CHAPTER 49

1.2M 48.7K 151K
                                    


CHAPTER 49

NARAMDAMAN KO ang ilang daliri ni Maxwell na pumasok sa gilid ng shirt ko. Pinupuntirya ang kiliti ko sa tagiliran. Mas napakapit ako sa gitara para pigilan ang sariling gumawa ng anumang ikasisira ng sandaling 'yon. Umawang ang labi ko at hinayaan ko si Maxwell na magpalitan ng halik sa itaas at ibabang labi ko gamit hindi lang ang labi. Sobrang bagal, sobrang banayad, bahagyang dumiriin at ninamnam nang mabuti. Mas dumiin pa ang pagkakapikit ko nang bahagya niya 'yong kagatin.

Naramdaman ko nang bitiwan ni Maxwell ang mga labi ko. Pero sa sobrang sarap ng pagkakahalik niya ay hindi ko na naimulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay dinala ako niyon sa ibang dimensyong hindi ko pa narating noon. Marahan akong nagmulat nang tumawa siya pero hindi ko magawang mahiya. Hindi ko maramdaman ang pagkapahiya. Hinayaan kong makita niya ang naging epekto sa 'kin nang ganoong halik.

"Hmm?" aniyang hinawakan pa ang labi ko.

Napangiti ako bagaman gusto ko pang pumikit ulit. Gusto ko pa 'yong namnamin. "Libro rin ba ang nagturo sa 'yo no'n?" Pakiramdam ko ay nanghina ako.

Umangat ang gilid ng labi niya. "Ikaw na."

Tumaas ang kilay ko. "Kelan naman kita tinuruang humalik nang gano'n kasarap?"

"So, you like it?" Nakagat ko ang labi ko at magkakasunod na tumango. Ngumisi siya. "Hmm."

Ngumuso ako saka napatitig sa labi niya. "I like your lips."

"My lips or my kiss?"

"Both!" agad kong sagot.

Ngumiwi siya. "Why?"

"Because..." nag-isip ako nang naroon pa rin ang paningin. Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ang epekto niya kanina lang. "I want more..." pabulong kong sabi, ang paningin ay naroon pa rin.

Hinawakan niya ang pisngi ko. Umawang ang labi ko nang mapanood siyang marahang lumapit. Pero gano'n na lang ang pagpikit ko nang bumukas ang pinto at pareho kaming mahinto.

"Oh, great," tinig iyon ni Maxrill. "You want me to leave?"

Sumama ang mukha ko sa matalas na tingin at ngisi ni Maxwell, nang-aasar. "What do you have there?" tanong ni Maxwell, ang paningin ay nasa pagkain.

Sa halip na sumagot ay binuhat ni Maxrill ang mesa papalapit sa kama niya. "A lot of whatevers." Hinarap niya ang kapatid. Namulsa siya saka tiningnan ang ulo at kamay nito. "You look so weak," nang-aasar niyang sabi.

"Shut up. Feed me," utos ni Maxwell.

Awtomatiko akong tumayo. "Ako na," ngiti ko.

"Stay beside me," angal ni Maxwell. "Let him do it."

"Is it possible to bring Hee Yong here?"tanong ni Maxrill, ang paningin ay inililibot sa kwarto.

Ngumiwi si Maxwell. "Nope."

"Why?"

"Because the hospital isn't ours, Maxrill."

"Hmm," ngumiwi si Maxrill saka naupo sa kama ng kapatid. Sa gawi ng injured arm nito!

"Off!" singhal ni Maxwell.

"Sorry," tumayo si Maxrill at lumipat kung saan ako nakaupo kanina. "I'm going to sing you a song, hyung."

"No."

"Yes," ngiti ni Maxrill saka nagsimulang tumugtog. May kabagalan ang tono, ang sarap pakinggan.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon