CHAPTER 50

1.3M 42.4K 101K
                                    


CHAPTER 50

UMIIYAK AKONG tumitig sa singsing na iyon sa kamay ko. Sa kabila ng pagluha ko ay nakikita ko iyong malinaw. Mula sa kwadrado at malaki iyong bato sa gitna, hanggang sa maliliit pang bato pababa sa katawan niyon, lahat ng detalya ay nakikita ko. Sa pagtitig pa lang doon ay sobrang saya ko na. Nang mag-angat ako ng tingin ay lalo pa akong sumaya.

This is so fetch. I can't believe I am going to marry this guy!

Kung tutuusin ay kaswal lang naman ang pagkakatitig ni Maxwell sa 'kin. Pero hindi ko maipaliwanag kung paano kong nakikita ang pagmamahal sa mga ngiti at tingin niya. Ganoon na ba ako kabaliw o sadyang emosyonal lang talaga siya? Sobrang sarap sa pakiramdam.

Tapos mamaya...hahalikan niya ulit ako. Nakagat ko at labi saka ako napapikit ng mariin.

"Hmm?"

"I love you," nangingiti nang sabi ko.

"I love you," ngiti rin niya.

"I am going to marry you," hindi talaga ako makapaniwala.

Tumango siya. "Yes."

"I'm going to be your wife."

Ngumiti siya. "Hmm."

"Maxwell..." naiiyak na naman ako. Bago pa man tumulo ang mga luha ko ay niyakap niya na ako. "Ang tagal kitang pinangarap." 'Ayun na naman 'yong hagulgol kong tinawanan lang niya. "Nakakainis ka naman, pinagtatawanan mo 'ko, eh," nakanguso kong sabi.

Kumalas siya at sinilip ang mukha ko. "No, I'm happy you said that."

"Hindi pa rin ako makapaniwala, Maxwell,"nakanguso kong sabi. "Kahit na...alam kong may gusto ka na sa 'kin, hindi ko na-imagine na mangyayari 'to. Kasi pakiramdam ko...kahit sobrang ganda ko, napakataas mo. Ang hirap mong abutin."

Lalo siyang tumawa. "Am I that handsome to you?"

Sumama ang mukha ko. "Ibig ko bang sabihin, ang sungit mo!" bigla ay asik ko. "Sinabi ko lang na sobrang ganda ko, eh, psh."

Hinawi niya ang buhok kong nililipad ng hangin. "I can still remember the first time I saw you," sinabi niya 'yon nang iniisa-isang tingnan bawat parte ng mukha ko. "I thought you're an angel. You're so beautiful."

Ngumiti ako at nagpa-cute. "Talaga?"

Tumango-tango siya. "You're indeed the most beautiful girl I've ever seen."

"Ano ba..." pinalo ko ang braso niya.

"I like your eyes," tinitigan niya ang mga mata. "Even your nose and lips, you're so perfect."

"I love you."

"And you're mine."

"Nakakainis ka," pinalo ko na naman ang braso niya.

"Ikaw lang 'yong maingay na gusto kong pakinggan," bigla ay dagdag niya sa malambing na paraan.

Pero kahit anong lambing no'n, nawala ang lahat ng kilig sa katawan ko. "Hindi ako maingay, Maxwell."

"Well..." inosente siyang nag-iwas ng tingin, halatang kinabahan, noon lang naisip na mali ang sinabi niya. "Of course, compared to your sister, you're a little..."

"What?" hamon ko.

Tumitig siya sa 'kin nang walang makapang sagot. "Baby, I love you," sinabi niya 'yon kasabay ng bahagyang panlulumo.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon