Ala ala

11 6 0
                                    

Written by:Sunny Min
Edited by:Zyra Scarlet

Sa ilalim ng mainit na araw naglalakad ulit tayo sa liblib na daan. Napaisip ako, bakit hindi kami dumaan sa tamang daan? Kaya di ko na naiwasang magtanong.

"Bakit dito tayo dumadaan? Bakit hindi sa tulay? May nakita naman akong tulay doon." Ani ko.

Sabi mo saakin noon, "Pribado kasi itong lugar kaya hindi tayo pwede doon."

Kaya nagpatuloy tayo sa paglalakad kahit mainit at wala tayong dalang panangga sa init. Kahit na ganoon ay masaya parin tayo papunta sa ating munting paraiso.

Mula noong una mo akong dinala dito ay hanggang ngayon gusto ko parin itong lugar at tiyak na hindi ko ito malilimutan kailanman.

Naalala ko na naman ang ilang linggo nating pagsasama at paglalakbay sa lugar na naging saksi sa ating pag-iibigan, ang dagat na nagtagpo saating dalawa kung saan tayo ay nagka-ibigan.

'O kay saya balikan ngunit ito'y munting alala na lamang nang dahil sa aking kamalian ang ating pag-iibigan ay tuluyang nasayang.

"Patawad mahal ko."

Ala-AlaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon