Kabanata 18

285K 15.6K 19.7K
                                    

Kabanata 18

Cherophobia. The fear that something bad might happen after excessive joy. There's a saying that you shouldn't be too happy — because you won't be prepared when misery hits you.

"Practical Research 1, Feasibility Study, Business Proposal. Guys? Kaya pa? Kaya niyo pa this week?" Gio asked infront of our class.

We all groaned, dala ng stress ay may isa pa nga akong kaklase na tinumba ang isang desk namin at nagpanggap na nagt-tantrums. Ang gago lang pero sa totoo ay gano'n na rin 'yata ako sa loob ng utak ko.

Inaayos kasi namin ang schedule namin since tatlo 'yung major na gagawin ng section namin pero iba-iba kami ng groupings.

I groaned. "Adren, bilhin mo na 'yung buong school."

Okay lang sana 'yung gawain e kaso sabay-sabay sila. Hindi tuloy namin alam kung ano uunahin. I was also stressed because Stacy was on three of my groups.

The mere presence of Stacy made me feel like I'm doing the groupwork myself.

Hindi naman kasi tao si Stacy e. Printer siya— puro print lang ang ambag niya sa grupo.

"Zafirah, ikaw na lang maging leader." Siniko ako ni Ria. Gusto ko siyang iripan pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Ayoko."

Kapag leader ka kasi madalas sa'yo iaasa lahat tapos kasalanan mo pa kapag may nangyari sa grades nila. Dapat sa isang grupo, wala talagang leader e. Para lahat gagawa.

"Matalino ka naman ah," nakahalukipkip si Stacy at tinataasan ako ng kilay.

"Kaya nga ayoko e, matalino ako para malaman na iiwan niyo 'to sa akin kapag ako 'yung naging leader." I said through gritted teeth.

Ngumiwi si Stacy.

"Nauurat na ako rito ah. Matalino nga pero mayabang."

"Pigilan mo ang sarili mo, Stacy." Ria laughed.

The audacity of these two to mock me?

I sighed and put both of my hands up, waving a white flag.

"You know what? Sige, I'll be the leader."

"Papayag ka rin pala e. Nag-drama ka pa." Umirap si Stacy. Pumalakpak si Ria, supporting her friend.

I smiled sweetly at them. "Since I'm the leader, I have the right to remove you two as my groupmates."

The two of them stiffened. Nakita ko kung paano umarko ang kanilang mga kilay sa aking sinabi. In my defense, I only shrugged my shoulders.

"Tanga ka ba? Sa tingin mo papayagan ka na ni Ma'am na tanggalin kami?" Matapang na sabi niya.

"Well, edi papiliin natin mga kagrupo natin. Ako aalis o kayong dalawa 'yung tatanggalin? Siguro naman kung by group na ang desisyon, wala ng magagawa si Ma'am 'di ba?"

Mataray siyang tumingin sa mga kagrupo namin. Nanlisik ang mga mata ni Stacy nang makitang walang tumitingin sa kanya sa grupo namin.

I clasped my hands. "So guys, aalisin niyo ba ako o silang dalawa ang tatanggalin natin?"

Umiwas ng tingin ang ilan sa mga kagrupo ko. Some of them though voice out their opinions so that we can get started.

"Sila...na lang, Zaf."

"Sorry Stacy,"

"Stacy, Ria...may ibang grupo pa naman."

Nalaglag ang mga panga ni Stacy at Ria. They looked at me with disbelief.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon