Chapter 324

602K 24.6K 32K
                                    

A/N: Sasabhin ko Monday next week talaga yon. Kayalng baka magalit kayo. Hahaha. Enjoy!

Expect the typo.

Island

Jay-jay's POV

Ulowl!

Nag-iinit talaga ulo ko sa tarantadong lalaking to. Wag lang talaga siya bubungad sa harapan ko, hahabalusin ko siya ng lamesa.

"Jay-jay, kalma lang." Sabi ni Ci.

Nilingon ko siya ng hindi nagbabago ang expression ko. Siya naman ngayon ang napaiwas ng tingin dahil sa takot na mapagbuntunan ko.

"Paano? Ako. Kakalma." Pinandilatan ko siya mata. "Turuan mo ko."

"Jay-jay naman ih."

"Turuan mo nga ako. Sasakmalin kita dyan."

Napanguso naman siya habang nagkakamot ng tenga. Alam kong wala din siya maisip na paraan. Kahit ako din naman, hindi ko din alam kung paano ko papakalmahin ang sarili ko ng hindi nasasapak ang lalaking yon.

Napairap nalang ako ng wala akong marinig na sagot sa kaniya. Hinarap ko nalang ang kahon na tinabi ko kanina. Kating-kati na kong buksan to at makita ang laman.

Para sa akin man o hindi bubuksan ko pa rin. Baka sakaling mawala ang init ng ulo ko.

Binatak ko ang ribbon na kilay asul para malaya kong matanggal ang takip ng kahon. Nagtaka pa ko ng una dahil puro gupit-gupit na papel ang una kong nakita. Hanggang sa makita ko ng buo kung ano talaga ang nasa loob.

Snorlax.

Napangiti naman ako. Isang tasa na may disenyo ni Snorlax. Tinanggal ko yon sa kahon at tinignan ng mabuti. Kahit hindi to para sa akin, kukuhanin ko pa rin.

Effective naman, nawala ang init ng ulo ko. Napunta lahat ng atensyon ko kay Snorlax. Mukang meron na ulit silang bagong kapatid.

"Tignan mo Ci!" Pagyayabang ko kay Ci-N.

"Ang cute." Sabi niya at kinuha sa kamay ko. "Kino-kolekta mo ba mga kauri mo?"

Parang bumalik init ng ulo ko.

"Ihampas ko kaya sa muka mo yan?" Inis na tanong ko.

Tumawa lang naman siya bago ibalik sakin ang tasa. Si David naman ang nilingon ko para ipagmayabang sa kaniya ang nakuha ko pero tulog na naman ang luko.

Sarap niyang pitikin sa tenga habang tulog. Ano kaya talagang ginagawa nito sa gabi?

Hinayaan ko nalang siya at binalakan ang kahon na pinaglagyan ng tasa. Nagbabakasali na merong pangalan ng pinang-galingan pero wala naman. Kahit label ng company o manufacturer wala rin.

Maraming salamat sa nagbigay.

Binalik ko na ang tasa sa loob ng kahon bago isara at talian ulit ng ribbon. Nakangiti pa ko ng ilagay ko sa bag yon.

Pero nawala ang ngiti ko ng pumasok ang sunod na teacher at ipaalala sa kumag na tukmol na pesteng demunyung Kei—kwanan, na kailangan niyang maghabol ng lesson.

"Sir Alvin already assigned someone to help me." Sagot ng tukmol.

"Sige. Pakisabi sa kaniya kuhanin ang mga lesson sa table ko mamaya."

Gusto ko nalang lamunin ng lupa. Bakit ba kasi ako? Hindi naman ako matalino? Ako nga sa sarili ko, hirap na hirap na mag-aral tapos magtuturo pa ko sa iba!

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon