng kaniya. "Sinabi na sayo ni Milda lahat?" tanong nito, dahan-dahan akong napatingin kay Padre Emmanuel, hindi na ako nagulat na alam niya ang mga nangyayari.

Salamisim (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon