23

88.9K 2.7K 922
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

Mahigpit ang kapit ni Jonas sa palapulsuhan ko habang hila-hila niya ako papunta sa kwarto nam-niya. Kanina pa niya pinauna ng akyat ang dalawa sa kwarto nila habang mahigpit pa rin ang hawak nito sa akin.

"Jonas! Nasasaktan ako!" sigaw ko sa kanya matapos nitong maisara ang pintuan ng kwarto. Maisara, as in ni-lock niya talaga ang pintuan.

Marahas niyang binitiwan ang kamay ko at galit akong tinitigan. Minsan ko lang makita ang ganitong Jonas and I really hated seeing him this way.

"I warned you before, Denisse! Ilang ulit na kitang pinagbawalan makipag-usap sa lalaking 'yon pero ito at nakikipag-landian ka pa sa hayop na 'yon! Putangina. I am still your husband so stop flirting with everyone! You didn't even ask for my permission. Ganoon ka na ba ka-atat makipag lampungan sa lalaking 'yon?! Ha?! Kasi alam mong makakawala ka na?! Then what?! You're going to live your life easily!? Na parang hindi mo sinira ang buhay ko dati?! Dream on! Hindi ganun kadali ang daan palabas, Denisse! I won't let you get away from me that easily!"

Napahilamos ako sa aking mukha at magkasalubong ang kilay na hinarap siya. I'm so frustrated! "Jonas, STOP! Tumigil ka na, please lang. Hindi ganun 'yon. I am not flirting with anyone. I am not flirting with Jordan. Wala. Akong. Nilalandi! Hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo. Dati mo ng sinabi sa akin na ayaw na ayaw mong nagpapagising. So I did not! Stop acting like a jealous husband!

"I'm not! I'm better than them!" Ang sigaw nito pabalik sa akin.

"You're not! Ano pa bang gusto mo, Jonas? What do you want from me?! Gusto mo akong magdusa?! Ang magsisi?! Ang humingi ng tawad sa iyo?! Then I'm sorry! I'm sorry..." Napatakip ako sa bibig ko dahil muli na namang umagos ang mga luha ko. Ramdam ko rin ang paninikip ng dibdib ko dahil sa umaapaw na emosyon. "I-I'm sorry for ruining your life. I'm sorry for ruining our children's life. Sa loob ng walong taon, araw-araw at gabi-gabi akong nagdurusa at nagsisisi, Jonas! Hindi mo lang alam kasi wala ka namang pakialam sa akin! Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo kaya nga bumitaw na ako 'di ba?! Kasi gusto kong bawiin mo 'yong buhay na nawala sa'yo dahil sa mga mali ko! Kasi baka hindi pa huli ang lahat para sa'yo. Pagod na ako Jonas. Pagod na pagod na ako sa mga away natin, sa mga sigawan, sa panunumbat. Pagod na pagod na pagod na ako! Pero hindi ko kayang sumuko dahil may mga anak tayo!"

Napasalampak ako sa sahig dahil sa labis na pagod, sakit at lungkot na nararamdaman. Pakiramdam ko sirang-sira na ang buhay ko. Sa mga sinabi ni Jonas parang sinasabi niya na wala akong karapatang maging masaya. Wala akong karapatan sa kahit ano man kasi may kasalanan ako sa kanya. Hindi ako maaaring umahon sa pagkakalubog kasi gusto niya akong lunurin bilang kabayaran sa ninakaw kong walong taon ng buhay niya.

Saglit lang na tumayo si Jonas sa harapan at tahimik na pinapanood habang umiiyak. Lumabas ito ng kwarto at pabagsak iyong isinara.

Marahas kong pinahid ang mga luha ko at dahan-dahang tumayo. Kinailangan ko pa ng suporta sa cabinet na katabi ko dahil nalalambot ang aking mga paa. Gusto ko sanang pumunta sa kwarto ng kambal kaso ayokong makita nila akong nasa ganitong estado. Naglakad ako sa kama ni Jonas at marahang nahiga doon.

Nakatulala lang ako sa bintana ng kwarto niya habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. I want to rise again, katulad ng araw. But I don't know how. I don't know if I'm still allowed to do that. Sana may time machine na lang. Gusto kong bumalik dati noong pinapipili pa ako ni dad. Kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay namin sana umayaw na lang ako.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon