Chapter 57

24.3K 891 53
                                    

Chapter 57

I went straight to our room when we got home. Sinundan niya ako at tinabihan ako sa kama.

"Amity..." tawag niya sa akin.

Nanatili akong nakatingin sa kawalan.

"Anong nangyari? Kanina ka pa hindi nagsasalita. Nakapagpaalam ka kay President?"

Marahan akong tumango. She held my chin and made me face her. Tumitig siya sa mga mata ko at nalukot ang noo. Bigla niya akong hinigit palapit sa kanya at niyakap nang mahigpit.

"Alam mo 'yong pakiramdam ko? Ang bigat. Sobra."

Mabilis na nag-unahan pagbagsak ang luha sa aking pisngi. Humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Gusto ng mama niya na ipakasal siya sa ex niya. Tapos 'yong nadatnan ko pa."

Hindi siya nagsalita, alam kong nakikinig lang siya.

"Bakit ganito?" Nanginig ang mga balikat ko dahil sa tindi ng nararamdaman kong sakit sa dibdib. "Hirap na hirap na akong intindihin ang sarili ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko na nahihirapan akong kontrolin. Tapos ganito pa. Makikita ko pa sila na ganoon kalapit."

Nalukot ko ang likuran ng kanyang damit. Sumubsob ako sa balikat niya at mas lumakas ang pag-iyak nang halikan niya ang gilid ng ulo ko.

"Amity..."

"B-bakit ganito kasakit?" nabasag nang tuluyan ang boses ko.

"Kasi mahal mo," sagot niya. Inilayo niya ako sa kanya at hinagilap ang mga mata ko.

Napatungo ako. She held both of my hands and squeezed them gently.

"Gusto mo bang papuntahin ko siya rito?" tanong niya.

Mabilis akong umiling. "No. Ayoko."

"Bakit?"

Hindi ko siya sinagot. Hinawakan niyang muli ang baba ko at pinatingin sa kanya. I bursted out crying again and was out of words. It was like crying was the only way to cope with the pain.

Sumubsob ako sa dibdib niya at wala siyang ginawa kundi ang aluhin ako. Hindi ko alam kung ilang oras akong iyak lang nang iyak.

Nagising na lang ako na wala siya sa tabi ko. Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Nang tingnan ko ang oras ay alas singko na ng umaga.

Nasa kusina siya at agad nabalutan ng pag-aalala ang mukha niya pagkakita sa akin. Binitawan niya ang siyanse at nilapitan ako.

"Akala ko... iniwan mo ako." Mahigpit akong yumakap sa kanya.

Iniupo niya ako sa upuan at tiningnan ang mukha ko. Pinunasan niya ang luha ko, at sobrang lamlam ng mga mata niya.

"Why would I do that? Huh?" Umupo siya sa aking tabi. "Nanaginip ka ba? Anong nararamdaman mo?"

Kinuyom ko ang mga kamay. Batid ko na napatingin siya rito. Hindi ko napigilan ang muling pagbuhos ng luha. Sagana ito, katulad ng kung gaano kasagana ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib.

Napahawak ako sa kamay niya nang biglang nakaramdam ako na parang lumulutang ang ulo ko. Mabilis na namanhid ang mga kamay ko.

"Amity..." kinakabahan niyang tawag sa akin.

"Nahihirapan akong huminga. 'Wag mo 'kong iiwan, please. Nagmamakaawa ako sa 'yo."

Kapag nagkakaganito ako noon ay may iniinom akong gamot na prescribed ng psychiatrist. Pero sa ngayon ay siya lang ang meron ako.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon