Chapter 8

8.1K 525 357
                                    

Chapter 8: Motivation
Zanashi

I woke up feeling tired. My head was throbbing with pain but not as excruciating as what I felt awhile ago. I could also feel that the sharp beat of my heart as well as my difficulty of breathing already lessened. I closed my eyes once again to temporarily rest myself from too much thoughts.

"Ang bilis ng pangyayari, ha?" bigla akong napadilat nang marinig ang boses ni Papa. Ngumiti siya habang pinapakita ang mangkok na hawak.

"Baliktad na ngayon. Ako naman ang nag-aalaga sa anak kong may sakit."

"Papa.."

"Ayan, masyado ka atang napagod kakaalaga sa akin at sa pag-aaral mo. I've told you I can handle myself. Look at yourself, now. That's what you get from not listening to this loving father of yours."

Medyo hindi ko napagtuonan ng pansin ang mga pagmamalaki ni Papa. I looked around hoping to see things that would clarify this situation to me but all I could see are those things that I see every single day.

"Why am I in my bedroom?" I whispered to myself. Papa heard it so he explained while picking up a piece of paper on my not-so-enormous study table.

"Hinatid ka ng kaibigan mo sa bahay."

Kaibigan? Kailan pa ako nagkaroon ng kaibigan?

"Hindi ko nga rin naabutan, eh. Basta pagdating ko, may mga gamot na dito sa study table mo kasama ang note na ito."

Inabot sa akin ni Papa ang sticky note at mabilis ko itong kinuha, atat malaman kung sino ang naghatid sa akin.

Three times a day po iniinom ang gamot na ito. Nagluto na rin po ako. Pasensya na po kung 'di nakapagpaalam. - Aphra's friend

"Nagluto?"

Tumawa si Papa na para bang manghang-mangha.

"Oo, anak. Sosyalin 'yang kaibigan mo, ha? Talagang bumili pa ng mga lulutuin niya. Tikman mo. Masarap ang pagkakagawa."

He placed the spoon in front of my mouth. Maingat kong nginuya ang pagkain pero hindi ko ito nalasahan nang mabuti dahil sa matinding kuryosidad. 

"Kaibigan?"

"Oo, anak. Nakakahiya nga, eh. 'Di man lang naghintay dito para naman makapagpasalamat na rin ako sa kabutihang-loob niya.. Is there anything wrong, Aphra?"

"Ah.. medyo sumakit lang po ang ulo ko."

"Here, kumain ka nito para makainom ka na ng gamot."

Totoong sumakit ang ulo ko pero sa ibang kadahilanan. Anong kaibigan? Sinong kaibigan? Parang sasabog ang ulo ko kakaisip. At talagang sa bahay ako dineretso? I appreciate the thought of helping me but I definitely don't appreciate the thought of someone here in my house. And.. papaano niya nalaman kung saan ako nakatira? Nakakainis!

Ang inis kong iyon ay walang-wala sa pasasalamat na nararamdaman ni Papa. Kesyo napakabait daw na kaibigan iyon, napakaalaga, at kung ano ano pa. Eh, wala nga akong kaibigan!

Natigil lang ako sa pag-iisip nang matanto ang sinabi ni Papa kanina.

"Hindi niyo po naabutan?"

"Oo, sayang nga eh."

"Papa!" nagulat siya sa biglaang pagtaas ng boses ko. "Pumasok ka na naman ba sa trabaho?"

He smiled awkwardly. His eyes were roaming everywhere but me, looking like a kid caught by his mother doing naughty things.

"Papa!" ulit ko nang makitang wala ata siyang balak na sagutin ako. 

"Eh kasi.. malakas naman na ako, anak. Tingnan mo, kaya na nga kitang alagaan."

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now