Chapter 18

27K 781 61
                                    

Weird

Pabalang siyang bumaba sa kotse noong nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Mabilis siyang umikot para pagbuksan ako ng pinto. Sambakol pa rin ang mukha ko. Mabilis akong bumaba. Ewan ko sa kanya. Ni hindi ko siya sinulyapan. Nabubwisit ako sa kanya. He ruined my night. Nag eenjoy pa naman akong kausapin si Quin. At saka malay ko ba na kapatid niya yun. At kahit na kapatid niya si Quin he should've not done that. I scan my pouch to look for my keys. Hindi ko siya pinansin.

Kung galit siya edi mas galit ako. At saka ano bang ikinagagalit niya?

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Jamie gurl..." Tawag niya sa akin and he hold my hand. Kaya marahas akong napatingin sa kanya at inirapan siya. But he look exhausted, ruggedly handsome ang datingan niya ngayon. Nag iwas ako ng tingin sa kanya kasi bwisit pa din ako sa kanya. "Jamieya." Tawag na naman niya sa akin. And when I opened my gate ay pumasok na ako. Isasara ko na sana pero mabilis din siyang nakapasok kaya natigilan ako at kunot noo ko siyang tinignan.

"Go home Quiro." Malamig na utos ko dito at saka siya malamig na tinignan pero umiling lang siya at saka hinawakan ang kamay ko. Bahala ka,hindi din kita papansinin. Napabuntong hininga nalang ako at saka inalis ang pagkakahawak niya  sa kamay ko at saka ako dumiretso sa loob ng bahay ko. I know he is following me.
Tinanggal ko ang heels ko at saka inihagis na lang sa isang tabi dahil nananakit na ang mga paa ko. Sunod lang siya ng sunod sa akin. Paakyat na sana ako sa taas noong nahuli niya ako.

He hug me from behind. Nagulat ako sa ginawa niya kaya nabato lang ako at hindi nakapag react doon. He encircled his arms around my waist at saka niya isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Don't be mad at me." He whispered dahilan para mangilabot ako sa init ng hininga niya. Napahugot ako ng malalim na hininga. "Im sorry if I've done that. Im sorry if I ruined your night." Sabi niya ulit. At yun nga nakapag sorry lang siya parang nabawasan na ang hinanakit ko sa kanya. Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at saka siya hinarap at  tiningala ang muka niya. He really look exhausted, nangangalumata ang mga mata niya. Halatang kinulang sa tulog at saka may mga one day old stubbles na din siya.

I know that putting up a branch here is hard. Madaming gagawin, madaming trabaho. At halata nga iyon sa mukha niya. And why do he need to go in that place para lang sirain ang gabi ko instead na magpahinga siya.

"What are you doing in that place Quiro?" Taas kilay na tanong ko sa kanya. He look away. Mas lalong nangunot ang noo ko. Napasimangot ako. "Sagutin mo ako." Simangot na sabi ko dito. And from that ay tinignan niya ako.

"Nayumi send me there... At saka may kakatagpuin sana akong kabusiness partners but I saw you there-"

"At mas inuna mo pa ang pagsira sa date ko kesa sa mga kabusiness partners mo. Sana sinabi mo nalang na ayaw mo ako para sa kapatid mo not like that-"

"Hindi yun ganun Jamieya gurl." He exhaustedly said. Mas lalong nangunot ang noo ko.

"Eh ano?" Inis na tanong ko dito. Hindi siya sumagot sa halip ay tinitigan niya ako ng matagal and he sigh.

"Please lets not fight because of that." Sumamo niya.

"Bwisit ka kasing bakla ka eh." Inis na sabi ko at naghalukipkip. He sigh again.

"Please Jamie gurl." He pleaded. Tinaasan ko siya ng kilay. "Im too tired to fight with you." Sabi niya kaya naawa naman ako sa kanya. Kaya napabuntong hininga ako.

"Then go home and take a rest." Utos ko dito. Pero yun na naman siya sa pagtitig niya sa mukha ko. Ano bang meron sa mukha ko bakit palagi niyang tinititigan ito. He pointed my forehead at saka niya hinaplos iyon.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon