Kabanata 9

68 4 0
                                    

"Meleisha.. hija pakiabot nga ng tuyo." Suyo ni mommy Carolina.

May tinatawag kasi silang family bonding tuwing weekend para daw kahit isang beses lang sa isang linggo ay magkikita Kita parin kami kaya heto kami ngayon sa bahay nina mommy at daddy kasama si Louella para mananghalian nang sama-sama.

"Saan po nakalagay?" Tanong ko.

"Nasa loob ng aparador." Sagot nito kaya inilibot ko ang tingin at hinanap ang aparador na sinasabi nito at mukhang ang aparador sa itaas ng lababo ang tinutukoy nito.

Tumalima naman ako doon para abutin iyon pero hindi ko inaasahang may kataasan pala ang aparador kaya hindi ko Makita ang loob ng aparador kahit maabot ito ay hirap na hirap na ako.

"Xaviar.. anak.. pakitulungan nga ang asawa mo. Mukhang hindi niya abot ang tuyo." Rinig kong utos ni mommy kay Xaviar.

"H-Hindi, kaya ko na po ito." Agap ko at pilit na inaabot ang aparador.

Balak ko sanang kumuha ng bangko para gawing tungtungan pero hindi ko na ito nagawa nang pag-atras ko ay may mabangga akong matigas na bagay.

Nang lingonin ay napaabante ako kahit wala nang espasyo dahil si Xaviar pala ito na salubong ang kilay na nakatingin lang sa taas ng aparador habang hinahanap ang tuyo.

Asiwa naman ako sa pwesto naman ako sa pwesto naming dalawa dahil heto ako at nakatukod lang ang kamay sa lababo habang gitgit ni Xaviar.

Napapikit ako dahil Ang awkward talaga ng posisyon namin lalo na at mas ginigitgit ako ni Xaviar dahil napapaabante ito.

"I saw nothing mom." Xaviar na medyo asar na.

"Naandiyan lang yan sa pagkakaalala ko eh," tugon ni mommy.

"Tsk." Asik nito at pinagpatuloy ang paghahanap.

Humarap ako dahil hindi ko na talaga kinakaya ang ilang sa pwesto naming at balak sanang umalis nalang sa harap nito pero parang mas napalala pa ata dahil ang bumungad sa akin ay ang mabango nitong dibdib.

Ano kayang pabango nito at parang nakakaadik naman ata sa pang-amoy?

Unti-unti akong tumingala rito at nakita ko ng mas nalapitan ang gandang lalaki nito, mula  sa mga mata nitong nanghihipnotismo, sa ilong nitong may katangusan at panghuli ay ang mga labi nitong nang-eengganyong mahalikan-- ay ano ba yan Celina! maghunus dili ka! hindi ka naman dating ganyan. Suway ng aking isipan.

Pinagpapantasyahan ko ba ang asawa ni Meleisha? hindi, hindiii! 

Salubong parin ang mga kilay nito at parang asar na.

"Aay!" 

Sobrang bilis ng pangyayari at namalayan ko nalang sobrang lapit na ng mukha ni Xaviar sakin. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga labi namin at nagtatama na ang ilong namin.

Nakatukod ang mga kamay nito sa magkabilang gilid ko habang hindi sinasadyang napahawak ako sa mga braso nito bilang suporta. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, para itong nagdaan sa ilang kilometrong pagtakbo sa sobrangwala pang lalaking nakalapit ng ganito, si Miko lang na kapatid ko pa.

Kita rin ang bahagyang paglaki ng mata nito sa gulat. Nagkatitigan kami ng ilang segundo.

"Sorry... Nadulas lang.. Hehehe..."

napalingon kami sa nagsalita at nakitang si Louella na may hilaw na ngiti at naka-peace sign pa.

Nadulas? pinagloloko ba niya kami? nadulas pero nagawa pang itulak si Xaviar? ang sabihin niya sinadya ang lahat ng ito.

LIFE CHANCES [ON-GOING]Where stories live. Discover now