TSM 11

1.1K 25 1
                                    

Minsan naisip ko,
What if hindi 'yon ang choice na pinili ko?
What if hindi ako bumalik?
Iiwan pa rin ba ako?
Mananatili ba 'yong mga taong mahal ko?
Puwede bang may second chance?
Baka sakaling kahit iwan nila ako, mananatili sila sa paligid ko.

•••

"𝙲𝚘𝚕𝚕𝚎𝚎𝚗'𝚜 𝙿𝙾𝚅"

"Sinisi mo pa rin ang sarili mo?" Umupo siya sa tabi ko.

"Kasalanan ko naman talaga." Walang buhay kong sagot at nanatiling nakatulala.

"Hindi ka naman Diyos, hindi mo hawak buhay nila, Hay naku kaya ayaw ko mag-asawa ng doctor. Bakit mo naman naisip na kasalanan mo ikaw ba ang pumatay?" Umiling ako sa tanong niya.

"Nagkagulo simula noong dumating ako. P-palagi nalang akong iniiwan." Wala sa sarili kong sagot. Kung anong iniisip ko ay siya rin ang lumalabas sa bibig ko.

"Teka parang may iba ka pang pinagdadaanan ah."

Ipinikit ko ang aking mga mata at bahagyang tinignan siya.

"Kapag naulit 'yong sakit bumabalik 'yong nakaraang sakit na napagdaanan ko."

"Hindi kita maintindihan pero, kaya bumabalik ang sakit kasi hindi pa magaling 'yong dating sugat. Kung baga sa lobo kapag inihipan mo hindi lolobo kung may butas. At kapag may butas ulit na panibago at hindi mo tinakpan ang naunang butas, patuloy kang magbubuga ng hangin hanggang kapusin ka at mapagod."

Suminghot ako at bahagyang natawa at kinuha ang unan at nilagay sa lap ko. Nasa kama ako ngayon at nakasandal sa headboard.

"Bakit ka maghihirap magpalobo hanggang kapusin ka kung may balloon air pump naman?-aray!"

Hinampas niya ako at pumitik sa ere.

"That's what you called plan B! Kasi ganito, wala na sila okay? Hindi naman ibig sabihin no'n titigil na ang mundo mo."

"Paanong hindi? Alangan magsaya ako eh namatayan ako ha?"

"G*ga ka ba? Pansin ko lang lahat ng namamatayan nagpapakamiserable. Haller? Hindi ba dapat magsaya kayo kasi magpapahinga na sila sa kaguluhan dito sa mundong ibabaw? Ang OA ha. Kapag ikaw namatay magpapacake ako-joke lang." I glare at her. Ngumiwi siya at umurong ng konte papalayo sa akin.

"Sinong tang* ang gagawin 'yon?"

"Haish, oo na oo na ako na ang t*nga okay? Ayusin mo na ang sarili mo. Wala na si Hannah mapapasayo na si Levi mo." I tsk. Hindi kasi gano'n 'yon.

"Hoy anong mukha 'yan?" Sinilip niya ang mukha ko kaya inirapan ko siya.

"Hindi kasi gano'n 'yon. Oo I still do love Levi, pero mali naman na i-take for granted ko 'to."

Sinalat niya ang noo ko, tinampal ko naman ang kamay niya.

"Stop it Elyza seryoso ako."

The Secret Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon