CHAPTER 24: Graduation Day

237 26 2
                                    

DEZIRELLE'S POV

Walang araw at gabi na lumilipas na hindi ko naalala si Christopher, ginawa kong inspirasyon ang mga ala-ala namin kaya naman sa isang taon na wala siya ay talagang nangulila ako pero sa kabila non ay mas lalo ko pang pinagbutihan ang pag-aaral ko, para kapag dumating na ang araw na magkita at magkasama kami ay maging proud siya sakin. Kinaya ko ang mga dumating na pagsubok ng wala siya. Naging masaya naman ako kahit wala siya hindi nga lang katulad ng saya noong nandito pa siya sa tabi ko.

Isang taon ang lumipas wala pa ding paramdam sakin si Christopher sa dami ng paraan ng pakikipag-komunikasyon ay hindi niya man lang ako kinausap o nakamusta. Minsan natatanong ko sa sarili ko na baka naglaho na lang siya bigla dahil si Kagashimito at si Christopher ay iisa. Pero alam ko at nararamdaman ko na babalik siya sakin, hindi ko nga lang alam kung kailan.

"Anak, maligo ka na at baka mahuli pa tayo sa graduation ceremony mo." -sabi ni mama habang ako ay nasa kwarto pinagmamasdan ang pina-develope kong litrato namin ni Christopher.

"Opo mama. Paunahin mo na si bunso. Matagal yan maligo eh daig niya pa tayo." -sagot ko kay mama. Big boy na ang nakababata kong kapatid. Highschool na siya nakaka-proud isipin na pinalaki at inalagaan kami ni mama mag-isa.

Inihanda ko na ang susuotin kong fitted nude sleeveless dress na 2 inches above the knee. 3 inches pointed red heels. Pati ang black ko na toga.

Pagkatapos ko maligo ay bumalik ako ng kwarto para maayusan na ako ng hired make-up artist ni Lea, siya nag-recommend, hindi niya ako maasikaso kaya sinigurado niya na meron siyang maipapadala sakin.

Halos isang oras ako inayusan ni Ate Celine, ang make-up artist na pinadala ni Lea. Inayos niya din ang buhok ko.

Isinuot ko na ang dress ko at ang mga alahas ko. Humarap ako sa salamin at nakita ko ang repleksyon ko, habang pinag-mamasdan ko ang sarili ko ay may iisang tao akong iniisip.

Sana nakikita niya ako ngayon. Alam ko matutuwa siya sakin na sa wakas ay nagbunga na ang mga paghihirap ko. Gagraduate na ako. Sana mag-kasabay namin ipinagdiriwang ang masayang araw na'to. Kamusta na kaya siya? Kailan kaya graduation niya? Iniisip niya din kaya ako?

Nako Zirelle bawal ka umiyak! Self naman masisira make-up mo. Magkakalat ang eyeliner at maskara jusq! Pay-pay muna ng fes dapat fresh. Damahin muna ang araw na ito. Pagpapakalma ko sa sarili ko.

"Zirelle! Ang ganda mo!" -masayang salubong ni Lea sakin pagkadating namin sa venue ng graduation. Niyakap agad namin ang isat-isa.

"Ikaw din noh! Ang ganda mo maduga ka, maganda ka na kaya kahit walang ayos paano pa ngayon anong tawag sayo?" -pabiro kong sabi sa kanya. Nagtawanan naman kami.

"Parehas tayong may inaantay na pumunta. Sayo si Christopher tapos sakin si Daddy." -natigil kami sa kakatawa at naging seryoso ang mukha. Nagkatinginan naman kami na malungkot sa isat-isa.

"Nako ang dalawang madrama, kakaiyak niyo lang kahapon wag niyo naman iextend ngayon. Kakalat make-up niyo." -singit naman ni Evan habang ngingiti-ngiti kaming tinitignan. Sabay namin hinampas ng mahina ni Lea sa magkabilang braso niya.

"Inggit ka gaya ka!" -sabi ni Lea. Umirap siya kay Evan. Tumawa naman si Evan sa sinabi ni Lea.

Lumapit ang mommy ni Evan sa kinatatayuan namin sa labas ng venue.

"Kayong tatlo magtigil na jan ah. Baka magiyakan kayo. Hindi pa nagsisimula ang ceremony.  Hala pumasok na tayo at magsi-upo na kayo sa pwesto niyo hahanap muna kami ng mauupuan." -sabi ng mommy ni Evan. Bineso niya si Evan at tinapik naman siya ng daddy niya sa likod at pumasok na din sila sa loob kasama si mama at kapatid ko pati ang mommy ni Lea. Ang daddy naman daw ni lea ay hahabol.

Meet my man from other worldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang