Chapter 29: Welcome

1.5M 42K 34.5K
                                    

Candice's Point of View


"READY KA NA ba?" tanong sa akin ni Jeydon. Hindi ako sumagot kasi hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. "Ipapasok ko na, ha?" tanong niya ulit sa 'kin.

"'Wag!" sigaw ko. Kinakabahan talaga ako at parang ayoko pa. "Hindi pa ako handa."

"Anong problema? Natatakot ka ba?" Hindi ako makatingin sa kaniya kasi tama siya, natatakot pa rin ako. "'Wag kang mag-alala, akong bahala sa lahat," sambit niya.

"Sige, ipasok mo na. May tiwala ako sa 'yo at alam kong hindi mo ako papabayaan," mahinahon kong sabi.

Ipinasok na ni Jeydon ang maleta namin sa loob ng kotse habang ako naman ay sinisigurado na naka-lock na lahat ng bintana at pati ang back doors. Dalawang linggo rin kaming mawawala sa bahay namin. Sa pasko, sa mansion kami ng mga Lopez, at sa bagong taon, nando'n naman kami kina Mama.

Habang nagmamaneho ako ay hinawakan ni Jeydon ang isang kamay ko na nakapatong lang sa hita ko. Tiningnan ko siya sandali at ibinalik ko na ulit sa kalsada ang tingin ko. Habang tumatagal mas lalong humihigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa akin kaya nagtanong na ako. "May problema ba? Kung iniisip mo ako, ayos lang ako. Kinakabahan lang ako kasi baka galit pa rin sila sa akin kaya natatakot pa akong harapin sila."

"Pagpasensyahan mo na 'yong inaasal ni Mom at ni Ate, masyado lang silang concerned sa akin kaya sila gano'n. Alam ko naman magiging okay din ang lahat. Kailangan maging okay ang lahat bago ako umalis." Tumingin ako sa kaniya sandali at sinubukan kong ngumiti. "Alam mong ayokong umalis, ayokong iwan ka pero ayoko rin naman maging pabigat sa 'yo." Hinawakan ko ang kamay niya pabalik.

"Kahit kailan hindi ka naman naging pabigat sa akin. Masaya ako na inaalagaan ka." Ihininto ko ang sasakyan at bumusina ako sa gate. Nasa tapat na kami ng mansion ng mga Lopez. Nagsimula na naman akong kabahan. "Mukhang pumayat na si Sunny," banggit ko no'ng pagbuksan kami ng gate ni Sunny at ang soon-to-be husband niyang si Baron.

"Welcome back, younger master at Ms. Candice," bati nila sa amin. Pareho kaming ngumiti sa kanila. "Kanina pa kayo hinihintay nina Master Dave," sambit ni Baron. Sa pangalan pa lang ni Dave Lopez, kinikilabutan na ako.

Inalalayan ako ni Baron na ibaba si Jeydon sa sasakyan habang si Sunny ang nagdala ng mga gamit namin papunta sa kwarto namin. Pagbukas pa lang ng pintuan ay bumungad na sa amin si Tita Janice at si Jayshin. Lumapit agad sila kay Jeydon at niyakap nila ito. Nakita agad ako ni Jayshin kaya lumapit siya sa akin. "I miss you, Noona."

"I miss you too," sambit ko.

No'ng magtama naman ang mata namin ni Tita Janice ay agad niyang inalis ang tingin niya sa akin. Binalik niya 'yong tingin niya kay Jeydon, ngumiti siya, at sinamahan niya ang anak niya papunta sa dining area. Sumunod na lang kami ni Jayshin doon.

Pagbukas ng pintuan, bumungad sa kaliwang upuan si Troy at Ate Jaycee, sa gitna naman nakaupo si Dave Lopez at ang sama ng tingin niya sa 'kin. Napalunok pa ako sa kaba. Kakaiba talaga siya tumingin parang pinapahirapan ka na niya sa isip niya.

"Jaydee!" sigaw ni Ate Jaycee at niyakap niya si Jeydon. Tinulak niya ang wheelchair ni Jeydon papunta sa tabi ng upuan niya. "Miss na-miss ka na namin," sambit niya pero hindi siya makatingin sa 'kin. Para tuloy akong nasaktan.

"Miss ko na rin kayong lahat, Noona," nakangiting sabi ni Jeydon pero hindi pa nagtatama ang mata nila ng Daddy niya.

Umupo na kaming lahat. Tumabi si Jeydon kay Ate Jaycee habang ako nasa tabi lang din ako ni Jeydon pagkatapos si Jayshin at Tita Janice naman nakaupo sa harapan namin. Tahimik lang si Dave Lopez at ayoko ng ganito mas lalo akong kinakabahan.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon