Chapter 26

569 25 3
                                    

"We're going to meet them today."

Tahimik lamang ako habang lulan kami ng sasakyan papunta sa isang restaurant. Magkatabi kami ni Daddy sa backseat ng sasakyan na minamaneho ni Tatay Nap, ang driver nila Daddy.

Ngayon ang gabi kung saan opisyal na ipapakilala sa akin ang panganay na anak ni Lucho de Vera.

My birthday is just around the corner and they're planning to announce our engagement from the party. A huge crowd was invited after our family has been silent for months. Ang alam ng mga ito ay dahil lamang sa kaarawan ko kaya muling nag-iingay ang mga Castañeda. Lingid sa kaalaman nila ang iaanunsyo ng mga de Vera.

Nang makarating kami sa restaurant ay mabilis kaming iginiya sa VIP room kung saan naghihintay sa amin si Lucho at ang anak niya.

Magkasabay kaming naglakad ni Daddy hanggang huminto kami sa harap ng double doors at pinagbuksan kami ng empleyado ng restaurant.

Pagpasok namin doon ay saka tumayo ang isang lalake na mistulang kaedaran lamang ni Daddy kasabay ng anak nito sa kaniyang tabi. Nagtagal ang titig ko sa kaniya.

My eyes instantly recognized  the familiar mischief from his eyes and the glint of playfulness from his little smirk.

Nakipagkamayan si Daddy sa matandang lalake na alam kong si Lucho de Vera.

"I'm pleased that our children finally meet, Richard.", nakangiti nitong saad kay Daddy.

"Yes, this is my eldest daughter, Raegan Castañeda."

Doon lamang lumipat ang tingin ng batang lalake sa akin nang ipakilala ako ni Daddy. Nabura ang pormal na ngiti nito sa harap ng ama nang magsalubong ang tingin namin.

Kapwa kami natigilan. Alam kong pamilyar din ako sa kaniya base na lamang sa ekspresyon ng mukha niya. Kumunot ang noo niya na waring inaala kung sino ako at saan niya ako nakita.

Inalis ko ang tingin sa kaniya at bumaling kay Lucho de Vera.

Pormal akong nakipagkamay rito.

"I'm Lucho de Vera. It's my pleasure to finally see you in person, hija.", he exclaimed with a fatherly smile while both of his hands are holding mine.

I curtly nod in response. Mabini itong tumawa saka bumaling sa anak niyang waring naalala na kung sino ako.

"This is my son, Ashton Maverick de Vera. Maybe it's already safe to say that he's your fiancé ang official announcement na lamang naman ang kulang.", sabi nito saka mababang humalakhak

Hindi ako nagsalita. Itinuon ko ang tingin kay Ashton nang inilahad nito ang kamay sa akin.

There's a playful smile domineering on his lips again as he watched me, clearly amused.

Tinanggap ko ang kamay niya. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko, like he's teasing me that we unfortunately met again.

I gave him a cold stare and hastily release my hand from his hold.

He chuckled.

Nanatili akong tahimik sa buong gabi kahit nang magsimula na kaming kumain at nag-uusap na si Daddy at Lucho de Vera sa mga plano nila para sa pagmemerge ng kompanya.

Napapansin ko ang titig ni Ashton na nakaupo sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Naroon pa rin ang mapaglarong ngisi sa labi nito. I suddenly find the urge to wipe that annoying smirk from his face.

He raised a brow when he saw the annoyance radiating from me. Siya na ang naunang nagbitaw ng tingin saka yumuko at umiling habang bahagyang natatawa.

I sighed. I reached for the table napkin and wipe my lips after drinking a glass of water. I excused myself to go to the restroom while the elders are still talking about business matters. Hinayaan naman nila akong lumabas saka bumalik sa pag-uusap nila.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon