=03=

15 0 0
                                    

Late na pero pinapunta pa rin ako nila Athena sa party sa bahay nila.

Ang hilig naman nito magpa-party. Nakatira sa iisang bahay si Tom at Athena. Don't get the wrong idea. Pinatuloy ni Athena itong si Tom dahil wala pa s'yang ipon. Balak ata nun bumili ng mansyon, eh.

Friends lang daw sila at wala naman daw namamagitan sa kanila.

"Doktora!!! Buti pumunta ka?" Inakbayan ako ni Athena.

Nilayo ko s'ya sa'kin dahil ayaw kong mag-amoy alak.

Nakita ko si Lia na may kausap na Amerikano. Napasapo ako sa noo ko, bakit ba ang hilig nito sa mga ibang lahi?

"What?! Ma, ayoko. No. Argh!" Napasabunot sa sarili nya si Allen.

Nakaupo sa sala silang lahat maliban kina Lia, Athena at Tom. Inaalalayan ni Tom si Athena dahil lasing na ito.

Busy si Alenna sa paglalaro ng 'Geometry Dash'.

"May blind date ka nanaman, 'no?" Tanong ni Alenna ng hindi nililingon ang kambal n'ya.

"Yes." Pinikit ni Allen ang mga mata n'ya at gulat akong tiningnan ng iminulat n'ya 'yun muli.

"Caine! Anong ginagawa mo dito?" Tanong n'ya.

"Pinapunta ako ni Athena." Umupo ako sa tabi ni Alenna.

"Wow, ang haba ng sagot." Tinungga ni Allen yung bote ng alak.

"TEQUILAAAAAA!!!" Sigaw ni Athena.

Binaba n'ya ang bote ng Tequila sa table. Halatang lasing na s'ya.

"Dalhin mo na nga 'yan sa kuwarto n'ya. Baka kung ano pa magawa n'yan." Stressed na sabi ni Lia na kadadating lang.

Sya talaga ang may pinakamataas na tolerance sa alcohol. Kahit hindi ako masyadong umiinom, alam kong malalasing ako kaagad pagkatapos ng ilang shot.

"Kamusta? Sarap ba nung Amerikano?" Nagaasar na tanong ni Alenna.

"Tsk. Di ko 'yun type. May asawa na 'yun, 'no? Sa'kin nagpagawa ng gown 'yung asawa nya." Pagpalaliwanag nito.

"Reto kita sa kakilala ko. Half-american." Singit ni Allen.

"No, thanks." Sabi ni Lia at tumungga ng alak.

"Luh, himala, hindi lumalandi si Lia ngayon." Bulong ni Alenna.

Natawa ako at uminom lang ng coke. Ayokong malasing dahil paniguradong lagot ako.

Nakalipas ang ilang minuto at unti-unti nang nababawasan ang tao.

"Iuwi mo si Lia." Utos ko kay Allen.

"Aba, ba't ako?!" Pagmamaktol ni Allen.

"Kase sabi ko." Naglakad na ako paalis doon.

Umuwi ako sa condo ko para makapagpahinga ng maayos. Hindi na ako pinapapasok ni lolo simula bukas para makapaghanda ako sa flight.

Ang malas ko lang talaga dahil si Lucas pa ang nakasama ko. Okay na sana kung si Peter. Hayy.





Papunta ako ngayon sa hotel nila Allen. Yaman, diba?

Pumunta ako sa restaurant nila sa ground floor at naabutan si Lia at Alenna doon.

Nagse-sketch pa si Lia ng umupo ako doon. Halatang last minute na nyang ginagawa. Napakamot pa sya sa ulo nya dahil sa i-stress.

Sunod na dumating si Allen. Mukha syang milyonaryo sa suot nya.

"Rich kid ang datingan, ah?" Biro ni Alenna.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon