Naalala mo ba ako?-5

35 21 4
                                    







Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isipan ko kung ano nga bang pwede kong iregalo kay Mr. Castallegas dahil ayoko naman na isipin niya na hindi ako karapat dapat para sa kaniya dahil sa regalo palang ay problemado na ako.

Maaga akong nagising para naman mas umaliwalas ang isipan ko. Iniisip ko 'din kung gaano kaengrande ang salo salo mamaya. Panigurado ay dadalo ang mga natataas na sundalo na kasahan o kaibigan ni Mr. Castallegas. Kaya nas kailangan ay paghandaan ko ito mamaya.

Ngayon ay kasama ko si sess at Joneick papuntang mall sakay ng kotse dahil bukod sa magpapaaalam ako na hindi makakapasok ngayong araw ay bibili ako ng damit para sa susuotin ko mamaya.

Katulad nga ng sinabi ni Jonerick ay sinundo niya ako at sinabay na si sess papuntang mall. Pero bago pa kami makaalis ay ito naman si Jonerick ay hindi parin makalimutan ang pangako ko na may kiss daw siya sa'kin.

Pero hindi parin iyon nangyare dahil sinabi ko lang iyon para tumahimik na siya sa pangungulit. Ayon ngumuso ang daya ko daw.

Hanggang sa tuluyang makarating kami ng mall ay hindi ko maiwang hindi mapasimangot dahil ang daming tumutingin kay Jonerick. Yung mga ng kababaihan sa mall na nadadaan namin ay kumikinang ang mata at hindi maalis ang pangingin kay Jonerick.

Hindi ko naman sila masisise  e napakaguwapo niya sa suot niyang black feet T-Shit na hapit na hapit sa malaki niyang katawan and simple Jeans. Nakadagdag din ang dating sa itsura niya yung maayos na lugay ng buhok at shades. Napakaguwapo niya at ang lakas makadala ng damit. Kaya tuloy yung kababaihan dito sa mall ay tingin ng tingin sa kaniya habang naglalakad kami papunta saloob.

Nakapagpaalam na din ako kay boss na hindi ako makakapasok ngayon. Nagtaka pa si Boss kung bakit hindi ako nakauniform na pang Sales Lady shirt pero naikuwento ko naman kung bakit. Agad 'din naman siyang pumayag dahil ngayon lang naman daw e.

Si sess naman ay wala sa mood magmula ng nasa bahay palang kami dahil wala daw siyang makakausap na matino mamaya. E ang sabi ko ay kausapin niya Len kaso ang hindi naman daw sila close nun kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang ngumuso na lang habang nasa biyahe.

"Ano sa tingin Mahal ko bagay ba?" tanong ko kay Jonerick nang makapunta kami sa second floor dito sa mall. Bilihan ng mga dresses.

Suot ko ngayon ay simple dress na kulay black at haggang tuhod ang haba, medyo hapit iyon pero hindi naman masagwang tingnan. Sleeveless 'din iyon.

"Kahit anong suotin mo ay babagay sayo Mahal ko. You're always beautiful in my eyes." napangiti naman ako ng malawak dahil sa sinabi niya. Lagi talagang may banat sa mga ganitong bagay.

"T-Talaga?!" paninigurado ko. Tumango naman siya at ngumiti.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa'kin. Nakagulantang ako nang biglang hawakan niya ang bewang ko medyo yumakap at isinandal ulo siya sa balikat ko.

Nahiya tuloy ako sa isang staff na nagseserve samin na ngayon ay nakatingin sa gawin namin ni Jonerick. Halatang kinilig pa iyon.

"Kahit hindi kana magsuot ng magagandang damit ay hindi nababago ay pagtingin ko sayo na ikaw lang ang maganda sa pangingin ko." namula ako dahil sa sinabi niya at sa sitwasyon namin ngayon.

Halo halo tuloy ang nararamdam ko sa buo 'kong sistema. Tumingin ulit ako duon sa may staff at nandoon parin ang tingin sa gawi namin. Ngayon medyo tumatawa na ito sa nakikita niya ngayon.

Lalo tuloy akong nahiya dahil sa ginagawa niya. Hindi tuloy nakahinga dahil 'dun.

"S-Salamat." hirap na pasabi ko habang nasa loob ko parin ang matinding hiya.

NAALALA MO BA AKO? (Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon