21 | None of your business

3K 72 8
                                    


21
None of your business

Limang minuto na lang ang natitira at halos mataranta na ang iba sa kanilang upuan. May ibang mga tumayo na at nagpasa na sa harapan, bakas ang pagsuko sa kanilang mukha at halatang pinaubaya na lang kay Batman ang kanilang papel.

Nakatayo lamang ako sa tabi ni Achi na nagsusuri na ng kaniyang mga sagot na para bang may mali siyang makikita.

Sa isang oras na pagsusulit, wala akong ginawa kundi ang umikot sa buong gymnasium kung saan hiwa-hiwalay na nagsasagot ang mga estudyante. Samantalang ang kanilang proctor naman ay prenteng nakaupo lang sa harap.

Nakita ko pa nga ang pilihim nitong paglalaro sa phone ng mobile legends at walang pakielam na hinayaan ang mga estudyante sa kaniyang harap.

Kanina ko pa rin nakitaan ng paghihirap ang mga mukha ng estudyante dahil nang aking silipin ang kanilang test paper ay pati ako ay napatikhim na lang sa hirap.

Tumunog ang timer hudyat na tapos na ang huling exam nila para sa semester na ito.

Buong linggo inalay ni Achi sa pag-aaral ang kaniyang sarili kaya naman hindi ko man lang siya nagawang makausap ng matino. Hinayaan ko lang siya habang ako naman ay nakatapos na ng series sa Netflix.

At ngayon ngang tapos na ang lahat ng exam nila, nakahinga na ng maluwag ang lahat.

Hapon na at napagdesisyunan nilang lumabas mamaya para makapagliwaliw.

Umuwi kami para makapagpahinga muna si Achi dahil dalawang mahirap na subject ang hinarap nila kanina. Ayoko nga sanang lumabas sila ngayon dahil paniguradong maraming tao mamaya sa Oqtagon.

Pero sino ba naman ako para pigilan sila, deserve rin naman nila ang araw na ito. Hindi ko nga lang maiwasang umapila kapag usapang alak na ang involved.

Panigurado kasing butas na ang mga atay ng mga itlog na iyon bago pa sila makagraduate.

Sumapit ang gabi at naamoy ko na ang mahalimuyak na pabango ni Achi, hudyat na nakagayak na ito at handa nang umalis.

Sinipat ko muna ang kaniyang suot. Fitted black jeans and an oversized white tee paired with a black Balenciaga sneakers. Hmm. Pwede na..kahit mukha siyang hiphop dancer.

Alas diyes na nang nakarating kami sa bar at marami na ang nakapark na sasakyan sa labas. Napailing na lang ako dahil hindi ko gustong pumupunta dito, lalo na dahil nakita ko agad ang makapal na usok galing sa loob.

Bumaba kami at nasa likod lang ako ni Achi nakasundo. Tinanguan niya muna ang kakilalang bouncer bago tuluyan nang pumasok. Dumiretso kami sa usual nilang pwesto at doon tatlo pa lang silang nakaupo doon.

"Si Luper?" bungad na tanong ni Achi sa kanila.

"Habol na lang daw, umuwi yung pinagmulan niya, e." kaswal na sagot ni Haniel.

"Oh? Bawal muna pala tayo tumambay sa kanila kung ganon." si Achi.

Pabulong namang akong nagtanong sa kaniya, "Bakit, ano meron?"

Tumingin muna siya sa tatlo na busy sa paglalaro ng kung anuman sa cellphone nila bago palihim na bumulong ng sagot sa akin. "Strikto ang magulang ni Luper, takot kami kaya hindi kami pumupunta doon kapag nandon sila."

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon