19 | Date

3K 76 18
                                    


19
Date

Nasasaktan man ay nagawa ko pa ring itanong sa kaniya ang isang bagay, "Do you still love her?"

Ilang sandaling katahimikan ang naghari sa amin. Halos batukan ko ang sarili sa nasabi. Dapat pala ay hindi ko na lang tinanong.

"Alam mo ba kung bakit hinabol ko siya kahit na hindi niya ako ipinaglaban?" balik tanong niya.

Dahil may utang siya sa'yo at hindi pa niya nababayaran?

Imbes na sabihin iyon ay itinikom ko na lang ang bibig ko at hinintay siyang dugtungan ang kaniyang sasabihin. Ang bilis ko namang nahawa sa kabaliwan ni Erza.

"Dahil siya na lang ang kinakapitan ko n'on. Yung araw na nagkahiwalay kami, iyon din ang araw na iniwan ako ng ama ko kasama ang kaniyang bagong pamilya patungong ibang bansa." walang emosyon niyang sabi.

Ngayon hindi ko na alam kung saan ako mas nasasaktan. Isinantabi ko muna ang pansariling nararamdaman sa nalaman. Ang isipang nawalan si Achi ng kasintahan at pamilya sa isang araw ay tunay ngang nakakabagbag ng damdamin. Hindi ko alam kung paano niya nalagpasan ang mga panahong iyon.

Dahil sa totoo lang, kung ako ang nasa kaniyang posisyon ay hindi ko alam ang gagawin ko para makabangong muli. Paniguradong nagkulong na lang ako sa kwaryo at itinago ang sarili sa mundong ito.

Ganoon ako kahina sa paningin ko.

Nagawa kong kumuha ng lakas sa ibang tao para lang lumaban, paano kung ganoon din ang sinapit ko? Walang makakapitan, walang karamay sa buhay...

Tapos ang tanging lakas na pinagkukuhanan ko pa ay mawawala na lang bigla.

Paano niya nakaya iyon?

Pero teka, parang hindi naman niya nasagot yung tanong ko.

"I don't know if I can still let people hurt me. I've been through enough already and I'm tired of being disappointed." he sighed as if he just exhaled all the baggage in his life.

"Kaya ba hindi mo na rin pinaunlakan ang pagmamahal ni Viy sa'yo?" maingat kong tanong.

He nodded.

"That and I really don't like her in that way." sabi niya.

"Y-you didn't answer my previous question, tho." hirit ko pa.

"What question?"

Alanganin at nahihiya kong inulit ang tanong ko kanina, "Do you still love her? Uh, that Yumi girl?"

"What do you think?" balik tanong niya.

Palihim naman akong napakamot sa ulo ko. Bakit ba ayaw niyang sagutin ng diretso? Pinapahirapan pa niya ako, hindi niya ba nahahalatang gustong gusto ko na malaman ang sagot niya.

"Well, I think you still do love her."

"U-huh. And how did you say that? What's your basis?" tanong niya pa.

Hinarap niya na ako dahilan kung bakit nataranta ako ng kaunti. Napasulyap ako at bakas sa mukha niya ang interes sa sasabihin ko.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon