Chapter 23: The Auction Play

4.3K 296 41
                                    

Auction (n.) - a public sale in which goods or property are sold to the highest bidder.

Chapter 23: The Auction Play

Hisu Country, Palace

"Good morning your majesty, nakahanda na po lahat ng susuotin mo mamayang gabi," sabi ni Luna pagkapasok nya sa kwarto.

Pabalik balik ang tingin nya saming dalawa ni Blaze nang mapansin nya ang pagod naming mga hitsura. Bakat sa mukha nya ang tanong na 'anong ginawa nyo kagabi?' but maspinili nyang hindi magtanong dahil alam nyang its not appropriate, knowing Luna talagang sinusunod nya ang mga patakaran ng isang personal maid.

Naalala ko ang nangyare sa mama ni Luna. Grabe, hindi ko aakalain nagawang patayin ng second prince ang ina ni Luna. Napaisip din ako, kung dating maid ang mama ni Luna under the second prince, then it means nagtratrabaho sila dito sa Hisu, for how long?

"Luna, about your mom...wag ka mag-alala, ipaghihiganti ko ang mama mo," I promised to her, not minding the Emperor's gaze on us.

Napakurap ng ilang beses si Luna and for once, nawala ang nakasimangot nyang mukha and give me a small smile, pero mabilis din itong nawala.

We heard a fake coughed behind us.

And of course, Blaze just have to ruin the moment.

"I recieved a letter from one of Adrian's spies outside the palace. Nakitang lumabas ang second prince ng palasyo kaninang madaling araw at pumunta sa isang auction house because there are rumors that the first prince's customized ring is going to be auctioned today," walang buhay na sabi ni Blaze sabay hikab.

He motioned for Luna to get our disguise sa kahon na ipinadala ng isa sa mga spy ni Adrian.

Don't tell me, kakalabanin namin sa auction house ang second prince para lang sa isang singsing? Pero sabi ni Blaze ito ang customized ring ng first prince then...this definitely plays a big role for us, baka pwede ito maging ebidensya against the second prince.

"Gaano kaimportante ang singsing ng first prince?" Tanong ko habang hinihintay si Luna na kunin ang mga damit para sa disguise namin.

"Sabi ko nga, customized ito ng first prince. There's a secret compartment under the ruby of that ring. Nabalitaan ni Adrian na dito inilagay ng first prince ang kanyang letter before he was assassinated. That letter contains his statement ng mga sekreto at pinag-gagawa ng second prince..." he stopped talking para ayosin saglit ang disguise nya.

Pinasalamatan ko si Luna matapos nyang ibigay sakin ang mga damit na susuotin ko.

Napansin ko ang isang fake stomach or yung mga pekeng tyan para magmukhang buntis kasama sa mga damit na ibinigay ni Luna. No way, magpapanggap ako as a pregnant woman?!

"...Before the first prince was killed, nagtutulongan ang first and second prince, kaya alam ng first prince ang mga pinag-gagawa ng second prince. Nang mabalitaan ang first prince ang susunod sa trono as the new Emperor of Hisu Country, hindi nagdalawang isip pa ang second prince at pinatay ang kapatid nya. The first prince threw his ring at the river bago pa man sya mapatay ng second prince and someone found his ring at napadpad dito sa aunction house," pagpapaliwanag nya. Napatango na lang ako sakanya, indicating I clearly heard his explanation.

Ngayon ko lang narinig si Blaze magsalita ng halos isang paragraph. Akala ko magiging panis na lang ang laway nya lagi.

Magpapanggap kaming dalawa ni Blaze as a married couple. Of course we are nobles dahil tanging nobles lang ang pwedeng pumasok sa auction house and not to mention, hindi ko alam kung bakit kailangan ko magpanggap as a pregnant woman here. Gusto ko sana tanongin si Blaze pero mukhang ayaw na nya magsalita pa matapos nya magpaliwanag ng napakahaba.

Once we finished wearing our disguise at chineck ng maigi kung walang sablay ang mga disguise namin, we prepared ourselves to get outside of this room. Ngayon ko lang din narealize na hindi kami pwedeng lumabas through the Palace's doors.

"Saan tayo lalabas?" Tanong ko kay Blaze. Nasagot ang katanungan ko nang buksan ni Blaze ang malaking bintana ng kwarto.

Wait nasa second floor kami, can we even survive that high without getting hurt? Walang alinlangang tumalon sa bintana si Blaze, leaving me behind. Aba hindi man lang naghintay itong lalaking to.

"Luna take care of this place while we are gone. Sabihin mo na masama ang pakiramdam ko and I don't want any visitors at the moment, but tell them pupunta ako sa birthday celebration mamayang gabi pag bumuti na ang pakiramdam ko," utos ko kay Luna. Luna bowed at me in respect.

"As you wish, your majesty," she responded.

Tumingin ako sa mga damohan from the second floor window. Nakita ko si Blaze na naghihintay sakin. Wala man lang ako nakita na kahit anong bagay na pwedeng sumalo sakanya, how did he jumped that high without any wound?

Nag-alinlangan ako saglit before jumping from the window. Hindi ko maimagine ang isang buntis na tumalon mula sa bintana, pano kaya kung may nakakita sakin? Ano kayang iisipin nila?

Unexpectedly, sinalo ako ni Blaze before I can even touch the ground. I whispered a soft 'thanks' at pumasok sa isang carriage na naghihintay samin sa likod ng palace, umupo si Blaze sa harapan ko.

There is an awkward silence between us throughout the ride.

"Mrs. And Mr. Esternon, we are here," sabi ng isa sa mga nag papanggap na spy ni Adrian as our coachman. Binuksan nya ang pinto ng carriage para saming dalawa, some curious people took a glance at us.

Unang bumaba si Blaze para umaktong bilang isang loving husband at inalalayan ako bumaba. Nag-akto naman ako na nag iingat para sa hindi nageexist na bata sa tyan ko. Humawak pa ako sa tyan para mas kapani-paniwala.

"Hold on," pagpigil sakin ni Blaze nang may isang napakasosyal na carriage ang dumaan sa harapan namin. This carriage is made of a freakin' gold!

Kahit ang mga ibang noble sa paligid namin napatigil din sa paglalakad para magbigay daan sa mamahaling carriage. Sino kaya ang nasa loob? Probably a royal blood because the carriage is literary a walking gold.

"Why he's here?" Rinig kong bulong ni Blaze sa sarili nya.

"You know who's in that carriage?" Mahinang tanong ko, mahirap na at baka may makarinig samin.

"It's the Emperor of Jisu Country," seryosong sabi nya. Emperor of Jisu? Hindi ito ang unang pagkarinig ko sa Jisu Country, namentioned din ito sa novel for producing the best and topnotch different kinds of weapons. Jisu Country is the best choice kung gusto mo bumili ng iyong weapon.

Ang ipinagtataka ko lang, bakit nandito ang Emperor ng Jisu Country?

"We should go inside," blankong sabi ni Blaze at hinila ako papasok sa loob ng auction house.

Wait nasaan na ang pag papanggap mo as my loving husband?!

•••

Author's note: sorry for a boring chapter and drum roll please *intense dramatic drum roll* INTRODUCING THE MAIN ANTAGONIST! that's right, akala nyo ang kontrabida dito ang second prince? Nope, he's too weak para maging kontrabida. Why not spiced up a little bit? HEHEHEHEHE

[Not edited]

The Reincarnated Empress (ReverseHarem) | DISCONTINUEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon