Secret 8

10 3 0
                                    

8







Pagkabukas ko ng pintuan ng bahay bumugad saakin ang seryosong mukha ni kuya. Maya-maya manenermon na yan.


"Didn't I told you na kahit san ka magpunta magpapaalam ka saakin?" See. sabi sainyo eh


"Kuya pumunta lang ako sa mall para mag shopping, bawal ba yun?" sabi ko at binaba ang mga bitbit ko sa sofa


"Noon hindi pero ngayon oo. Alam mo naman na delikado ang buhay mo"


Here we go again..


"Kuya ayoko nang ulitin yung sinabi ko noon kaya please hayaan niyo na ko, I can handle myself" sabi ko at sinimulan ng buksan ang isang gallon ng ice cream.


"Kahit kailan talaga hindi kana nakinig saakin" inis na sabi niya at ginulo pa ang buhok niya.


Patuloy lang ako sa pagkain. Hayaan mo siyang manermon dyan, paulit ulit lang naman sinasabi, mas magandang pag-isipan ko kung paano ko paghahandaan ang nalalapit kong laban.


"Oh anong nginingiti-ngiti mo dyan? Masaya kapang nasesermonan ka?" may dalaw ba tong si kuya? Ang sungit niya ngayon ah


"Kuya kung naiinis ka dahil hindi ka makalabas ng bahay don't worry isesend ko nalang sayo yung mga photos ng puno, mall, supermarket, playground at yung itsura ng traffic dito" sabi ko sakanya at tinatapik tapik pa ang balikat niya.


Kawawa naman kasi puro pader at gamit sa bahay lang nakikita niya, baka namimiss na niya yung mga halaman kaya sesend-dan ko nalang siya


"Nag-iinis kaba Leya?"


"Hindi, pinapagaan ko lang kalooban mo kuy alam ko namang bored na bored kana dito"


"Tss" sa sobrang inis ni kuya umalis na siya at umakyat sa kwarto niya.


Hayy kahit kailan talaga mabilis mainis yun. Nung nakalahati na ako sa ice cream ko umakyat narin ako para ayusin ang pinamili ko.


Habang nag aayos hindi parin maalis sa isipan ko kung kailan nila ako haharapin, for sure alam na nila kung saan ako nakatira at lahat ng basic info tungkol saakin. Pero kung gusto nilang mag laro sige pagbibigyan ko sila.


| Next Day |


Nagising ako kinabukasan dahil sa inggay na nanggagaling sa baba.

Ano nanaman kayang kalokohang ginagawa nila? 5 palang ng umaga pero ang ingay ingay na nila may natutulog eh


Paglabas ko ng kwarto ko napansin ko ang mga basag-basag na vase sa hallway dito sa second floor, bigla akong kinabahan dahil alam kong ayaw na ayaw nina nanay na makakita ng kahit na anong kalat dito sa bahay.


Dali-dali akong pumunta sa kwarto nina kuya at nanay pero wala sila at magulo din ang mga kwarto nila. Agad kong tinakbo pababa para makita kung nandun nga sila.


Nakita ko sina nanay at tatay sa gilid at si kuya na nakatayo sa sala habang may hawak na isang piraso ng papel. Agad ko siyang nilapitan at kinuha yung papel, nayanig ang buong pagkatao ko dahil sa nakasulat.


"Tell me paano ka nila nahanap? May nangyari ba kahapon nung pumunta ka sa mall? Nakaharap mo ba sila? Damn! Eto na nga ba ang sinasabi ko you should've listened to me!" bulyaw saakin ni kuya habang hawak hawak ang magkabilang braso ko.


Nakatulala lang ako sa kawalan habang pauulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang nakasulat. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko, ni hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, hindi sa takot at pangamba kundi sa galit, sa galit na baka saktan nila ang pamilyang kinalakihan ko.


Family first or you? -Gli Assassini


"Shhh, don't cry. I hate seeing you crying because of those bunch of assholes. Don't worry hindi nila masasaktan ang mga kinilala mong magulang" my brother hugged me while patting my head.


Nang sandaling iyon kumalma ako, thanks to kuya. I know na hindi niya ako pababayaan lalo na ang mga taong mahahalaga saakin, he will do everything to protect me kahit ikakapahamak pa niya. That's why ayokong magkita kami noon dahil ayokong maging pabigat sakanya, tulad nalang ngayon dumagdag lang ako sa mga pinoproblema niya.


Kumalas ako sa yakap ni kuya at pinunasan ang luha ko. Binigyan lang nila ako ng mabigat na rason para tapusin sila ng maaga, ang ayoko sa lagat ay ang dinadamay ang mga mahahalang tao saakin.


Simulan na nilang magtago dahil hahanapin ko na sila, bago pa nila masakatan ang pamilya ko tatapusin ko na agad sila.


"Leya calm down, your eyes" kalmadong sabi ni kuya, narealise ko naman ang kanyang sinabi kaya kinalma ko agad ang sarili ko, tumingin agad ako kina nanay baka kasi nakita nila ayoko namang pati sila matakot saakin.


"Leya may tamang oras para dyan sa iniisip mo, for now I think kailangan mas lalo kang maingat lalo na't damay na ang family mo" tumingin naman ako kina nanay na tulala parin dahil sa nangyari dito sa bahay habang si tatay seryosong nakatingin lang saamin.


"Kuya, do you think safe pang mag stay ako dito? Baka mapahamak lang sila lalo na pag nandito ako"


"Kapag aalis ka dito they will have a big  chance na patayin ang family mo pag wala tayo dito" naisip kona rin yan pero meron naman si tatay mababantayan niya naman si nanay kung sakaling pumunta ulit sila dito. Pero hindi ko pwedeng sabihin yan kay kuya, hindi sa ngayon.


Napayuko nalang ako ako dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko.


"Umakyat kana lang ulit sa kwarto mo, ako ng bahala dito, tatawagan ko nalang ang family doctor niyo para matignan si nanay"


Tumango nalang ako at tumingin kina tatay, tipid na ngiti ang pinakita niya saakin bago ako umakyat sa taas. Pakiramdam ko nanghihina ako dahil sa nangyari, ang aga-aga palang pero ganito na agad ang nangyari saamin, ang ganda namang alarm clock neto hahahah *note the sarcasm*


Agad akong humiga sa kama ko at inisip ulit ang nakasulat sa papel. Kahit kailan ayaw na ayaw ko na dinadamay ang pamilya ko.


Ngayon humanda kayo dahil ako naman ang babawi. I will make sure na mas masakit at mas nakakakilabot ang ipaparanas ko sainyo. Gli Assassini


Ako ang tatapos sa larong sinimulan niyo.





-

S E C R E T S  8

a/n: happy 50 likes sa fb page! Yey! kaya bilang kapalit merong chap 8

VOTE  AND  COMMENT

SecretsWhere stories live. Discover now