32 | Obvious

3.2K 95 54
                                    


32
Obvious

Nagpintig man ang aking tainga sa narinig ay nagawa ko pa ring lingunin ang taong nasa likod ko. Kinakabahan man ay naglakas loob pa rin akong gawin iyon.

Kaya lang napalitan ang kaba sa akin ng makita si Jesca na namumula ang mukha na nakatayo roon. Namumungay ang mga mata na nakatingin sa amin.

Napakunot noo naman ako. Nagtataka kung nasaan ang tinutukoy niyang Yumi.

"Joachim? Is that really you?" tanong ni Jesca.

Am I hearing things right? Magkakilala sila? Nilingon ko si Achi na tulala pa rin sa amin. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.
Lumapit naman ako sa kanya, "Do you know her?" tanong ko.

Parang natauhan naman si Achi nang marinig ako, "U-uh. Y-yeah." nauutal pa niyang sabi.

Muntik pang matapilok si Jesca nang lumapit siya sa kinatatayuan namin, "Joachim, what are you doing here? Are you for real?" magiliw na tanong ni Jesca.

"Y-yumi. Uhm , yeah. Hi." sabi ni Achi. Bakit ba siya nagkakaganyan?

Nagtataka ko naman siyang hinarap, "Lasing ka ba, Achi? Siya si Jesca, yung best friend ko na sinasabi ko sa'yo. Hindi Yumi." sabi ko.

"She's Yumi, my ex-girlfriend." pabulong na sabi niya.

Ha? Paanong nangyari 'yon? E, ang second name ni Jesca ay Naomi, Jesaica Naomi C. Cardinal..papaanong..oh.

Okay, Naomi..Yumi. Makes sense. Ang bobo ko naman pala.

Tinikom ko na ang bibig ko sa nalaman. Hindi matukoy kung ano ang mararamdaman sa nangyayari ngayon sa aking harapan. Let me get this straight in my head..

So si Jesca at Yumi ay iisa, na siyang ex-girlfriend nitong si Achi. Siya ang dahilan kung bakit nawasak ang puso ni Achi dati. Siya rin ang babaeng nang iwan kay Achi noong panahon na kailangan niya ng makakasama.

Just what the hell?

Sa dami ng tao sa mundong ito, talagang si Jesca na best friend ko pa ang taong naging parte ng buhay ni Achi noon. Hindi lang basta naging parte, kung hindi siya ang tanging babae na minahal ni Achi noon.

Noon...

Past tense. Siguro naman nakalimot na ang dalawa sa nararamdaman nila sa isa't isa. Nakamove on na sa nangyari sa kanila.

Sana nga gano'n ang kinahantungan nila.

Tama gano'n na lang ang iisipin ko.

Pero paano ko gagawin iyon kung harap-harapan kong nakikitang umaakto ng kakaiba si Achi sa harap ni Jesca.

He lost his composure the moment he landed his eyes on her. Anong laban ko naman doon?

Sa simpleng pagkikita lang nila ay nautal na sa pagsasalita ang itlog na iyon.

Anong laban ko ngayon sa babaeng nagpaparamdam ng ganito kay Achi?

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon