CHAPTER 25: IN THE CONDO

452 21 2
                                    

HELLIANA'S POV

Nandito ako sa may bookstore. Ewan ko ba kung anong ginawa nila Xyra sakin para mautusan akong bumili ng mga kakailanganin daw nila tsk. Pagkatapos ko makuha lahat ay lumabas na ko ng mall kaso paglabas ko umuulan na ng malakas. Halos hindi na makita ang daan sa sobrang lakas nito. Tsk. Ang pagkakataon nga naman oh! Nanadya ka ba? Hindi ko pa naman dala yung kotse ko tapos andami ring tao na na-stranded kaya unahan talaga sa taxi.

No choice ako. Tatakbuhin ko na sana ang kalsada ng may pumaradang sasakyan sa harapan ko at talaga namang nagbusina pa ng sunod sunod. Ano to nangyayabang?! Sampalin kita dyan, makita mo!

Di ko na sana papansinin ng bumaba ang window shield nito at mukha ni bakla ang nakita ko

"Hop in" sigaw nya. Malakas ang pagbaksak ng ulan kaya talagang kailangan sumigaw para magkarinigan. Tumango nalang ako at sumugod pa punta sa kanya, nabasa ako ng konti tsk.

Nagulat ako ng pagpasok ko sa loob ay agad nyang inilagay yung towel sa ulo ko at ipinagkuskos ito, magaan lang ang bawat galaw kaya di ako nasasaktan. Napatulala ako sa kanyang ginagawa. Luh?! Pinunasan nya Ang buong mukha ko at balikat ko tsaka sya muling nagpunas sa buhok ko. Saktong pagbaba ng tingin nya ay nagkatinginan kami nakita kong napalunok sya ng ilang beses. Kitang Kita ko kung paano mag-akyat baba ang Adams apple nya at talaga namang nakakadagdag ito ng kagwapuhan nya bukod sa mapupugay nyang mata.

Unti unti nyang nilapit ang mukha nya, nakapikit sya Kaya napapikit din ako at isang dipa nalang ang layo namin sa isat isa bago maglapat ang aming labi ng biglang---

*RING RING RING RING*

Tumunog ang cellphone ko kaya natulak ko sya sa sobrang pagkabigla, agad akong lumayo sa kanya at nagbaba ng tingin tsaka ko kinuha Ang cellphone ko at tinapat iyon sa aking tenga

"H-hello?" Muntik na kong mautal dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko, sobra sobra ang kaba ko at diko alam kung bakit...

"Queen..." Kilala ko ang boses nato. Tagal na panahon na ren

"Ray? Why do you call?" May sigla kong tanong, namiss ko sya. Kay tagal nyang nawala eh. Nakakapagtaka lang na tumawag sya

"Queen, ilang araw na kaming nakakarinig ng kakaiba dito. Pero pagtinitingnan namin wala namang kakaiba at wala ren namang nasasaktan samin" suneryoso ako dahil sa narinig. Sino kaya ang may pakana nun? Sila ba?

Napailing ako at napayuko. Meron bang traydor sa mga tauhan ko? Isa lang ang pedeng daanan papasok at palabas, Kaya hindi maaring makapasok at makalabas sila ng ganung kadali. Maliban nalang kung...

"Magdagdag ka pa ng magbabantay sa labasan, yung siguradong mapagkakatiwalaan. Humanda ka sakin pagnangyari uli yan at wala kang maibigay na paliwanag sakin" Agad ko nang pinutol ang linya, di ko na sya pinagsalita pa. Seryoso akong bumaling kay Danger na nakakunot ang noo

"Drive." Minsan pa'y tinapunan nya ulit ako ng tingin bago nagdrive. Tahimik ang buong byahe, nawala ako sa mood dahil sa balitang narinig ko.

"Uhh. Saan Kita ihahatid?" Palakas na ng palakas ang ulan. Hindi ko naman pede sabihing sa Mansion, napakalayo pa nun dito. At mukhang aabutin kami ng pagkataas taas na baha kapag sa Mansion kami dumaretso.

"Sa condo ko nalang, send ko sayo yung address tinatamad ako magsalita" nilabas ko yung cellphone ko at sinend na sa kanya yung address.

"Tss. Bakit kailangan pang isend! Kung pede namang sabihin nalang?" Galit nyang saad, napataas ang kilay ko dahil dun. Anong kinagagalit nya? Bigdeal ba yun? Tsk

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon