Kabanata 1

1.3M 33.2K 32K
                                    

Kabanata 1


ANO BA IYON? Parang may umaalulong na aso?Napahinto ako sa aking paglalakad nang matanaw ko'ng may ka-chuk-chakan na naman si Bayug sa kalsada. Nag-init agad ang ulo ko. Lintek kasi, kaliit-liit ang lakas kumayog.


"Shoo! Bayug, uwi!" si Bayug pala ay itong aso namin.


Napaungot na lang si Bayug at nasa hitsura nito na nabitin. Ang laki kasi nitong asong gusto niyang iskoran gayong maiksi lang naman ang mga paa niya. Ni halos hindi nga siya makasampa sa likuran nito.


"Shoo! Uwi!" hayun at nagtatakbo sya pauwi sa bahay naming walang pinto. Ewan ko ba kung bakit ganito ang pagkakagawa sa aming tahanan. Kami lang yata sa lahat ng bahay sa mundo ang walang pinto.


Mabilis akong pumasok. Sinalubong agad ako ng step-father ko na si Amang. "R-Rosenda, kanina ka pa?" tanong nya.


"Kararating ko lang po," magalang kong tugon.


"Oh, eh... ano pang tinatanga-tanga mo dyan? Maghugas ka na ng plato bago pa langgamin ang mga iyon."


Ngumiti ako. "Sige po. Diretso na po ako sa kusina, Amang."


Ni hindi niya inintindi 'yung sagot ko, kasi tinalikuran na niya ako. Pagpunta ko sa kusina, bumungad sa akin ang tambak na hugasin sa lababo. Pagod ako sa trabaho 'tapos heto ang sasalubong sa akin. Sanay naman na ako sa ganitong trato nila sa akin na para akong ibang tao, pero nakakalungkot pa rin. 


Nang mapadaan si Mama sa kusina ay napasimangot agad siya. "Rosenda, bilisan mo diyan. Parating na si Ruby!" pagkasabi niya ay dumeretso na siya sa banyo.


Napapailing na lang ako. Si Ruby ay kapatid ko sa ina. Anak siya ni Amang. Bale ako iyong anak sa labas. Isang German ang nagsamantala kay Mama nang magtrabaho siya abroad. Ako ang naging bunga ng pananamantala na iyon. Pag-uwi niya, buntis na siya. Galit na galit si Amang pero sa huli ay napatawad niya si Mama — maliban sa akin. Kasi hanggang ngayon ay galit sa akin si Amang although wala naman ako'ng kasalanan.


Nang makatapos ako ng high school, hindi na ako nag-college. Nagtrabaho agad ako para maipagpatuloy ang pag-aaral ng sumunod ko'ng kapatid na si Ruby. Promoter ako ng isang product like shampoo at ilang cosmetic products. Para na ring pagmo-modelo pero live ko iyong ginagawa sa isang private event ngunit hindi nga lang televised.


Narinig ko'ng tumunog ang aking tiyan. Badtrip kasi iyong nakasakay ko sa bus, ninakaw 'yong sandwich ko. Wala tuloy ako'ng hapunan. "Ma, natirhan nyo po ba ako'ng pagkain?" lumapit ako sa kanya.


"May pagkain pa diyan kaso kay Ruby na lang iyon, napasarap kasi kami ng kain kanina kaya nakalimutan ka na naming tirahan."


Napayuko na lang ako. Alangan namang ipakain nila sa akin iyon gayong mas itinuturing nilang anak si Ruby kaysa sa akin. "Matutulog na po ako,"


Napayuko na lang ako. Alangan namang ipakain nila sa akin iyon eh mas itinuturing nilang anak si Ruby kaysa sa akin. "Matutulog na po ako."

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon