XXI

13.3K 592 495
                                    

Fate rarely calls upon us at the moment of choosing.

~Optimus Prime






Last chapter.







Chapter 21: Will this be the end of us?







'Sometimes it was just a coincidence, sometimes destiny but, most of the time...it's you. Lagi mong tatandaan na tayo pa rin ang gumagawa ng sarili nating tadhana, sweety. Bawat resulta ng bawat desisyon na ginawa, ginagawa, at gagawin palang natin sa araw-araw ang siyang maghuhusga sa galaw ng araw natin kaya dapat alam mo kung paano ito panindigan. You choose it this way but, it doesn't mean it will be too late. It's not yet the end. You're still in the process. If you think you did wrong...then, try again, and make it right. Naintindihan kita. Minsan kahit tayo ang gumagawa ng sarili nating desisyon kung hindi naman tugma ang puso't-isip natin...things will always get messed up. And remember, things get worse before it gets better. Normal sa tao ang magkamali. Minsan kailangan din natin yun para mapagtanto kung anong tama,' ani mommy.







''May mga tama na akala natin mali kaya hindi natin ginawa at may mga mali na akala natin tama...kaya natin ginawa. Pero alam ng puso mo ang tama. Naguluhan ka lang kasi natakot ka kaya biglang tumanggi ang isip mo sa sinasabi ng puso mo,' sabi naman ni daddy. "Ayaw man nating mangyari ang isang bagay, gustuhin man nating iwasan...mangyayari't mangyayari pa rin ito lalo na kung iyon naman ang nakatakda. It might be you because situation was on your control yet, you failed to do so. Fate is really inevitable. Hayaan mo munang matuto ka."









Naalala ko bigla ang sinabi sa'kin ng magulang ko maging ang payo nila nang ilabas ko sa kanila ang dinaramdam ko. Napangiti ako. Hindi ko maitatangging sobrang gumaan ang pakiramdam ko nang makausap ko sila tungkol dito. Iyon ang unang beses na nag-open up ako sa kanila at hindi ako nagsisisi. Nabawasan ang pag-aalala at bigat sa dibdib ko. Pilit ko man ibalik o sisihin ang sarili ng paulit-ulit, wala nang magbabago pa. Nangyari na at hindi ko na maibabalik ang oras para lang itama ang lahat. Ang tanging magagawa ko ay gumawa ng panibagong desisyon at siguraduhin lang na sa pagkakataong ito ay tama na ang gagawin ko.









And, that's what I am working for.









Kasalukuyan akong nakahiga sa damuhan at ninanamnam ang tahimik na paligid habang habol pa rin ang paghinga dahil sa pagod sa pakikipaglaro kay Akihiro. Napatitig ako sa kalangitan at napangiti sa nakikita. Ito na naman ako...iniisip siya. Namimiss ko na siya. Tatlong linggo na mula nang umalis siya. Ang bilis ng araw pero pakiramdam ko ang tatlong linggong yun ay katumbas na ng tatlong buwan. Marahil dahil sa pangungulila sa presensiya niya. Araw-araw at gabi-gabi akong naghihintay na baka sakaling maisipan niyang magparamdam man lang sa text o tawag pero bigo ako. Maging ang mga kaibigan ko'y wala ring balita sa kanya. Sa ngayon, alam kong walang kasiguraduhan kung babalik pa siya pero ito ako, buong puso na umaasa at aasa na babalik siya.








"Hey, Ate Gwen!" Ibinangon ko ang katawan at nanatiling nakaupo. Tumingin ako sa batang papalapit sa pwesto ko. Pawis na pawis ito habang kasunod niya sa likuran ang kanyang yaya na hingal na hingal naman. "Let's play tagu-taguan sa bahay. Yaya will be the taya!" Excited nitong turan. Nagtatagalog nga ang batang 'to pero conyo naman.








"Later. Pahinga muna tayo," sabay gulo sa buhok niya na inayos ko rin agad. Jusko. Hindi ba siya napapagod? Kanina pa kami naglalaro ng habulan ah.








"Aish!" Cute na daing nito. Natawa lang ako.









"Dai naman. Bakit mo naman tiniruan ang batang 'yan ng mga larong ganito. Ako ang napapagod sa kanya. Tignan mo nga energetic pa rin," naiiling na sabi ni Ate Siti sabay turo kay Aki na tumatakbo na naman habang sumisigaw ng 'come and catch me'.








Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon