Kabanata 46

3.6K 109 4
                                    

Trust

I slowly open my eyes and stretch my arms. Humihikab pa 'ko sa himbing ng tulog ko kagabi. Tumingin ako sa paligid at napagtantong naka balik na ako sa kwarto ko.

I didn't remember walking back to my room last night. Maybe Heros brought me here? Sa sobrang pag iyak ko kagabi ay hindi ko na namalayan na naka tulog ako.

Napatingin ako sa side table at may nakita doong note. Binuksan ko agad iyon at binasa ang laman.

To my little lady,

I'll be going to the market with your lolo. Call me if you need anything. I'll be back by ten. I already cooked your breakfast. Eat well. I love you.

HMA

Napangiti ako. I ponytailed my hair and went to the bathroom for some shower. Nag bihis din ako ng simpleng high waist shorts at off shoulder top. I put light make up and little perfume too.

Pagkababa ko ay nanonood na si Mommy ng tv kasama si Manang Zana. I greeted them good morning saka ako pumunta sa dining area at kumain ng breakfast.

Nag-iinit ang pisngi ko habang kinakain ang iniluto niya sa'kin. Pagkatapos kong kumain ay naki-upo na ako sa sala kasama sina Mommy at Manang Zana habang nanonood kami ng movie sa Netflix.

Tumingin si Mommy sa'kin kaya bigla akong umiwas ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko, na gi-guilty ako sa ginawa namin ni Heros kagabi.

Naramdaman kong hindi parin nilulubay ni Mommy ang tingin sa'kin kaya tumingin na din ako pabalik sa kanya.

"Bakit, My?"

Ngumiti si Mommy at umiling. Ngumuso nalang ako saka nanood ng tv kahit wala akong maintindihan. Panay pa ang tingin ko sa cellphone ko baka nag text si Heros at para tingnan kong anong oras na. 9:30 am pa. Ang tagal!

Habang nanonood ay narinig ko ang medyo maingay na sina Roberta, Alicia at Paloma. Napalingon ako sa kanila at nakitang may hawak silang pang sungkit ng manga at balde. Nasa pintoan na sila ng mansyon kaya agaran na sumunod ako sa kanila.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Sa manggahan po Ma'am Allyana. Mangunguha ng manga. Buntis kasi ang kapatid ni Roberta. Nagpaalam naman po kami kay Senyor Silvestre tsaka konti lang po ang kukunin na'min." Sagot ni Alicia.

"Sama ako! Gusto ko rin kumuha." Napangiti ako sa naisip ko. I want to give Heros some mangoes.

Nagkatinginan pa ang tatlo saka sila sabay tumango. Nagpaalam ako kay Mommy bago kami lumabas at nag lakad papunta sa manggahan.

Andoon si Romano at isa pang katiwala na nakalimutan ko ang pangalan.

Agad itinulak ni Alicia si Roberta kay Romano. Nakita ko pa ang pamumula ng pisngi ni Roberta.

"Magandang umaga po, Ma'am Allyana." Bati ni Romano at ng isang katiwala.

"Good morning din!" Masigla kong bati.

"Akin na ang panungkit. Ako na ang kukuha para sa inyo." Ani Romano.

"Ito." Malumanay na sagot ni Roberta sabay bigay niya sa panungkit kay Romano.

Tinukso pa ang dalawa ni Alicia at Paloma kaya nagkatuwaan kami dito sa manggahan.

Now that I look at them, medyo nabawasan ang hinala ko sa kanila lalo na kina Roberta, Alicia at Romano. Heros also did a background check om them and he told me that this three is far from the suspects. Bukod sa malinis ang criminal records nila, may ebidensya din na kasama nila si Romano noon sa maisan at parehong nasa mansyon sina Roberta at Alicia noong oras na nangyari ang sunog.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon