Chapter 7

8K 477 325
                                    

Chapter 7: Mockboard
Zanashi

"Sobrang daming kasali sa accounting! Umabot ka sa last chapter? Ako, di na kinaya kagabi, eh!"

"I've read it! Alam mo 'yung basa lang pero 'di naintindihan? Sinubukan ko pero 'di talaga pumapasok sa isip ko! Binasa ko na lang kasi baka biglang maalala sa exam, di ba?"

"Kinakabahan nga ako masyado! Sa theory lang ako nag-focus. Di ko maintindihan talaga ang ibang problem solving!"

Unti-unting humina ang boses nila nang lumiko sila pakanan. Dumiretso ako sa locker area na parang nakalutang. Ang isip ko, lutang na lutang.

Bawat parte ng school, puro pag-aaral kagabi ang pinag-uusapan. Kung ilang chapters ba ang natapos, kung nag-review ba sa previous topics, kung nagpahinga ba o talagang nag-aral lang, kung natulog din ba, at kung ano ano pa.

Parang mga matitinis na boses ang naririnig ko, pumapasok sa kaliwang tenga ko, nagwawala sa loob ng ulo ko, bago tuluyang lalabas sa kanang tenga ko.

Tuwing may naririnig ako, nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko. Kung may nagtatanong sa kaibigan, sinusubukan kong sagutin sa isip ko na lalo pang nagpapa-sakit ng ulo ko.

"Airah, what if I have a husband, then I chose conjugal partnership of gains as our property relations, exclusive property ko ba 'yung mga binili ko using my own money? Exclusive money, kumbaga?"

I shut my locker loudly when I realized that I have nothing to get or place in it. Maingay ang paligid kaya halos hindi marinig ang ingay na dulot ng pagkakasara ko rito. Isinandal ko ang ulo ko sa locker.

Ba't pa ako pumunta rito? Dapat ay dumiretso na ako sa assigned room namin! Napakalutang!

"Ano ngang pinagkaiba ng void, voidable, unenforceable, and rescissible contracts?"

"Wait lang! Nalilito rin ako. Please, stop asking me anything. Masusuka na ata ako."

Ilang minuto kong isinandal ang noo ko sa locker. Nararamdaman ko ang sakit na unti-unting dumadaloy mula sa kabilang bahagi ng sentido ko patungo sa noo ko. Binuksan ko ang mga mata ko at parang umiikot ang paningin ko. Sandali kong kinalma ang sarili bago tuluyang tumayo at pumunta sa assigned room namin.

Sa corridor, para akong masusuka sa dami ng tao. Para akong masusuka habang tinitingnan ang kinakabahan nilang mukhang nakatuon sa libro, para akong masusuka habang pinapakinggan ang boses nilang tanong nang tanong tungkol sa topics, at para akong masusuka tuwing may nakikita akong estudyanteng mukhang nasusuka rin.

I've never felt like this in my entire life. Tuwing examination, kinakabahan ako pero hindi naman ganito kalala. Hindi ako napre-pressure tuwing may mga naririnig akong nagtatalo tungkol sa kung ano ba ang tama.

I'm always the confident type of student. Walang maitim na pasan pasan sa baba ng mata dahil maagang natutulog.

Pero ngayon, parang bumaliktad lahat. I don't have any idea on how to handle this situation! Alam ko namang napag-aralan ko ang karamihan sa topic namin pero parang wala akong maalala. I'm starting to feel scared. Hindi rin nakatulong ang pagpa-palpitate ko.

Hindi tulad ng lagi kong ginagawa tuwing may exam, nagpuyat ako kagabi. Wala akong kahit isang oras na tulog. Ilang kape ang ininom ko dahil ayaw kong dalawin ng antok at bago umalis sa bahay ay uminom din ako ng kape para hindi antukin habang nag-eexam.

This is my first time doing this. My first time not being able to study all our topics, my first time not having enough sleep, and my first time drinking coffee the night and an hour before our examination. It felt... different. I definitely don't want this.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now