Kabanata 32

25K 830 86
                                    

" So what exactly happened?" Tanong ni Theo pagkapasok sa V.I.P. room na kinalalagyan namin. May dala siyang tray ng mga baso at shot glass.

Kumakain si Erick ng snacks, magkausap sina Steven at Devon, nasa cellphone ang atensyon ni Zeke habang si Keian, nakasandal sa balikat ko habang nakayakap sa akin mula sa likod. Nakapikit.

Binaba ni Theo ang tray tsaka umupo sa tabi ni Erick. Tumingin kaming lima kay Theo. Sabay na bumuntong hininga ang apat na lalaki.

" Some civilian was caught up in our operation, kaya kailangan may gawin kami" sagot ni Devon na nakakrus pa ang braso sa dibdib. Tumingin sa kanya si Erick nang hindi makapaniwala.

" Really? Pero nahuli ka talaga. Dinamay lang nila yung mga civilians kasi gusto din nila akong hulihin" Napasinghap si Devon at tumingin nang masama kay Erick.

" Hoy! Hindi ah!"

" Kaya niyo naman na sarili niyo eh, bakit tumawag pa kayo ng backup?" singit ni Steven na nakanguso.

" Sus. Nagalala ka lang talaga sa kanila eh" pinanlakihan ng mata ni Steven si Theo na nakangiti dito. 

" Hindi ah!"

" Okay lang iyan, Steven. Mahal ka din namin" inosenteng tinapik ito ni Erick sa likod na parang bata.

" Erick! Yak! Kadiri ka!" Napangiti ako habang pinapanood silang magaway. Ang kulit.

" Tsk. So noisy. Kailan ba ako makakapagpahinga mula sa kanila?" naiinis na sabi nung lalaking mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. Sakrastiko akong ngumiti dito.

" Pwede bang pakialis muna yung braso mo sa akin?" umiling siya. Parang bata lang?! Seriously! Kanina pa siya PDA! Parang kamatis na kaya ako dito. Hindi pa ako makagalaw nang maayos. Nakakainis pala talaga siya.

" No. I'm tired. Let me rest" maikling saad nito. Napatampal ako ng noo tsaka bumuntong hininga.

" What am I to you anyway?" medyo natigilan siya sa sinabi ko pero bumalik sa malamig niyang ekspresyon. Dapat pala hindi ko nalang tinanong iyon. Alam ko naman na pala ang sagot.

" You're my maid" umiwas ako ng tingin sa kanya. Sabi na eh. I'm not supposed to feel this pero and bigat sa dibdib.

" Ow. Maid nga pala" kagat labi kong sabi. Tumaas ang ulo niya tsaka hinawakan ang baba ko para iharap sa kanya.

" And the girl I want to look at everyday. The girl I want to be with" Ehh? Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Bakit? Ano mayroon sa sinabi niya? Bakit yung dibdib ko masakit kanina pero ngayon mabilis na ang tibok ng puso ko at may kung ano din sa may tyan ko. Huh? May masama ba akong nakain?

" Hayyy. We get it okay. Oo na. Wala kaming girlfriends, magisa lang kami kaya huwag kayong mag-ganyanan sa harap namin!" tumayo si Devon at tinuro pa kami. Nahihiya akong napatungo.

" You're not alone. My mafia is there for you" napalingon ako sa sinabi ni Keian. Did he just say that?

" HIndi mo gets, Kei. Girlfri---- teka, ano sinabi mo?" lahat ng mata namin ay nakatuon kay Keian na sinusubukang manatiling blangko ang ekspresyon pero napansin ko na medyo nangingiti siya.

" Nothing. Just forget I said anything"

Nagkatinginan kaming anim tsaka sabay sabay na tumawa.

" Awww. Ang sweet ni maître" tinignan nang masama ni Kei si Steven na nagpeace sign lang dito. I think, I can manage to be with them for a while.

-------------

It's been days nung nasa bar kami ni Theo, na kinabukasan lang nung araw na iyon, ko lang narealize na siya pala may-ari noon. Pero hindi na ako nagulat, sa yaman ba naman nila eh. Ngayon, nakahiga ako sa kama ko sa maid's quarters at kaharap ang phone. Nagv-vc kasi kami nila Tiya. Tulog na si Brylle kaya hindi ko siya kausap ngayon.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon