10

434 17 1
                                    

10

Hindi nya alam na ang pagpapa alam na yon ang magiging huling paalam nang asawa sa kanya.

Kinaagahan, ang bangka na sinakyan nito ay hindi nakabalik. Ang bangka na gamit nang mga ito ay natagpuang nakataob, walang katawan ang nakita sa loob.

Hindi na sya matigil sa kakaiyak, ang asawa nya ay hindi pa makita. O kung ligtas ba ito.

Pagdating nang hapon, natagpuan ang bangkay nang tatlong mangingisda kinilalang si Pidong ang isa. Ang dalawa ay taga kabilang sitio naman.

Apat silang nangisda nang madaling araw na yon. Hindi sya susuko, buhay ang asawa nya! Alam nya nasa paligid lang ito.

Lumipas ang gabi nang walang Ebeng ang nakita sa nangyaring rescue operation. Malakas din ang alon nang mga panahon nayon dahil sa hangin.

Ate kumain ka muna. Si Presko.

Presko ang kuya mo! Iyak nya dito. Maga ang mata nya at nangangalumata sya.

Buhay si kuya Ebeng ate. Salita nang bunso nila si Duday.

Tama ka bunso diba?

Opo. Kaya kumain kana ate. Kawawa naman sina B1 B2 at B3 kapag di ka kumain. Magugutom sila. Mahinang salita nito.

Pinilit nyang kumain nang agahan kahit ayaw tangapin nang sikmura nya.

Baby pasensya na, napabayaan kayo ni Nanay. Pagka usap nya sa mga anak.

Pinunasan nya ang luha sa pisngi. Nagbihis sya nang bestida, dahil pupunta sila ni Pinyang sa barangay.

May natagpuang bangkay nang lalaki sa dagat kagabi. Hinihiling nyang matagpuan ang asawa pero wag sanang malamig nang bangkay.

Ang lakas nang iyak nya nang makompirmang si Steban ang bangkay hindi ang asawa.

Ekang, kumalma ka. Ipalagay mo ang iyong loob ang mga anak mo isipin mo.

Pinyang, habang tumatagal ay kinakabahan ako.

Kaya mo yan! Kung meron lang tutulong sa atin mag hanap na may malaking bangka mas mapapadaling mahanap sila. Tinitigan nya ang babae.

Bakit hindi nya naisip. Pinyang kailangan ko umuwi, ngayon na!

Sige sige.

Pagkababa ay agad syang pumasok sa bahay.

Ate kumusta ang lakad mo? Salubong sa kanya nang kapatid na si Presko.

Si Steban ang nakita Presko. Malungkot nyang pahayag dito. Kaibigan nito ang lalaki. Malungkot itong tumango.

Agad syang umakyat nang kwarto nya at hinaloghog ang gamit nya.

Napaiyak sya nang makita ang papel na may numero nang mga magulang nang lalaki.

Agad syang bumaba at nagpasama sa kapatid sa tindahan. Nagbayad sya nang pay phone at dinial ang numero.

Jusko sana may sumagot.

Hello, Araneta residence. Sino sila? Si Nana Norma.

Nana Norma si Ekang po ito. Pakilala nya.

Ekang? Ikaw ba talaga yan, naku bata—.

Nana Norma medyo emergency kasi ang pagtawag ko andyan ba si Mam Ysay? O si Sir Heaven?

Huh?

Please Nana, emergency kasi talaga. Pakausap sa kanila.

Oh sige. Naguguluhan man ay tinawag nito ang amo.

Ekang, is that really you?

May Ysay?

EVEEN ARANETA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon