💦Episode 2💦

36.4K 963 17
                                    


Naiiyak ako habang sinusuyod ang buong office niya pero hindi ko siya mahanap, napakatanga ko talaga! Baka lumabas siya? Diyos ko!

“Hey Yssa where are you going?”
I’m shaking right now. Sa tingin niya saan pa ba ako pupunta? Siyempre hahanapin ang anak ko.

“Rome! Baka lumabas siya! O baka nasa dance floor na siya, diyos ko!”
Lakad takbo ang ginawa namin palabas ng office niya, medyo madilim pa naman sa labas, of course, because this is a bar.

Paano kung may tumangay na sa kaniya? Paano kung__no! Hindi pwede. Diyos ko, huwag naman po ang anak ko.

“Please Rome, buksan mo lahat ng ilaw! Please tawagan mo mga tauhan mo dito”

“Damn Yssa, huwag ka ngang magpanic ng ganyan! Wait lang, ako na ang pupunta ng storage room”

Paanong hindi ako magpapanic? Hindi ko kilala ang mga taong nakapaligid dito tapos sasabihin niyang huwag akong magpanic?

Pagdating ko sa labas, umikot ang paligid ko dahil sa nakakasilaw na dancing lights. Parang gusto kong umiyak habang ginagala ang paningin ko. Paano ko siya mahanap agad? Ang daming tao, para silang mga zombies.
Smoking, dancing and drinking everywhere.

Naglakad ako at nanginginig na ang mga tuhod ko, muntik pa akong ma out balance dahil may nakabangga akong waiter. Kapwa kaming nagsorry sa isa’t-isa isa at sabay pa kami sa pagsalita at agad akong umalis.

Parang nahihilo ako kakatitig sa mga tao, lalo na sa nakakasilaw at paiba ibang direksyon ng mga ilaw, bakit ang tagal ni Rome na buksan lahat ng ilaw? My god! Taraz where are you! Bakit ngayon pa.

“I’m sorry, Please sorry”
May nabangga na naman kasi ako, ngunit natuod ako nang bigla nalang niya ako hinapit sa baywang.

“Be careful sexy girl, but it’s okay, mind to dance with me?”
Agad ko siyang tinulak at amoy alak siya.

“Get off me! Jerk!” Inis kong sabi sa kaniya.

Agad akong umalis at nakita ko pang sinundan niya ako pero mas binilisan ko ang paglakad at humalo sa mga tao.

Pinahiran ko ang mga luha ko ngunit patak parin sila ng patak at para na akong tanga na naglalakad na umiiyak. Bigla nalang napatigil ang lahat sa pagsasayaw nang bumukas lahat ng ilaw at tumigil narin ang music.

Sobrang lawak ng bar at lahat sila ay nagbulungan, Until someone speak using the microphone of the disk jockey.

“I’m sorry for the inconvenience, but please listen to me everyone. I am looking for a five-year old kid wearing a gray T-shirt with a black cap, please makipagkita kayo sakin kung sinuman ang nakakita” Rome said at nasa tabi siya ng dj.

Luminga ako sa mga tao, ngunit nagsisimula na silang mabulungan and this is a big embarrassment! Pabaya akong ina, But I don’t Care I need to see my son! Gunit natigilanako nang marinig ko ang boses niya.

“Mama I’m here! Mama!”

Diyos ko! Napalingon ang karamihan sa kung saan galing ang boses niya, and there. I saw him, sa isang table na puro lalake ang nakaupo. Nag excuse ako sa mga tao and hindi ko na inisip ang titig ng iba nang bigyan nila ako ng daan.

Nakita ako ni Raz at muli niyang binabanggit ang salitang Mama kaya mas binilisan ko pa ang paglakad. May lalakeng nakahawak sa kaniya ngunit hindi ko na nakita ang lahat ng nakapaligid sa kaniya dahil sa sabik na mayakap siya.

“Mama!” lumuhod ako sa harap niya at umiiyak na siya ngayon, maybe natakot siya sa dami ng tao at hindi ko alam kung gaano na siya katagal dito.

“Shh… I’m here’ I framed his face and I wiped his tears using my thumb.

“Don’t do that again do you understand?” napatango naman siya sakin.

“I-Im sorry po “ sabi niya sakin at alam kong natatakot siyang pagalitan ko siya kaya ngayon palang nagso sorry na siya.

Tumayo ako para magpasalamat sa taong nakakita sa kaniya, but unfortunately I stepped with someone’s foot, kaya na out balance ako ngunit biglang may sumalo sakin upang hindi ako matumba.

“I’m sorry and thank you for___”

Napaawang ang labi ko nang makilala kung sino siya, napakabog ng sobrang lakas ang dibdib ko ng magtama ang mga mata namin.

Pinanlamigan ako ng kamay nang bumalik ako sa katinuan. Napaiwas ako ng tingin at naghandang umalis.

Hinila ko ang braso ko na hawak niya dahil sa pagka out balance ko kanina ngunit mas hinigpitan niya ang paghawak sa braso ko kaya hindi ko ito mahila.

Mas lalo niyang pinalaliman ang pagtitig sakin, mas lalong mapakabog ang dibdib ko nang lumipat ang tingin niya sa anak ko at muli niya ibinalik ang paningin niya sakin.

At muling nag ingay ang mga tao dahil bumalik na yung music ngunit nananatili paring nakabukas ang lahat ng ilaw.

“Yssa?” Someone interrupt and it’s Sandro.
Napatingin ako sa kaniya at nasa isang table lang sila, lumapit siya sakin at tinignan din si Raz.

“Is he your son?” hindi ako nakapagsalita at sobrang kinakabahan ako. Ni hindi ko namalayan na binitawan niya na pala ang braso ko.

Ngunit nananatili paring nakapukos ang mga mata niya sakin kaya mas lalo akong naging uligaga na makaalis

“E-Excuse me” utal-utal na sabi ko at halos hindi ko maihakbang ng maayos ang mga binti ko

“Please let’s talk Yssa.”
Hinawakan niya ako sa kamay at gusto ko siyang sampalin ! Gustong-gusto ko ng umalis dito dahil lahat ng kasamahan niya ay nakatingin samin. At hindi lang ‘yon, ang tatay ng anak ko ay nakatayo ilang metro lang ang pagitan sa amin.

“Please tell me, is he your son ?”
Bigla nalang may humila sa baywang ko at nagulat ako, pagtingin ko si Rome pala.

“Yes he’s our son, so will you stop chasing my wife? Back off dude you desperately liking the wrong woman . Excuse us!”
Basta nalang niya ako hinawakan sa kamay at umalis kami kasama si Raz.

Nang makarating kami sa office niya ay hindi ko man mapigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako sa sobrang takot.

Nandito siya! Nakita niya ako, makita niya si Raz. Bakit ganoon ang mga tingin niya? Ayoko nito! Ayoko!

“Damn that Marquez, bakit ayaw ka niyang tigilan?! And___Yssa? Hey what’s wrong?”

Tumalikod ako at mabilis na nagpahid ng mga luha para hindi ako makita ni Raz dahil paniguradong magtatanong siya kung bakit ako umiiyak. Nanginingig narin pati mga kamay ko, bakit kaya ganito ang nakatadhana sakin?

“P-Please Rome,let’s go home…p-please” Hinawakan niya ako sa kamay at nagtaka siya kung bakit nanginginig ang kamay ko.

“Anong nangyayari sayo? Why are you shaking? Bakit ang lamig ng kamay mo Yssa? Tell me”

“Please umuwi na tayo! Kailangan kong itago si Raz! Please, nandito siya Rome nandito siya!”
Tila natatakot kong sabi sa kaniya.

SBTBS > jayewel

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon