Nami
Habang nagsasalita ang mga hosts tungkol sa mga paalala sa laro ay nae-excite naman ako. Sana manalo kami para makapaggala kami ni Art. Bahala na, manalo o matalo kailangan kong harapin 'to saka ang mahalaga ay nag-enjoy.
Nang magsalita ang lalaking host tungkol sa huling laro ay itinuon kong mabuti ang atensyon ko sa kanya. Tinatandaan ko ang bawat detalye na sasabihin niya...
"Ang game 3 ay Twisters, gaya ng sabi kanina combination ito ng game 1 swimming at game 2 memorizing. At dahil twisters ito, may dagdag pa ang laro. Una, pareho silang bibigyan ng tongue twister at sasauluhin ito, pagkatapos lalangoy sila papunta sa kabilang dulo kung nasaan ang kapares nila. Ibubulong ang twister na nabunot tapos iisipin ng kapares mo kung ano ang bagay na 'yon na nasa mga napuntahang lugar sa game 2 (food services, master's place at garden.) Kukunin nila ang bagay na nasa twister at ilalagay sa mesang may numero nila. Ang nakuhang gamit ay may tanong, ang unang matapos at makuha ang tamang sagot ang panalo. Gets niyo ba?" Mahabang paliwanag ng host na lalaki.
"Kapag nakuha na ng babaeng kapares niyo ang bagay sa twister tutunog ang table at pwede niyo na silang tulungan sa pagsagot. Paunahan lang po ito sa pagkuha ng sagot." Dagdag na paliwanag naman ng babaeng host.
Matapos ihanda ang lahat ng gagamitin sa laro ay pinaghanda na rin kaming mga maglalaro. Tinuro ko kay Art ang tongue twister, pagsasaulo ito ng mga phrases na minsan ay nakakabulol. Pinapunta kami ni Keila sa kabilang dulo ng pool habang nasa kabila naman ang mga kapares namin. Tiningnan ko si Art, ngumiti ako at tumango rito.
"Your game starts.....NOW!!!"
Nang marinig ang go signal ay agad na binigyan ng twisters si Art at Axel. Nanunuod lang ako sa kanila pero kinakabahan ako, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kitang-kita ko kung paano paulit ulit na sinasaulo ng dalawa ang twisters.
Agad na lumangoy papunta sa akin si Art, huminga muna ito bago magsimulang lumapit at bumulong, "Can you can a canned can into an uncanned can like a canner can can a canned can into an uncanned can?"
Pagkasabi niya ng tongue twister na 'yon ay tinap niya ang balikat ko at ngumiti. Tumango naman ako sa kanya at nagsimulang mag-isip. Agad na tumakbo ako papasok sa loob ng food services at hinanap ang can at canner. Nasa mismong twister na kasi ang sagot.
Binuksan ko ang mga cabinet doon at halos magulat ng makita rin si Keila sa loob matapos ang ilang minuto pagkarating ko. T-teka nandito din siya kaya may posibilidad na pareho kami kaya kailangan ko na mahanap ko iyon agad. Inisip ko na kung bahay ko 'to, saan ko pwede ilagay ang can at canner?
Binuklat-buklat ko ang mga cabinet na pinuntahan ko kanina pero wala kaya tiningnan ko din ang mga binuksan ni Keila. Sa pinakalikod ay may isang can na walang label kaya napangiti ako at kinuha ito. Nagkunwari pa akong naghahanap bago pumunta sa likod ng ref kung saan nakasabit ang mga kitchen tools at ibinulsa ang canner. Pagkakuha ay nagsimula na ako maglakad pabalik sa pool area.
"Wala ka pang canner ah? Ayaw mo na agad?" Tanong ni Keila na naghahanap.
"Ahh hindi ko mahanap dito eh, alam ko dun sa may hanay ng drinks may nagbubukas." Sagot ko at naglakad palabas.
Agad namang tumakbo si Keila papunta roon, pinauna ko na siya at dumiretso na sa table namin sa may pool area. Lumapit naman sa akin si Art na nakangiti ng tumunog ang table, "Hindi ko alam na tutulungan mo siya Nami." Sambit nito.
"Narinig ko kanina na gusto niya magbakasyon kasama ang boyfriend niya pero hindi mapayagan ng magulang dahil sa kapatid nitong nasa ospital." Dagdag pa ni Art habang iniikot-ikot ang can na walang label at tinititigan.
Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Art, kung gano'n ang sitwasyon, mahirap nga. Sino na lang ang magbabantay sa kapatid niya?
"Buksan mo na 'yang can Art kasi nasa loob ang sasagutan natin." Sambit ko kaya inumpisahan na niyang buksan.
"Mabuti at marunong ka na magbukas niyan. Dahan-dahan baka masugatan ka ha." Sagot ko habang pinapanuod siya.
Pagkabukas ay agad na tumingin siya sa akin, "Ang galing kaya magturo ng kasama ko sa bahay, dami ko nang alam na gawain." Sagot nito.
Inilabas na niya ang laman ng can, ilang hiwa-hiwalay na piraso ito ng papel. Hindi naman sinabi na kailangan pa pala buuin bago malaman at masagot ang tanong. Unti-unti namin itong iniharap at tiningnan, medyo marami ang piraso pero alam ko na agad ang tanong. Related siya dito sa wedding.
Nakita ko naman na dumating na si Keila at lumapit sa table, mukhang napagod siya base sa mukha niyang haggard na at pawisan. Nakita ko pang lumapit si Axel para tulungan ito, tumingin pa si Keila sa akin at ngumiti bago magpatuloy sa laro.
"Tulungan mo nga ako sa pagbuo nitong maliliit na piraso ng puzzle Nami." May pagkainis na sagot ni Art.
"Nahihirapan ka ba buuin 'yan? Eto tulungan kita." Sambit ko at nagsimulang mag-ayos.
"Dahil partner tayo kailangan nating magtulungan." Sagot niya at ngumiti.
Agad ko siyang tinulungan pagbuo sa piraso ng puzzle. Pagkabuo ay agad na binasa ko ang tanong, sabi na nga ba related siya dito sa wedding eh.
Tumingin ako sa kalaban naming pares, si Axel at Keila. Mukhang buo na nila pero hindi nila matukoy kung ano ang sagot. Inalala ko ang mga nabuong tanong, kung tutuusin poem siya eh pero madali lang naman.
~
It is one of the greatest gift
A man can offer her lady
To accept thy present
You should answer 'Yes' willingly.
Answer: ________
An occasion where we prepare
Our friends and families should be there
We'll witness a beautiful scene
When two persons became one.
Answer: _______
This thing is so important
In this special 'occasions' part
It symbolizes infinity
Like love should be endlessly.
Answer: ____
The man's gifts was given
If this special occasion happen
The last gift he will give to her wifey
Marking her as his property.
Answer: _______
Give it a title.
~
Ayan ang huling sasagutan, napatingin ako sa pares ng kalaban ko. Tumingin rin ako kay Art na kasalukuyang nag-iisip.
"Art gusto mo bang manalo? O hayaan na lang natin sila?" Tanong ko sa kanya.
Hindi ko ine-expect ang naging sagot niya, "Gusto kong manalo pero inaalala ko rin sila Nami, para mawala sa isip ni Keila ang tungkol sa kapatid niya kahit panandalian lang, kailangan niya rin ito." Nakangiting sagot nito.
Napangiti ako sa sinabi niya at agad na tumulong pagsagot. Alam kong tama ang gagawin naming desisyon.
"The game is over, the winner is Team number 13, Art and Nami. Congratulations." Paliwanag ng mga host.
Halata namang nalungkot si Keila ng tingnan ko ito, lumapit sila sa amin, "Congrats sa inyo Art and Nami." Sagot ni Keila at tipid na ngumiti bago tuluyang umalis.
"Congratulations." Sagot ni Axel saka ngumiti, hinabol naman nito si Keila.
Pinatawag kami ng mag-asawang Delfin pero pinasabi kong bukas na lang dahil sa pagod na naramdaman. Napangiti ako dahil kahit na pagod ay nag-enjoy ako sa araw na 'to.
---
Hope you enjoy the games hehe the questions are easy. Try to answer them. - misskhakiii
YOU ARE READING
He is my Art
RandomNarmyne Solace Mertz or Nami, is a famous painter. She feels lonely, and isolated herself with her artworks where she feel comfortable. But one day, something change. Her statue become alive. Clues. Wishes. Discoveries. Truths are slowly revealing t...
