Bloody XII - First Mission

8.1K 327 49
                                    

Sheerina

"Ang hanapin si Nasqued... malugod nyo bang tinatanggap?" Tanong sakanila ng Principal. Nang tumingin ako sakanila, lahat sila, nagtitinginan.

Parang nag-uusap sa pamamagitan ng mata.

"Im in!" Sigaw ni Meridette at parang naeexcite pa.

Napansin ko naman na lalong lumawak ang ngiti ni Elliot.

"Time for action!" Sigaw nya at hinawakan ang balikat ni Daemon at Sick. Ginawa nya itong hawakan para makatalon ng mataas.

"Sali din ako!" Nakangiti ring sabi ni Veruca. Nilingon sya ni Sick.

"Hindi to laro para lang sabihin mong 'sali din ako'." Madiin at maotoridad nyang sabi. Kumaba ang dibdib ko ng dahil don.

"Seryoso ako." Yung kaninang bubbly na Veruca, biglang ngumisi at tumingin kay Sick.

"Bahala ka." Sabi ni Sick at umirap. Iyon nalang ang nasabi nya dahil siguro desididong sumali si Veruca.

Biglang pumasok sa isip ko yung dalawang top blooder noon, yung isang babae't lalaking mabait sakin.

Sayang lang at hindi sila nakapasok.

"Kung ano desisyon ng grupo, don ako." Sabi ni Levicarl na parang bored na bored. Siguro hindi sya interesado sa ganitong mga bagay.

"Ikaw ang magdesisyon sa sarili mo, idiot." Umiirap-irap na sabi ni Meridette sakanya. May point si Meridette, dahil mas mabuti nga kung ikaw mismo ang magdedesisyon sa sarili mo.

"I don't care." Bored na bored pa rin na sabi ni Levicarl kay Meridette. Umirap ulit sya.

"Duh, im advising you, idiot." Parang naiinis na sabi ni Meridette.

"I don't need your advice." Parang medyo napipikon na din na sabi namna ni Levicarl.

"Levicarl will go, so are, Veruca, Elliot, Meridette, at ako." Seryosong sabi ni Ashton, at sa sobrang tapang o sa sobrang lamig ng boses nya, napalunok ako ng wala sa oras.

"Ano? Daemon? Di ka sasama ha?" Makulit na tanong ni Elliot kay Daemon.

Tinanggal ni Daemon ang pagkakahawak ni Elliot sa balikat nya.

Pero sa halip na matanggal, biglang niyakap ni Elliot si Daemon.

"Di ka sasama o mananatili akong ganito? Sayo?" Nakangusong tanong ni Elliot. At oo, ang cute nya.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ko!" Sigaw ni Daemon dahil sa pagkakayakap sakanya ni Elliot.

Sa halip na sumagot at bitawan si Daemon, ikinaliwa't-kanan nya lang ang ulo na nagpapahiwatig na 'hindi'.

"Di ka bibitaw?" Nagbabanta ng tanong ni Daemon.

"Sasaktan mo ko?" Mas lalong humaba ang nguso ni Elliot, at ang mata nya, parang nagpapaawa.

"Hays..." Sumusukong sabi ni Daemon.

"Kasali din si Daemon!" Sigaw ni Elliot at bumitaw na sa pagkakayakap.

"Im in too." Sabi naman ni Sick at inakbayan sya ni Elliot.

"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni Ashton at sabay sabay nag-tinginan ang mga kasama nya kay Chaos.

Itinaas ni Chaos ang dalawang kamay senyales na sumusuko na sya.

"Oo na." Sabi nya at nagtanguans sila.

"Pero paano natin magagawa yon?" Biglang tanong ni Raven. Nagulat ako dahil hindi ko napansing nandito pa pala sya.

"Nandyan ka pa pala?" Tanong ni Meridette kay Raven. Pero hindi sya pinansin nito.

"May naikwento sakin si Sheerina. Na kung nais nyang makita si Nasqued, maaari mo syang ipadala sa lugar kung nasaan ang kaibigan nya." Paliwanag ng Principal at nagsiseryosohan naman sila. Si Raven at tumingin lang sakin.

"Kaya ko ho." Matigas ang pagkakasabi nya.

"Kung ganon, hindi tayo mahihirapan makapasok sa lugar na yon." Sabi ng Principal na medyo nakangiti dahil hindi na problema ang pagpasok sa ibang dimension.

"Pero mahihirapan tayong makalabas." Seryosong sagot ni Raven. Biglang may tensyon na bumalot sa loob ng silid na ito.

"Yung mga naipadala ko don, walang senyales na nakabalik na sila. At sa loob ng dimensyon na iyon, maraming halimaw ang makakasagupa. Dahil ang dimensyong tinutukoy ko, ay ang sinumpang dimensyon." Nakakakaba nyang paliwanag. Yung puso ko lalong bumilis ang pagtibok. Maging ang Principal ay parang nagulat sa sinabi ni Raven.

"Raven, paano mo natutunan ang ganyan?" Nagugulat na tanong ng Head Master.

"Ano po ba ang sinumpang dimensyon?" Tanong ni Mia. Tumingjn naman ang Head Master samin.

"Sa sinumpang dimensyon, noon, doon itinatapon ang mga makasalanan, at iilan lang ang may kakayahang buksan ito. Kabilang si Raven sa iilan na tinutukoy ko. Mahirap ngang makalabas dito. Ngayon, tutuloy pa rin ba kayo?" Nangangambang tanong ng Principal. Parang umatras ang dila nung iba dahil walang nakapagsalita.

"Tutuloy ako. Para sa kaibigan ko." Matigas na sabi ko. Humakbang naman palapit si Elliot sa harap.

"Tutulungan kita." Nakangiting sabi sakin ni Elliot.

"Ganon din ako."

"Ako din."

"Tutulungan ko ang friend mo, hindi ikaw."

"Geh."

"Kung san ang grupo, don ako."

Pag-sama ng mga nandito. Nakakatuwa dahil hindi lang pala ako ang haharap sa dimensyon na yon, dahil 'kami' ang haharap sa sinumpang dimensyon.

"Sasama ako para masiguradong hindi ka nila sasaktan. Dahil ako ang papatay sayo." Matalas ang matang sabi ni Sick. Itinaas ko ang baba ko na parang nagmamalaki.

"Then it's decided. Ngayong gabi na ang alis nyo. Excuse kayo sa klase, test, o kung ano pang activity hanggang sa makabalik kayo. I am giving you all, my permission." Seryosong sabi ng Principal at tumango lang kami.

"Magsikuha na kayo ng gamit nyo, dahil itong misyong ito, siguradong magtatagal." Sabi ng Head Master at ganon nga ang ginawa namin.

Mabilis lang kaming nagempake at nagkita-kita na kami sa field.

"Handa na ba kayo?" Tanong samin ng Principal at tumango naman kami.

"Kung ganon... Raven?" Pagtawag ng Principal kay Raven. Humarap samin si Raven.

"Aaaaaaaah!!!" Sigaw nya at bigla syang lumutang.

Bigla din syang napalibutan ng mga uwak!

At yung langit, nagkaron ng mga kidlat!

"Raven! Sa tingin ko dapat na natin itong itigil!" Sigaw ni Meridette! Medyo mahina ang boses nya dahil sobrang lakas ng hangin!

"Aaaaahh!!!" Sigaw ni Raven at pinapalibutan kami ng maraming maraming uwak! Yung buhok namin, wumawagayway!

"Aaaah!!!" Sigaw nya pa at lalong lumakas ang hangin! Wala na kong makita kung hindi ang mga uwak na nakapalibot samin!

"Aray!" Sigaw ko dahil kinakagat kami ngayon ng mga uwak!

"Ouch! Shu!" Sigaw ni Meridette!

Hanggang sa unti-unti na silang nawawala.

Unti-unti na silang umaalis.

At sa pagkawala nila, akala namin, liwanag na ang masisilayan.

Hindi pala.

Akala ko, ang Bloody Hell University ang impyerno.

Ito pala.


Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon