Season 2: Episode 16

5.9K 540 320
                                    

Rinig na rinig ko iyong nakakabinging pag-sigaw ni Ate Wendelle. She is begging for her and her sister's lives. She is begging for help. She is pleading for us to go back and help them get rid of the zombies. Pero hindi na namin sila mababalikan. Nakagat na sila ng mga zombies. Maya-maya, magiging infected na rin sila.

We really have to leave them behind if we really want survival.

Ito iyong isa sa mga bagay na natutunan ko dahil sa pandemyang ito. Sa buhay, kailangan din nating mang-iwan. Darating at darating din talaga tayo sa punto na kahit mahal pa natin, kailangan nating iwan. Kasi kung hindi, tayo ang mapapahamak. Tayo ang susugal sa bagay na pagkatalo lang din naman ang hantungan.

Selfish as it may sound but that just the way how it is now.

Nakalabas na kami ni Santhy mula sa building. Taranta naming sinusundan ang mga kasama namin. Dito sa labas ay hindi namin inasahan ang mga street lights. Ang liwanag ang nagbibigay daan para maaninag kami ng mga zombies na nagtatakbuhan sa hindi kalayuan.

Kuya Seiya is aware of that. I know that he is aware of that just by listening to his instructions. He kept on shouting, "Doon tayo sa dilim! Doon tayo sa dilim!" while we are all running for our lives.

Pero ang nakakainis dito, malayo pa iyong parte kung saan may kadiliman. Malayong-malayo iyon. Sa tantya ko ay kakailanganin namin ng limang minuto para lang maabot iyon. This place is just really industrialized kaya sobrang liwanag tuwing gabi.

We continued running when . . .

"Orion!" I heard Santhy to yell behind me.

I am running ahead of him. That was the reason why I turn my face at him. Pero napahinto ako nang makita ko si Orion. The cat was running fastly to the sea of cars on the road. Gulo gulo ang ayos ng mga sasakyan dahilan para maging mahirap kung susubukan man naming gumawi doon.

"Shit! Orion! Putangina, bumalik ka dito!" I can clearly hear the fuming from the pitch of Santhy's voice.

He is about to follow Orion to that erratic situations of the cars when I turn my gaze to the approaching zombies. They are almost a few meters from us. Ilang segundo lang ay maaabot nila si Santhy. Sa ilang segundong magdadaan, maaring yakapin na ni Santhy ang kamatayan kung hindi pa siya tatakbo ngayon.

And out of nowhere-- automatically, I run as fast as I can towards him. Hinigit ko ang kamay niya. Nagpumiglas pa siya sa akin. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas noong mga oras na iyon. Kusa ko kasi siyang nahila nang walang kahirap-hirap.

I don't really know what fueled my strength on that specific moment. Was it adrenaline rush or my fear of losing him?

"Venice, si Orion! Putangina, si Orion!" Santhy continued to beg for me but I didn't give him any chance. We run and run and run until my breathing gets heavy. Doon ay mabilis kong ibinaba ang face mask ko para huminga nang maayos.

Nang mapatingin ako sa likuran namin ay halos panghinaan talaga ako ng loob. Kitang-kita ko kung papaanong nadagdagan iyong mga humahabol na zombies sa amin kanina. Dinagdagan ang numero nila ng mga zombies na nagsisilabasan sa mga building na nadadaanan namin.

Palakas nang palakas ang kanilang mga huni. Ganoon na rin ang yabag ng kanilang mga paa. Para bang sinisindak kami para sumuko. Para ipatalo na lang ang laban ng pananatili ng aming pag-hinga.

Pero mas pinili ko pa rin ang tatagan ang loob ko. Kahit na nagpupumiglas pa rin sa akin si Santhy ay hindi ko siya hinayaan. I was really determined to be safe with him just like how he did for me these past few hours.

I was looking ahead with my eyes on the goal of me and Santhy reaching the darkest area of this city when I almost halted my feet. Nakita kong nadapa si Kuya Joshua. Tumilapon sa hindi kalayuan sa kanya si Eirene. Ngayon ay paika-ikang umiiyak ang bata habang lumalakad sa nakahigang ama. Tila ba hindi siya makatayo.

"Kuya Joshua, ano pong nangyari?! Hindi po kayo makatayo?! Nabalian po ba kayo?!" Hingal na hingal kong tanong.

I was not ready when my eyes met the wincing face of Kuya Joshua. At halos mawalan ako ng hangin sa mga baga ko nang makita ang kanyang paa. A piece of a sharp metal was stabbing his right foot. Ngayon ay bumubulwak ang dugo mula doon. Tumagos ang matalim na bakal na iyon mula sa kanyang paa pataas sa kanyang binti.

"Si Eirene . . ." Kuya Joshua is helplessly trembling as he motioned me to just go. To just leave him here. "Iligtas niyo ang anak ko!"

Habol-hininga, hindi na ako makapag-isip nang ayos. Sinunod ko na lang siya. Wala pa rin sa sarili si Santhy noong muli ko siyang hinigit. Kasabay iyon ng pagbuhat ko kay Eirene. At hindi ko inakala ang bigat ng bata. Tila bang bigla akong nanghina sa timbang nito.

"Papa ko! Papa ko!" Eirene was crying loudly. And it really pained me a lot as I feel that she is watching her father to face his death. I can't hush her. Hindi ko magawang pagsabayin ang patahanin siya kasabay ng pagsagip ko sa buhay nilang dalawa ni Santhy.

Pero hindi talaga ako naging handa nang magpumiglas si Eirene. Iyon ang dahilan kung bakit hinigpitan ko ang pagbuhat sa kanya. Pero napabitaw na lang talaga ako sa kanya nang bigla niya akong pagkakalmutin sa mukha.

"Eirene! Baby, we really need to go!" I wince as I felt the pain from my face. Pareho ko silang hinihigit ni Santhy nang bigla akong mapabitaw na naman sa kanya nang kagatin naman niya ang kamay ko.

Then before I knew it, the kid has fled away from my grasp.

She is now running towards her father who is getting eaten by the zombies at the moment.

"Venice, just save the kid! 'Wag mo na akong alalahanin, babalikan ko si Orion!" Santhy is trying hard to move my hand away from him.

"Tanga ka ba?!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Naluluha na ako habang patuloy na hinihigpitan ang hawak sa kanyang kamay. "Wala na si Orion! Hindi mo na siya maliligtas sa dami ng mga infected na sasalubong sa iyo!"

My tears continue to avalanche down my cheeks. Dinuro ko si Santhy. "Can you just be braved enough to face the truth? Can you just fucking make yourself a man to keep yourself alive?!"

Kahit nanghihina sa sakit na nadarama sa dibdib ay hindi ko siya binitawan. He can never go back there only to welcome his death. "Utang na loob naman, Santhy. Napapagod na ako. 'Wag mo nang dagdagan ang pagod ko."

Doon ay kusang humupa ang pagpupumiglas niya sa akin. His face softened as he looked away. As he swallowed hard as if also swallowing the painful bile on his system.

"Okay," Santhy sighed, "for now, let's just save Eirene."

"We can't." I looked away, trying to hold back my painful tears.

"Huh--" he turned his face at the direction of the kid, "what the hell?"

Ngayon, wala na rin si Eirene. Katulad ng mga gutom na gutom na hayop, nilalapa na siya ng mga infected na para bang isang masarap na karne. The view of her and the zombies ripping her tummy open is breaking my heart into pieces.

That made me cry more as I face my back at her direction. Hinila ko nang muli si Santhy. Hagulgol ang ginagawa ko noong magsimula na uli akong tumakbo-- noong magsimula na uli kaming tumakbo para sa buhay namin.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon