🌵PROLOGUE🌵

89.4K 1.1K 47
                                    


“Come on Yssa, just think about it. It’s simple to do in exchange for you to treat Nanny”
Tukoy niya sa ina ko na yaya niya ilang taon na ang nakalipas.

Nagdadalawang isip ako sa gusto niyang ipagawa sa'kin dahil natatakot ako, ngunit buhay ni nanay ang nakasalalay dito. Malala na ang sakit niya at kung magiging makasarili ako ay tuluyan siyang mawawala sa'kin.

Wala akong choice kundi gawin ang ipinapagawa niya, malaki ang galit niya sa kapatid niyang babae na walang kaalam-alam. Ayaw niya itong maging masaya, kaya gusto niyang sirain ang nalalapit na kasal nito.

“Ang gagawin mo lang ay ilalagay itong drugs na ito sa inumin ni Tauruz, pagkatapos ay magkakapera ka na, diba simple lang?”

Tukoy niya doon sa fiancé ng kapatid niya at hindi ko pa nakita ng personal iyon, ngunit madalas ko siyang nakikita sa magazine usually sa new issues magazine. Isa itong kilala at isang top billionaire.

“After kong gawin 'yon, anong gagawin mo?”

“Of course, having sex with him!”
Nagulat ako sa sinabi niya, nakita ko siyang napangisi at hindi ko alam na sobrang laki pala talaga ng galit niya sa kapatid niya para gawin ito.

“Sisirain at aagawin ko ang lahat ng meron si Shine! She don’t deserve to be happy! Siya nalang lagi, siya lang ang mahalaga, puwes paninindigan ko ang pagiging bitch ko!” narinig ko ang pagtawa niya sa tabi ko.

“Magugulat nalang talaga siya! Gusto ko siyang makitang umiiyak na tila isang sanggol! Kaya ikaw Yssa, huwag kang kabahan. Isipin mo ang nanay mo, and leave everything on me after you did it. Do it now”

Matagal namin itong pinlano, ipinasok niya ako sa isang sikat na bar kung saan laging napapadpad ang lalakeng iyon kasama ang mga kaibigan niya, isa akong waiter at medyo kinakabahan ako sa gagawin ko.

Pasimple kong nilagyan ng drugs ang inorder niyang drink at hawak-hawak ko na ngayon ang dalawang baso ng wine, at may iilang staff ng bar din kaming kasabwat. Kanina pa sila nag iinuman, kaya sure ako na may mga tama na sila.

Medyo nanginginig ang mga tuhod ko papalapit sa table nila,  kanina ko pa nilagay yung drugs kaya mas mabilis ang epekto lalo nang humalo ng husto sa inumin niya. May sarili akong wine na iniinom dahil kinakabahan talaga ako, gusto kong mawala yung kaba ko kahit kaunti.

Hindi ako umiinom pero ito ang suhestiyon ni ma’am Shone, uminom daw ako ng wine kapag kabado ako para mawala.

Itinabi ko muna ang iniinom ko at humugot ako ng malalim na buntong hininga, maglalakad na sana ako pero napatigil ako nang halos ayaw nang gumalaw ang mga paa ko. Muli akong bumalik sa counter, wala naman palang effect ang wine na 'yon, akala ko ba mawawala na ang kaba ko? Kaya pupunta muna ako ng wash room.

“Gab, nag-order ba ng drink’s ang ilang customers na nakaupo sa table eight, maliban sa VIP na si sir Tauruz?
Tanong ko sa isa sa bartender ng bar.

“Oo, may dalawang dumagdag bakit isasabay mo nalang?”

“Oo, para isang hatid nalang”
Pero ang totoo para na akong hihimatayin sa kaba.

“Washroom lang ako babalik agad ako, ako na maghahatid doon sa table nila ha?”
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

“Oo, alam ko dahil ikaw naman talaga ang naka tokang maghahatid doon”
Napatango lang ako sa kaniya, hindi kasi siya kasama sa mga kasabwat ko dito.

Iniwan ko na muna ang wine ni Sir Tauruz, sa gilid at sinisigurado kong safe ito. Dali-dali akong pumunta ng wash room at naghilamos, literal kasing nanginginig ang mga kamay ko.

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon