Kabanata 10

270K 13.6K 15.9K
                                    

Kabanata 10

The opening of our Intramurals requires us to wear our strand shirts— isa lang itong t-shirt na may print ng strand at kulay na binigay para sa strand mo. In my case, I was wearing a blue one since I'm from ABM.

I decided to tucked it in the waistband of my jeans. Tinali ko ang buhok ko, medyo wavy kasi ito kaya ang kalat tignan kapag hindi nakatali. Since Intrams naman, I decided putting on some cheek and lip tint tapos nag-mascara na rin ako. Pwede naman mag-lagay ng make-up, as long as it's not too heavy.

Sabay kami ni Clary pumasok. She was wearing her GAS shirt proudly. She's also obsessed with seeing people in red shirts though. Napapansin ko ang pagkinang ng mga mata niya.

Sana lang hindi namin siya makasalubong.

"Goodluck ABM!" Ngumiti saakin si Clary while raising her fists.

"Galingan niyo GAS!" Ngumisi naman ako sa kanya.

Pumunta na ako sa room namin. Nakita ko na inaayusan si LJ, since she's the muse for the ABM strand. Maganda naman kasi talaga siya.

"Zafi, si Sarathiel daw escort ng STEM!"

I begrudgingly turned my attention to him. I saw his boyish grin and immediately grimaced.

"Ang aga-aga mo naman maging tangina, Gio."

Bakit updated ba 'to si Gio kay Sarathiel? Idol niya ba 'yon? Crush niya? Kulang na lang sambahin niya e.

"Medyo lamang kasi ng kaunting ganda sa'yo si LJ e. At saka, sa height." nag-explain pa si Gio at talagang nag-demostrate pa kung gaano katangkad si LJ.

"Di ko tinatanong," Umirap ako.

It is not like I'm interested in pageants either. Sa Miss Universe nga, tanging ang Q&A lang ang inaabangan ko.

Nakarating na kami sa classroom, all of them were already preparing for the intrams. Halos maging langit na ang buong klase dahil sa mga asul na damit at ribbon na nakakalat sa mga sulok ng kwarto.

Lumapit ako kay Melay at Bea. Both of them were wearing ribbons as headband. May nakalagay dito na 'GO ABM' tapos tinotoo talaga ni Melay 'yung banner niya.

Lumingon si Bea sa akin.

"Zafi, lagay natin 'to sa ulo mo." Bea said while raising the blue ribbon on her hands.

Tumango naman ako. Nilagay niya ito sa noo ko banda. I said thanks and proceeded to fix my things before the bell for the torch ring.

Pumila kami para hindi magulo mamaya pagbaba sa gymnasium. Ang iingay na agad nila dahil sabay-sabay lumabas ang mga ABM. Lalo lamang tumingkad ang kulay asul na mga damit dahil sa dami ng mga tao na nakasuot nito. I can feel the anticipation of everyone.

Lalo tuloy akong kinabahan. Wala kasi talaga akong ambag sa sports, pero gusto ko rin manalo ang strand namin. No'ng nasa junior highschool ako ay madalas kami talagang mga nasa higher section o pilot section ang nananalo.

"Adren, ang cheer natin — go ABM ah. Baka iba masigaw mo. Ikaw rin, Zafirah. Tandaan niyo, it's go ABM!"

"Zafi," lumapit saakin si Adren, nakapamulsa siya. He was wearing a sportswear since he's our escort.

Lukot ang kanyang mukha nang tawagin ako. He secretly pointed at Gio who also had his brows furrowd at him.

"Yes?"

"May gusto ka bang gawin kay Gio? Just want you to know that I'll support you in whatever you want to do with that idiot." he has a scowl on his face, obviously annoyed.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon