Chapter 10

8.7K 429 160
                                    

Chapter 10: Tinig Party-list
Zanashi

What happened during our PE class is still lingering inside my head like it just happened a few seconds ago. As much as I want to deny it, reality won't just cooperate.

Me? As their representative? Must be the biggest joke they've ever made this year. Anong gagawin ko sa araw na iyon? Ipapahiya ang sarili?

One fact about me is that I don't give a damn about what other people think about me, but the thing is, I don't also want to be humiliated in front of them. Ironic, really.

Ang dami sigurong manonood dahil maraming section ang kasali. I closed my eyes embarrassingly as I imagine myself stumbling over and over again with my dear kadang-kadang stick in front of numerous judging pair of eyes.

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nilang 'pag masaya ka, bumibilis ang takbo ng oras. Para sa akin naman, mas bumibilis ang oras 'pag marami kang ginagawa, ni hindi mo alam kung kailan isisiksik ang gawaing ito dahil sa bilis ng pangyayari.

Nagsimula na kaming mag-review ni Sulivan para sa Interschool Accounting Cup. Of course, we're not literally studying together. Nagkataon lang na kailangan namin ang questions na ginawa ni Professor Amilagir pero hindi ibig sabihin no'n ay sabay na kaming mag-rereview.

Kapag klase namin ang nauunang i-dismiss, ako ang kumukuha ng reviewer sa office. Kapag siya naman ang nauuna, siya ang kumukuha. Napag-usapan naming bawat isa sa amin ay may dalawang oras na gamitin ang reviewer sa loob ng isang araw.

Usually, mas maaga ang uwian namin 'pag tuesday and thursday ng two hours kaya tamang-tama pagdating niya, tapos ko na ang oras ko.

During monday, wednesday, and friday naman ay nauunang matapos ang klase nila ng 30 minutes. Problema iyon dahil pagdating ko sa library ay hindi pa siya tapos mag-aral.

"Ikaw na lang muna, Pantorilla. Saka na lang ako 'pag tapos ka nang mag-aral."

Lagi niya itong sinasabi pero lagi ko ring tinatanggihan. Kung tanggapin ko ang alok niya, utang na loob ko na naman iyon? Ayoko ng gano'n. Kaya habang nag-aaral siya, ginagawa ko na lang ang mga requirements, assignments, at nag-aaral na rin ako para sa daily classes namin.

We tried to ask Professor Amilagir if we could photocopy it because honestly, it's very inconvenient for us to use only one reviewer. She didn't allow us, unfortunately, that's why we don't have any choice but to deal with this messy schedule.

"Done.." napatingin ako kay Sulivan na nakatayo na ngayon sa gilid ko habang nilalahad ang reviewer.

Tumaas ang isang kilay ko. Agad? Sa minsanan kong paghihintay sa reviewer, minsan ay inaabot siya ng dalawang oras pero ngayon, hindi pa ata nag-iisang oras.

"Did you even read this today, de Lopezes?"

"Of course, but not as many as usual."

Ngumisi siya at sinukbit sa balikat ang bag na dala-dala. Bago tuluyang umalis ay yumuko siya para bumulong sa tenga ko. I almost shivered because of the proximity of his lips to my ear.

"Date.."

Nagulat pa ako kung anong ibig sabihin niya noong una pero nang makita ko si Elleanor na nakatayo malapit sa upuan kung saan nakaupo si Sulivan kanina, napailing na lang ako.

Sa minsanan kong pagpunta sa office, 'di ko maiwasang mapansin ang medyo kakaibang nangyayari sa loob nito. Lagi ay maraming estudyanteng naroon at base sa isang guhit sa kanilang necktie, masasabi kong first years pa lamang ang mga ito.

"Ate Aphra? Come here. Sit with me na lang muna."

Isang kamay ang humila sa akin para makaupo sa isang upuang naroon. Tiningnan ko ito at halos mapahinga nang malalim nang makita ang mukha ni Carolline.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now