Epilogo

314K 16.5K 50.7K
                                    

[Epilogo] Third Person POV

NAPATITIG sa sariling repleksyon si Marcus sa elevator. Maaga siyang pumasok para tapusin ang lahat ng nakatambak niyang trabaho. Mag-isa lang siya sa loob hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator sa opisina nila.

Light blue polo shirt, itim na pantalon, navy blue necktie ang suot niya. Nakasabit sa kaniyang kaliwang balikat ang itim na backpack. Napatigi siya nang may tumapik sa kaniyang balikat, "Ang aga natin ah!" ngiti ni Mike, kakagaling lang nito sa vending machine at sinabayan siya maglakad.

"Sama ka mamaya? Inuman tayo. Last day ko na ngayon" patuloy ni Mike, araw ng Biyernes, ito rin ang huling araw ni Mike sa trabaho dahil nag-resign na siya. Nakarating na sila sa desk ni Marcus. Ibinaba na nito ang bag niya. "May pupuntahan pa ako bukas" tugon ni Marcus, hinawakan ni Mike ang monitor na para bang minamasahe niya ito.

"Booksigning?" usisa nito, tumango lang si Marcus. "Sige na nga, baka magka-hang over ka pa bukas" ngiti nito. "Saan ka na magtatrabaho?" tanong ni Marcus, naupo na ito sa swivel chair. "Bahala na. Gusto ko sa malayo naman"

"Saan?"

"Sa ibang mundo" tugon ni Mike sabay tawa. Napailing na lang si Marcus, kahit kailan ay wala siyang nakukuhang matinong sagot kay Mike. Binuksan na niya ang desktop. "Seryoso nga, ibang mundo naman tutuklasin ko" patuloy nito saka tiningnan ang screen sa monitor ni Marcus.

"Crescent moon" wika ni Mike nang makita ang itim na desktop wallpaper na may buwan sa gitna. Hindi sumagot si Marcus, inumpisahan na niya ang mga hindi niya natapos na trabaho kahapon. Ilang buwan na ang lumipas matapos siyang makabalik sa kaniyang buhay. Wala siyang naaalala mula sa nobelang Salamisim at sa naging karanasan niya sa loob niyon.

"Sumisimbolo sa mithiin ng isang tao na masakatuparan at maging makatotohanan ang kaniyang mga pangarap sa buhay" patuloy ni Mike, napatingin sa kaniya si Marcus. Nagtaka siya sa malalim at diretsong tagalog nito. Tumawa si Mike, "Iyan ang kahulugan ng buwan na iyan" patuloy niya.

"Sabay ka na lang sa'min sa lunch. Libre ko" paalam ni Mike, sumaludo ito kay Marcus saka naglakad papunta sa department area nila. Ibinalik na lang ni Marcus ang paningin niya sa monitor, ngunit tulad ng dati ay parang ang daming gumugulo sa isipan niya kahit wala naman siyang masyadong iniisip.

Hindi niya pa nasundan ang ilang nobelang nagawa na niya. Ilang buwan na siyang hindi makapagsulat. Sumandal na lang si Marcus sa kaniyang upuan saka mabagal na hinila ang drawer na nasa tabi niya. Kinuha niya roon ang isang itim na box at binuksan iyon. Napatitig siya sa crescent moon necklace na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung kailan at saan niya binili iyon. Hindi niya rin matandaan kung kanino niya ba ibibigay iyon kung sakali.


ABALA si manang milda sa pagtanggal ng karatula na nakalagay sa harapan ng kaniyng maliit na tolda. Madilim na at batid niyang wala nang magpapahula ng ganoong oras. Pumasok na siya sa loob at itinabi ang bolang kristal na nakapatong sa kaniyang mesa.

Napatigil siya nang marinig ang isang pamilyar na hakbang. Nakasuot ng itim na bota ang lalaking naka-asul na abrigo. "Isasama mo na naman ba ako sa loob ng libro?" reklamo ni manang Milda na para bang alam na niya kung ano ang sasabihin ng bisita.

Hindi sumagot ang lalaki kung kaya't nilingon niya ito. Pinagmamasdan at nilalaro ng lalaki ang alaga niyang parrot. "Sabihin mo panget" utos ng lalaki sa parrot. "Panget! Panget! Panget ka!" tugon ng parrot na tumatalon-talon pa sa loob ng hawla. Natawa ang lalaki.

"Matabil ang dila ng alaga mo" saad ng lalaki habang tumatawa. Napailing na lang si manang Milda.

"Ayoko na sumama sa loob ng kwento na nasa panahon ng Kastila. Ninenerbyos ako, baka ako ang i-garrote nila" wika ni manang Milda, kinuha niya ang walis at nagsimula siyang magwalis sa loob ng tolda.

Salamisim (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon