Universe 5: Summer Camp Registration

4.1K 292 77
                                    


ZEN

Nagising ako sa katok sa pinto. "Ma, bababa na ako mamaya!" sigaw ko. Nang tingnan ko ang orasan, alas-siyete pa lang ng umaga. I've been sleeping longer since Elaine died. Well, sleep is for the lonely indeed.

"Nakita ko si Rozend kanina na nagdidilig ng halaman. Sabi niya, ipaalala ko raw sa 'yo na magre-register kayo mamaya sa Summer Camp. Alas-nuwebe," masayang sabi ni Mama sa labas ng silid ko. Mahinang napaungol ako dahil sa pagkainis. Oo nga pala. Simula nang pumayag akong maging kaibigan siya palagi na lang siyang nangungulit. Next week na ang summer camp at pwede ng magregister ngayon.

Pero bakit pa niya kailangang iparating sa Mama ko ang mensahe ko kung pwede naman niyang i-text? Siguro dahil hindi ko rin papansinin ang mensahe niya.

Nag-unat-unat muna ako bago bumangon sa kama. "Bababa na po ako," saad ko. Rozend is breaking my habit of long sleeps since he came in this town.

"O sige! Kumain ka na," masiglang saad ni Mama. She is happy of the changes these past few days.

Nagsepilyo ako at naghilamos. Nagsusuklay ako ng buhok habang pababa ng hagdan, suot ang pantulog at pajama ko.

Nang mapansin ako ni Josh, agad siyang ngumiti sa 'kin. He's sitting on the sofa while strumming on his guitar with his still messy hair and an innocent curious look. He's trying so hard to listen to every note while changing his finger's position from chord to chord. My father bought a guitar for him yesterday because of his sudden interest in music. Si Rozend ang may kasalanan.

"Aga mong nagising, Ate Painter," he commented. Ngumiti ako sa kanya at nilapitan siya. Marahan kong ginulo ang buhok niya.

"Talagang pinag-iigihan mo ang paggigitara ha!"

Mahinang tumawa si Josh. "Wala kasing magawa. Saka kailan mo ba itutuloy ang pagpipinta sa silid mo? Tutulong ako sa spray painting!" masiglang wika niya. I'm not really sure why but it seems my whole family is made of sun. I just noticed that everyone's smiling so brightly and I'm the only one who's gloomy. Ampon ba ako?

Maybe there are really circumstances that can drastically change a person. Sometimes life is just getting out of hand.

Marahang pinisil ko ang pisngi niya. "Saka na," kibit-balikat na sagot ko. At dumiretso na ako sa dining table upang kumain. My mother is cleaning utensils in the kitchen sink and she smiles at me when our eyes meet.

"The summer camp is one month long, right? Mamimili ka ba ng mga gagamitin mo? Canvas? Oil paints? Palettes?" she asked energetically. "Samahan ba kita o sasama sa 'yo si Rozend?"

"Ma, mukhang mas excited ka pa kaysa sa 'kin," napapailing na saad ko pero hindi ko maiwasang mapangiti. I like how she's being so supportive. Not all parents do that. I'm just glad that she's my mother. She's a patient and loving one.

"Did you just smile?" nakangiting tanong sa 'kin ni Mama at inilapit pa niya ang mukha niya sa 'kin upang mas mapagmasdan akong mabuti. Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin. "Masaya ako at medyo nagiging maayos ka na simula ng dumating sina Rozend. I hope you'll make more friends in the summer camp. You only live once so make the most out of it, alright sweetie?"

Marahan akong tumango. Yes. She's right. We only live once. And I just realized that Elaine missed a lot in this lifetime. Maybe I shouldn't waste my life after all. Maybe I should live for the things she couldn't live for. Maybe she would be able to experience things through me. Like she's living inside me. I want to live with this resolve right now.

"Smile more. Sincere and honest," she reminded me with a fresh smile. Ipinagpatuloy na niya ang paglilinis ng kusina. Nang matapos akong kumain, hinugasan ko na ang pinagkainan ko at tumulong kay Mama sa paglilinis. Pagkatapos ay naligo na ako dahil tiyak na mamaya lang ay susulpot na sa bahay namin si Rozend. Masyado na siyang at home sa bahay namin.

The Universe and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon