Wakas

6.1K 169 21
                                    

Wakas

"Sigurado ka na ba talaga, kuya? Sino ang makakasama ng mga bata roon? Bakit ayaw mong kay Hera nalang ihabilin ang mga bata?"

"Hugo, hindi pwede kay Hera. Mas mabuti kong sa California sila tutal ay andoon naman ang malapit na kaanak ni Mariella. Mag ha-hire naman ng mga katulong at bibisita kami lagi roon."

"Heustacio, baka nabibigla ka lang?" Naiiyak na sambit ni Mommy.

"This is for their own good, Mariella. For all of us."

"Pero bakit si Hex? Bakit mo siya iiwan dito kasama niyo?" Tanong uli ni Tito Hugo.

Tumingin si Daddy sa'min. Naka upo kami sa couch habang yakap ko si Hellina. Si Hex naman ay tahimik lang sa tabi ko.

"There is always a deep reason behind every of my decisions, Hugo."

My parents and Tito Hugo are talking about us. Daddy wants me and Hellina to live in California while they planned to let Hex stay here in Zaccarrio. Gusto nilang ilayo kami dito dahil medyo magulo ngayon ang sitwasyon ng pamilya namin laban sa mga del Carmen.

Hindi ko alam kung magiging grateful ba ako na gusto kaming papuntahin ni Daddy sa mas safe na lugar o maiinggit kay Hex dahil hinayaan siya ni Daddy na manatili dito para makasama nila.

Alam ko naman, maliliit pa lang kami na iba talaga ang trato ni Daddy kay Hex kompara sa'min ni Hellina, lalo na sa'kin. Daddy's favorite is my older brother Hex while Mommy's favorite is my younger sister, Hellina. Pero kahit ganoon ang nararamdaman ko, hindi naman ako nagkimkim ng galit sa mga magulang ko. Nagpapasalamat pa din ako dahil kahit papaano, binibigyan din nila ako ng marangyang buhay katulad ng nararanasan ng mga kapatid ko. Hindi ako nagrereklamo pero minsan, nagtatampo ako. Hindi naman kasi maiiwasan mag selos lalo na kung mas nararamdaman at nakikita kong mas espesyal talaga ang trato nila sa dalawa kong kapatid kompara sa'kin.

Hellina and I went to California days after their conversation. Nag hire sila Mommy ng mga katulong para taga pag-alaga sa'min ng kapatid ko. Pero bilang nakatatandang kapatid, responsibilidad kong bantayan ng mabuti si Hellina. I need to grow fast and be mature so that I can protect my little sister.

I grew up in California where I feel I quite belong. Though I would always say that Zaccarrio is my sanctuary, a place where I am free.

Dito sa California, lahat ng atensyon nakukuha ko. I quite like the feeling that girls give their full attention to me. Ngitian ko lang, nagkakandarapa na ang mga babae sa'kin. Gamitan ko lang ng kaonting salita, bumibigay din sila sa'kin. Ganitong pakiramdam ang uhaw na uhaw ako. Ang atensyon at pagmamahal mula sa mga magulang ko.

Iniisip ko nalang na minsan, may mga magulang talagang ganoon. The middle child is always place in between. Kung sa science pa kumbaga ako ang neutral sa'ming magkapatid.

But things change when I met Jazmine. Iba siya sa lahat ng babaeng nagpapapansin sa'kin. I like her charm and humor. Kaya niligawan ko siya at isang linggo lang ay kami na. Sinubukan kong mag mahal ng totoo sa unang pagkakataon. Naisip ko kasing, ano kaya ang pakiramdam ng mag invest ng totoong feelings?

We dated for several years since we're in high school until I decided to propose to her. Naging mapusok din ako noon kaya nakakagawa ako ng biglaang mga desisyon.

But then luck really like me despite being deprive of attention from my parents. After two months of proposing to Jazmine, I found her and my friend making out in the back of a club where we used to hang out. Sa unang pagkakataon, natapakan ang ego ko.

Why can't people just choose me? I sometimes thought of things that maybe there is really something wrong about me. Maybe I am not enough because no one wants me.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon