01 | The one and only

17.8K 271 157
                                    


01
The one and only

Good afternoon passengers. This is your captain speaking. First I'd like to welcome everyone on Rightwing Flight 86A..

Nakaupo ako ngayon sa isang business class seat kung saan ako lagi tumutuloy. Hindi naman lagi ito puno kaya minsan ako nakakahanap ng mauupuan. Kung susuwertihin minsan sa tabi ako ng bintana umuupo. Mahilig kasi ako tumingin sa mga tanawain kapag ako ay nasa byahe.

...I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight.

Ilang sandali pa at tuluyan nang lumipad ang sinasakyang kong eroplano. Tinignan ko ang mga taong nakaupo, may iilan na nililibang ang kanilang sarili sa panuorin, mayroon ding pinili na lamang matulog, at ang iba'y nakaharap sa kanilang mga laptop kung saan patuloy pa ring nagtatrabaho sa gitna ng himpapawid.

Binaling ko ang aking tingin sa bintana at sa ulap itinuon ang pansin. Hindi ko na mabilang kung pang ilan ko na ito ngayong taon. Sa bawat lugar na napuntahan ko iisa lang ang kinahahantungan ko, iyon ay ang hindi pagiging kuntento. Para bang may isang bagay akong hinahanap pero hindi ko matagpuan. Para bang ayaw magpakita sa akin at tila pinaparusahan ako.

Hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari ng upuang ito. Anuman ang dahilan kung bakit hindi ito okyupado ay nilaan na ng kapalaran para sa akin. May mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na para bang wala tayong ibang magagawa kundi ang sumabay sa agos ng tubig. Gaano man natin gustong kontrolin ang ating buhay ay hindi maaari sapagkat tanging ang Diyos lamang ang may hawak nito.

Ngayon patungo ako sa isang lugar na hindi ko pinag-isipan. Bigla na lamang ako dinala ng aking mga paa sa eroplanong ito. Napagod na rin siguro ako kaya hinayaan ko na ang kapalaran kumilos.

Nakakapagod magtanong nang magtanong lalo na kung walang sagot ang dumarating sayo. Paulit ulit na umaasa pero paulit ulit ding nabibigo. Pilit ko mang alisin sa aking isipan at magpanggap na ayos lang, may mga araw talaga tulad ngayon na nilalamon ako ng kalungkutan.

Bakit?

Bakit ako?

May nagawa ba akong mali?

Kailan ba matatapos ito?

Pagod na ako.

Ayoko na.

Ilang ulit ko nang sinambit ito ngunit walang nakaririnig. Wala ni isa ang lumingon. Wala ni isa ang sumagot. Wala ni isa ang tumulong. Ako at ako lamang ang aking makakapitan. Kaya sa bawat araw na lumilipas natuto akong tanggapin iyon. Sinanay ang sarili sapagkat lalo lamang akong lalamunin ng kadiliman kung aking hahagkan ang kalungkutan na siya kong kasama sa araw-araw.

We hope you have enjoyed the in-flight entertainment. We are now preparing to land. The bar is closed and we will soon collect your headset. May I remind you to complete your arrival and immigration documentation by the time we arrive.

Ito na ata ang pinakamabilis kong paglalakbay sa taong ito. Kung sabagay hindi ko naman na alam kung saan ako pupunta, mabuti na rin at malapit lang nang sa ganon makapaglibot agad ako. Wala naman akong hindi nagustuhan sa Davao kaya lang mabilis akong naburyo sa lugar na iyon. Isang oras lang ang tinagal namin sa ere at ngayon kami'y nasa Cebu na.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon