Nine

103 9 0
                                    

Kasalukuyang disembarking ng passengers at nandito ako ngayon sa San Francisco. Hindi naman gaanong mabigat ang workload ngayon dahil sa business class ako assigned at hindi puno ang zone na ito.

Nang makababa na lahat ng pax ay nag-check muna kami ng aircraft pagkatapos ay bumaba na rin.

"Nagugutom na ako, D."

Maktol ni Gazini at oo, magkalipad kami sa flight na ito. Paano ba namang hindi eh vinolunteer niya ako imbes na sa Macau lang dapat ang lipad ko.

Inirapan ko lang ito pero tinawanan lang ako.

"May extra clothes naman ako dito. I got you!"

Sabi nito at naglakad na kami palabas ng airport.

"Naiinis pa rin ako sayo. Hindi ako prepared sa flight na ito. Yung tulog at dala kong pang-Macau lang."

"Hindi ka prepared o may naudlot kang date?"

Balik tanong nito sa akin.

"Uuwi dapat akong Cabanatuan after ng flight ko since turnaround lang naman pero dahil magaling ka, hindi na natuloy."

Inis kong sabi dito at niyakap naman ako para di na raw ako magtampo.

"Ililibre na lang kita sa In N Out para makabawi ako sayo. Gutom na talaga ako, Diana. Kain tayo agad pagkarating sa hotel ha?"

"Oo na po. Siguraduhin mo lang na ikaw magbabayad lahat ng o-order-in ko ah."

Babawian ko nga to mamaya sa restaurant, hay!

🥝🥝🥝

"Ang alam ko kasi ako ang gutom sa ating dalawa pero di ko naman alam na gutom na gutom ka pala."

Litanya ni Gazini habang pinapanood yung staff na naglalapag ng order namin.

Um-order ako ng tig-isang double-double burger at protein style na parehong may fries on the side at vanilla shake. Samantalang isang cheeseburger with fries lang ang order ni Gazini.

"Nakausap mo ba ang management regarding sa balak mong pagpapalipat ng base?"

Tanong ko rito at saka kumagat sa cheese burger.

"Hindi na kailangan, break na kami ni Marcus."

Sagot nito na parang wala lang pagkatapos ay kumain naman ng fries.

"Oh? Bakit hindi ko alam?"

"Ngayon alam mo na. Kaya nga kita vinolunteer sa flight na ito para pag-usapan natin yung break-up namin."

Napailing ako.

"Ibang klase ka talaga, Ganadoz."

"Hayaan mo na, libre naman yang mga in-order mo. Ubusin mo yan ha!"

Pinanlakihan ako nito ng mga mata at itinuro yung mga pagkain ko. Hindi ko naman balak kainin lahat ng ito, yung iba takeout para mamaya.

"Ayun nga, nalaman ko na nangangaliwa na pala ang loko. Inaya-aya pa kong magpakasal, yun pala gusto lang makuha yung mana niya sa parents niya."

Sabi nito.

"Parang di ka affected ng break-up niyo?"

"Naku, tapos na kong umiyak at na-realize ko na hindi pala dapat siya iniiyakan. Nalaman kong may jinowa rin siya sa Cebu habang kami pa. Gago talaga."

Sabi nito at napailing.

"Kamusta kayo ni Franki?"

Biglang tanong nito kaya napatigil ako.

Does She KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon