CHAPTER 18

10.4K 461 42
                                    

[Aika]

Nakatingala ako habang pinagmamasdan ang malaking bahay na kinatatayuan ko, bitbit ko ang bag pack ko at ang maliit travel bag na kulay itim. Ito ang unang beses na makikilala ko ang pamilya ng Papa ko at kahit ang Papa ko ay hindi ko pa nakikilala, kanina pa tinatambol ang dibdib ko sa kaba habang nasa loob ako ng kotse ngunit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ngayong nasa harap na ako ng bahay nila.

Hindi katulad sa mga probinsiya na mapapanood mo sa telebisyon na pawid ang bahay o 'di kaya ay kahoy ang mga dingding na bahay, ang bahay ng pamilya ng Papa ko ay isang modernong bahay na yari sa mga bato at mahahaling nuebles malaki at makapal din ang bakal nilang gate. Napansin ko rin sa loob ng gate nila ang kulay pulang motor at isang kulay itim na kotse. Malalayo rin ang pagitan ng bawat bahay sa lugar na 'to.

Aunt Lorie patted me on the shoulder. "Pumasok na tayo sa loob," she smiled.

I nodded to her, and I still didn't feel comfortable with her though we were on the trip together, sa tuwing tinatanong niya ako saka ako sasagot sa kanya.

Aunt Lorie opened the gate, and we rode in the car again and entered the yard of their house. Hindi pa kami nakakalabas nakita kong may lumabas sa entrance door ng bahay. Dalawang lalaki at isang matandang babae. 

Nakangiti ang mga ito nang makita ang kotse ni Tita Lorie.

"Sila ang mga kapatid ng Papa mo at 'yang matandang babae iyan ang Lola mo," sabi ni Tita Lorie.

Mula sa bintana ng kotse pinagmasdan ko sila. Nakatayo sila sa harapan ng pinto ng kotse at hinihintay na buksan iyon ni Tita Lorie.

"Let's go, Aika,"

Lumabas ako ng kotse at pagtapak pa lang ng paa ko sa semento sinalubong na ako ng yakap ng lola ko.

"Apo ko, ang laki-laki mo na," wika niya.

Nakangiti silang tatlo sa'kin nang tingnan ko sila. Dahan-dahan kong inangat ang mga kamay ko upang yakapin din ang lola ko. Sa totoo lang wala akong nararamdamang excitement sa kanila para akong napipilitan sa lahat ng ikinikilos ko ngayon.

Kumawala si Lola sa pagkakayakap sa'kin. May luha ang kanyang mga mata habang nakatingin sa'kin. "Apo ko, patawarin mo ako kung ngayon lang tayo nagkita,"

I stared at him and clenched my fist. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya sa kanilang lahat pero hindi ko kayang sabihin ngayon. Pakiramdam ko kapag nagsalita ako baka hindi ko na magawang kontrolin ang mga sasabihin ko sa kanila. 

"Mama, pagod sa biyahe si Aika, hayaan muna natin na makapagpahinga siya," ani Tita Lorie.

Pinahid ni Lola ang mga luha sa kanyang mga mata at ngumiti. "Apo ko, ako nga pala si lola Nida mo, at ito naman ang bunsong kapatid ng Papa mo si Russel." Turo niya sa lalaking nakasuot ng t-shirt na white.  "Ito naman ang Tito Delfin mo, siya ang panganay na kapatid ng Papa mo," turo niya sa lalaking nakasuot ng blue sando.  

I give them a fake smile without saying anything. 

"Ang ganda ng anak ni Kuya Heraldo," sambit ni Tito Delfin.

"Maganda po kasi ang Mama ko," i scoffed sarcastically.

Nagkatinginan silang apat sa sinabi ko,I didn't mean to say that. It just popped out on my mouth. I looked away.

Inakbayad ako sa balikat ni Tita Lorie. "Tayo na sa loob,"

I nodded and followed them. Hindi naman tumigil sa kuwentuhan ang mga ito habang papasok kami ng bahay, pagpasok namin sa loob mas na-patunayan kong hindi lang basta modernong bahay ang tinitirahan ng Papa ko dahil lahat ng mga display sa loob ng bahay nila ay pawang mamahalin. Marmol ang dingding ng bahay nila na kulay brown, they have a elegant blank circle coach  in living room. May malaking smart tv na parang nanonood ka sa sinehan. I noticed some maids walking around. Hindi nga sila typical na probinsiya na lang dahil mukhang may sinabi sila sa buhay.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon