Intro

1.8M 28.1K 5.3K
                                    

Game Over

 

 

Timi

            Sa buhay ko, dalawang beses akong nag mahal nang totoo. At sa dalawang beses na iyon, wala ni-isa ang minahal ako ng totoo. Napaasa ako at nagamit. Isang laro lang pala ‘yun. At nung na-game over na, ako ang talunan. Nung mga panahon na ‘yun, iniisip ko na bakit ba ako ang favorite nilang paglaruan? May nakalagay bang “Play with my heart” sign sa likod ko? O may nakaturo bang arrow sa puso ko at may instruction na “tear here”? Ano bang meron ako at naging tingin sa akin ng mga kalalakihan ay isang laruan?

            Gusto kong gumanti sa mga taong yun. Gusto ko silang saktan. Gusto kong iparanas sa kanila ang ipinaranas nila sa akin. Punong-puno nang galit ang puso ko. Parang sasabog.

            Pero noon yun.

            It’s been five years and I’ve moved on. I realized, wala na namang mangyayari kung maghihiganti ako. Hindi rin naman ako magiging masaya eh. Pag nag higanti ako, alam kong gaganti rin si Erin. Magiging cycle na ito. Wala nang katapusan.

            Kaya ako na ang tatapos.

            Okay nang wala na ako sa buhay nila at wala na rin sila sa buhay ko.

            Okay na ang lahat.

            Masaya na ako eh.

            Pero bakit kailangang makita ko ulit siya?

 

 

 

Kite

 

            I let her go.

            Alam kong hindi pa oras noon kaya hindi ko na siya ginulo. Pero lagi akong nakabantay sa kanya, tinitignan siya mula sa malayo.

            Alam ko nang mangyayari ito eh. Alam kong masasaktan siya. Pero alam ko ring hindi ako makakapagligtas sa kanya nung mga panahon na ‘yun. So I let her go.

            Pero pag nagkita ulit kami, hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon.

            I’ve waited long enough. Siya pa rin ang gusto ko.

            At this time, hindi ko na siya bibitiwan.

Ice

 

            Ang sakit palang makitang nasasaktan ang mahal mo nang dahil sa’yo. Lalo na kung wala kang ibang magawa kundi ang manood.

            Gusto kong bawiin lahat nang sinabi ko. Gusto kong aminin na mahal ko siya.

            Gusto ko siyang makasama. Pero hindi pwede.

            Hindi dahil sa wala akong lakas ng loob o nagpapakaduwag ako o hindi ako marunong lumaban.

            Hindi pwede dahil wala akong karapatang sumaya.

            Simula nang nangyari ang bagay na yun.

            I destroyed someone’s life. I took away two things that is so important to that person. And I need to pay with my life.

            I deserve this.

***

AUTHOR'S NOTE (PLEASE READ)

First chapter will be posted on January 5, 2015 :)

 

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon