Chapter 2: That stare

30.8K 1K 419
                                    


CHAPTER TWO

That stare


"ANO'NG oras uwi mo mamaya, 'nak?" tanong sa 'kin ni Papa pagkahinto niya ng sasakyan namin sa harap ng campus gate.

"Baka medyo maaga, Pa. Nag-text kasi sa 'kin si Coach, ball drills na raw kami mamaya, saka baka may play na rin," sagot ko sa kanya bago ako lumabas ng sasakyan niya.

"Ikaw, Pa? Maaga kang uuwi ulit mamaya?" tanong ko habang nakasilip sa bintana ng sasakyan.

"Depende pa. Hindi pa namin natatapos 'yong sa bagong case namin. Baka ma-late ako ng uwi."

Tumango ako. "Ingat," huling sabi ko bago siya tuluyang umalis.

Pagpasok ko sa klase, 'di ko talaga maiwasang mapailing kapag nakikita ko 'yong mga kaklase kong varsity na naka-school uniform. Hindi ako sanay.

Umupo ako sa tabi ni Lumi na nakikipagkwentuhan kay Rara sa kaliwa niya. Sa dami ng puwedeng upuan, hindi ko rin alam bakit dito ako pumuwesto. Pero siguro dahil na rin malapit ako kay Madette.

Kinalabit ko naman si Madette na nakaupo sa harapan ko.

Agad siyang lumingon sa 'kin at napatulala naman agad ako. Siya kasi 'yong tipo ng babaeng kapag nakakausap ko, napapatulala talaga ako sa ganda niya. Para siyang anghel na hindi ko maintindihan.

"Aga mo ngayon ah?" she said, breaking me out of trance.

"Paturo ulit ako mamaya. Sa Chem naman," diretsong sabi ko.

Tuwing kakausapin ko siya, lagi akong may kailangan. Ewan ko kung napapansin niya, pero sa sobrang bait niya, okay lang naman lagi sa kanya.

"Sure, lunch time puwede ka?"

See? Pumayag agad siya.

"Oo. Sige," sagot ko. Nginitian niya ako bago niya tuluyang ibalik ang paningin sa harapan. Sakto naman ang pagdating ni Sir Bonzo.

"Sino na namang nag-drawing nito sa board?!" galit na sigaw ni Sir Bonzo. My eyes darted on the whiteboard, shaking my head in disbelief.

Penis.

Lots of Penis.

Jusko. Araw-araw na lang nila dino-drawing 'yan sa board. 'Di ba sila nauumay?

"Wala ka ba niyan, Sir?" tanong sa kanya ni Gonz at nagtawanan ang buong klase. Nangingibabaw 'yong tawa ng mga varsity hanep.

"Ano'ng sabi mo, Zavardo?!" sigaw ni Sir Bonzo kay Gonz. Agad namang nagpigil ng tawa si Gonz.

Siraulo rin talaga 'tong si Gonz kahit kailan.

"I mean, wala ka ba no'ng oras na nag-drawing sila sa board n'yan?" palusot ni Gonz kaya mas lalong nagtawanan ang mga kaklase kong lalaki habang kaming mga babae naman ay napailing na lang dahil sa mga kalokohan nila.

"Malamang wala ako niyan Zavardo! Magtatanong ba ako kung nandito ako no'ng ginawa niyo 'yan?!" pikon na sabi ni Sir. Padabog niyang binura 'yong nasa white board at iritang tumingin sa mga lalaki naming kaklase.

"Isa pa ha, isa pa!" banta niya sa kanila.

"Dalawa pa, Sir. Gusto mo tatlo pa," tumatawang sabi ni Gonz kaya hindi na nakapagpigil si Sir at binato siya ng whiteboard eraser.

Mas lalong nagtawanan ang mga kaklase ko. Iyan ang gustong-gusto nila. 'Yong sinisira nila araw ng mga instructor namin.

Nang mapatingin sa 'kin si Gonz ay napailing na lang ako. Hindi na talaga siya magbabago. Anyway, he's Gabriel Onroe Zavardo, mas kilala sa pangalang Gonz. Best friend siya nina Rara at Trevor simula no'ng mga bata pa lang sila.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon