CHAPTER 47

1.1M 41.9K 96.1K
                                    

CHAPTER 47

"I'M REALLY sorry, Yaz," sambit ni Randall.

Nagmamadali kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at sinuot ang shades nang makitang papunta na sa gawi namin sina Keziah at Maxwell. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga matang nakatuon sa kanila. Naroon ang paghanga, lalo na ng mga kababaihan kay Maxwell.

Gano'n na lang tuloy ang pagtataka ng dalawa nang makitang nakasalamin na ako. Tahimik na rin si Randall. Sa paraan tuloy ng pagtingin sa 'min ni Maxwell ay halatang pareho kaming may malalim na iniisip.

"Eat," ani Maxwell na inilapag ang plate ng pagkain sa harap ko.

"Thank you," parang maiiyak na namang sabi ko.

Naupo siya sa tabi ko. "Are you okay?"

"Of course!" magiliw kong sagot pero traydor ang boses ko.

Hindi man niya nakikita ang mga mata ko ay napatitig siya sa 'kin, tila inaalam sa ngiti ko kung totoo ba ang sinagot ko. Nilingon niya si Randall, nagtatanong. Nang walang makuhang sagot ay saka siya muling sumulyap sa 'kin. Hindi ko inaasahang iaakbay niya ang braso sa silya ko.

"Kulang sleep?" tanong niya, parang hinaplos ang puso ko.

Umiling ako. "Kumain na tayo." Hinarap ko ang pagkain. Nahihirapan man ay sinimulan kong kumain.

Pakiramdam ko ay nag-iba ang panlasa ko. Wala na doon ang atensyon ko. Paulit-ulit kong iniisip ang mga sinabi ni Randall. Tuloy ay hindi ko napigilang balikan ang mga nangyari nang gabing iyon. Mula sa lahat ng naramdaman kong pagtatampo hanggang sa sabihin niyang magde-date kami. Mula sa pagtawag ng restaurant staff hanggang sa makarating ako doon. Mula sa paghihintay ko hanggang sa paulit-ulit kong pagtawag sa kaniya. Mula sa pagdating ni Maxrill hanggang sa sandali namin sa tabing-dagat. Mula sa pag-uwi hanggang sa pag-uusap namin ni Maxwell. Mula sa natural niyang yabang hanggang sa pangunguwestiyon sa sarili niyang kahalagahan. Mula sa kanyang kakayahan hanggang sa sarili niyang kakulangan. Mula sa pagluha ni Maxwell hanggang sa kaniyang paghagulgol nang umalis ako. Lahat 'yon bumalik sa isang iglap sa isip ko.

Sa isang palihim na sulyap ay napatunayan ko ang sinabi ni Randall. May suot ngang gold ring si Maxwell, hindi man ganoon kalinaw sa 'kin ang detalye niyon. Pakiramdam ko ay isinisigaw no'n kung gaano katindi ang nararamdaman sa 'kin ng nagmamay-ari niyon.

Hindi ko naiwasang isipin kung ano ang naramdaman niya nang gabing iyon. Ang katotohanang nagplano siyang mag-propose ngunit hindi nakarating dahil sa emergency na idinahilan niya sa 'kin. Ni hindi ko tinanong kung ano iyon. Naaalala ko pa kung gaano kabigat para sa kaniyang idahilang may emergency. Na para bang siya mismo ay nagsasawa na rin sa paulit-ulit niyang dahilan at nahihiya nang ulit-ulitin 'yon sa 'kin.

Ang katotohanang pumunta siya ngunit nakita ako sa piling ng kapatid niya ang higit na dumurog sa puso ko. Tila ginantihan ako ng isiping 'yon nang maramdaman kong gumuhit ang sakit at lungkot nang subukan kong hulaan ang kaniyang naramdaman. Ang magkakahalo niyang pagod, pagmamadali, excitement, gulat, pagtatanong at pagkawasak ng puso ang nagdulot nang mas matindi pang pagsisisi sa 'kin.

Fuck you, Yaz! Kung mag-isa lang ako sa lugar na 'yon ay talagang namura ko nang mas malakas pa doon ang aking sarili! Wala akong kasingtanga!

Napuno ng pagsisisi ang puso't isip ko. Paulit-ulit akong umiling na para bang hindi ko matanggap na ganoon katindi ang sakit na idinulot ko. Kinukwestyon ko ngayon kung nasaan ang karapatan ko. Lahat ng dahilan ng pagtatampo ko, lahat ng nagawa kong kasalanan, hindi maipapantay sa ibinigay kong sakit sa kaniya. Nagkamali ako nang isiping ako ang higit na nasaktan. Nagkulang siya sa oras ngunit nagkulang ako sa pang-intindi. Naghangad ako nang sobra nang hindi iniisip kung hanggang saan lang ang kaya niya. Naghanap ako ng iba gayong sobra-sobra siya.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon