20 | Intervention

3K 73 22
                                    


20
Intervention

I know I look stupid for smiling so wide beside Achi. I can't help but to feel giddy about the fact that this is a little date of ours. At least, that's what it is to me.

Kahit na nakisamangot lang siya at paminsan-minsang umiirap sa akin ay hindi pa rin nabubura ang ngiti ko. Ganito pala feeling kapag kasama mo ang taong gusto mo sa isang lugar. Hindi ko iyon maappreciate kapag nasa bahay lang kami dahil sanay na ako sa kaniya doon.

Ngayon lang din kasi ang pagkakataong hindi niya kasama ang mga barkada niya o kung sinuman.

Tahimik lang akong sumusunod sa kaniya habang hinahagilap niya ang mga bagay sa listahan. Gusto ko sana kumuha rin ng mga pagkaing nagustuhan ko na sa tingin ko ay masarap pero hindi ko na lang ginawa. Sino naman kasi ang kakain no'n?

Halos matatamis rin ang napili ko pero parang hindi naman mahilig si Achi doon.

Ilang ikot pa sa mga aisle nang hindi ko na nipigilan ang sariling magsalita. Hindi ako papayag na wala kaming conversation sa first date namin.

So with the best effort I have, I did the lamest thing I can think of.

"Achi, Achi." tawag ko kahit na tinapunan niya lang ako ng tingin.

"Mahilig ka ba sa hotdog?..." Dinedma niya naman ako.

"Ako din, e." dagdag ko.

Hindi niya pa rin ako nilingon. Gayunman, patuloy pa rin ako sa pagpapansin sa kaniya.

"E, sa free taste, mahilig ka?..." hirit ko pa na dinedma niya ulit.

"Sayang, ako pa naman ang iseserve ngayon."

Waley.

Umiling na lang siya sa mga banat ko.

"Uy baka mahuli kang nagnakaw."

Nagtatanong na tingin lang ang binigay niya sa'kin. Tinuro ko naman ang baba niya.

"Ayan oh, bakat yung saging." sabay tawa ko.

Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Uy baka mahuli kang nagnakaw." sabi ko.

"Paulit-ulit?" asar na sabi niya.

"E, bakat din yung dalawang santol oh." humagalpak na ko sa tawa.

Samantalang hindi na maipinta yung mukha niya sa inis. Pikon much. Umayos naman agad ako at inayos na ang mga banat ko.

"Asin ka ba?"

"Cos I like you ALAT." dagdag ko agad.

Dedma pa din.

"Do you like dirty, meat and salt together?"

Dedma.

"Cos if you also like me ALAT then let's MEAT again some other time and do some DIRTY stuff."

Dedma.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon